The Real Thing 2

4.2K 73 15
                                    

Chapter six na! This chapter is entitled The Real Thing 2. Sana magustuhan nyo! CommVo kayo! And be fan! Sige ha?

I'm dedicating this to my sis here in wattpad! Sana magustuhan nya. =)

Love, love, love!

@KathNiel143

--------------------------------------------------

xxxREALITYxxx

=Diego's PoV=

Panlimang araw na 'to ngayon ni DJ na nakaratay na naka-coma. Hindi pa rin sya gumigising. Bakit ganun? Araw-araw na tuloy umiiyak si Mommy. Heto ako ngayon, kami lang ni DJ andito sa kwarto, nasa bahay kasi sina Mommy. Time ko magbantay ngayon eh.

"Bro, gumising ka na, bumalik ka na sa 'min. Araw-araw ka ng hinahanap ni Carmella, bumangon ka na nga dyan." sabi ko kay DJ, as if! Para namang sasagot 'to eh, patay na buhay! Gising na tulog. Gets nyo?

May bumukas ng pinto, luminga ako para malaman kung sino yun. Yung nurse pala, alala nyo? Yung nurse na gumising sa 'kin?

"Uhm, Sir, how's the patient na po ba?" sabi nya ng nakangiti habang naglalakad papunta kay DJ.

"No signs pa rin eh." ang sagot ko, tapos ginulo ko buhok ko at yumuko tapos binaon yung mukha ko sa kama.

"Sir, okay lang po 'yan. Five days pa naman po eh. Hold on pa rin po kayo." hinawakan nya ang likod ko.

"Thank you talaga ha? You're always encouraging me and my family. Ba't ang bait mo?" tumingin ako sa kanya at sinabi ko yun tapos umayos ng upo.

"Hindi naman po, Sir." then she smiled like an angel. Alam nyo yun? Ang ganda-ganda nya talaga. Pero 'wag kayong magkakamali ng iniisip ha? Kay Julia pa rin ako, nagagandahan lang ako dito sa nurse na 'to. Tsaka ang bait eh.

"Ilang taon ka na bang nurse dito?" tanong ko sa kanya.

"Hmm?" nag-isip sya ng saglit. "Kaka-start ko lang po. Summer job, well, more like of a punishment." sabi nya ng may kasabay na konting tawa, then pumunta sya sa table sa kabilang side ng kama at gumawa ng mga kung anu-anong anik-anik dyan.

"Punishment?" pagtataka kong tanong sabay taas ng isang kilay.

Lumingon sya sa 'kin, "Opo, anak po ako ng owner nitong hospital. I was a bit stubborn during school days, eh. Kaya ito napala ko, My mom and dad punished me. Sabi nila 'You should work in the hospital or else! God help me, ipapadala kita sa States to live with your cousins.'" ang sabi nya, nakakatawa, nag-acting kasi sya nung sinasabi nya yung linya ng magulang nya.

"Ganun ba? Kakagulat naman, eh ba't ka pumayag? Ba't hindi ka nalang pumunta sa America?"

"I hate life in America. I would rather choose to live here in the Philippines than stay in that stinky place. And besides, I hate my cousins, they're just so boastful and proud!" wow! Dumugo ilong ko dun ah? NOSEBLEED! Napanganga nalang ako. "Huy, isara mo 'yan, mamaya nyan, mapasukan pa yan ng langaw." pang-aasar nya.

"Ay, sorry." tapos nagtawanan kami. "Galing mo naman pala mag-disguise, biruin mo, 'di ko naisip na anak ka ng owner nitong ospital."

Nag-smirk lang sya and nagkibit-balikat tapos tumawa ng konti. Para syang anghel na pinadala sa lupa. Ganda naman kasi eh!

"Sige po, alis na ako. Baka ma-enjoy mo pa company ko't ayaw mo na akong pa-alisin." sabay kuha ng mga dala nyang gamit kanina at nag-belat sa 'kin. Bata lang?

"Haha, sige. Pero balik ka ulit next time, usap tayo ulit." sabi ko at nag-smirk ako.

"Syempre naman noh, nurse po kaya ako." sabay alis nya. Tumawa lang sya ng konti at lumabas na ng pintuan. Kakatuwa nya naman kausap, napapailing nalang ako dito. Ang kwela nya siguro kabarkada.

Mamaya-maya nyan, inantok na naman ako. Makatulog na nga lang, nakakabagot kaya magbantay ng taong alam mong tulog naman palagi. Ikaw kaya pagbantayin ko dito kay DJ. Kaya mo?

Pumikit na ako at natulog.

-------------------------------------------

Tada! Chapter six po yun, pasensya na sa inyo kung maikli sya, wala kasi masyadong magawa sa real world eh! Pero vote pa rin kayo and comment! Kahit paninira, keri na yun! Hula kayo para sa next chapter.

DO YOU SMELL SOMETHING FISHAAY? >=))

Thank you for reading ha? CommVo, and be a fan! =)

REMINDER: Fantasy lang po lahat ng 'to at gawa lamang ng cute na author ng librong binabasa nyo! XP

Next Chapter's title: Not Again!

Hula! Hula! Hula Hoop! =))

10 votes, 5 comments. =)

Hanggang sa next chapter ulit!

Love, love, love!

@KathNiel143

Forbidden Love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon