Tsapter seven is next up! Sana comment and vote kayo. =)
Remember, bawal ang silent. Haha. xP
Dedicated 'to sa kanya, she's a friend of mine. Sana magustuhan nya. =)
Sana magustuhan nyo ang chapter na 'to! =)
REMINDER: Fantasy lang po lahat ng 'to at gawa lamang ng cute na author ng librong binabasa nyo. XP
Love, love, love!
@KathNiel143
-----------------------------------------------------------------------
=Daniel's PoV=
"Sige ha, kaw may sabi." satsat pa ni Olivier. Ang engot talaga, ayaw akong paniwalaan. Nag-nod nalang ako sarcastically. Tahaha.
San kaya pwedeng gumala dito? Luminga-linga ako, nang may nakita ako. Pamilyar sya sa 'kin, yung buhok nya, yung pagtayo nya. Tumakbo ako papunta sa kanya, sumusunod kasi sya sa parada eh, teka lang! Hintay. Kilala ko talaga 'to eh, hindi ako nagkakamali.
Naabutan ko na sya, nasa likod na nya ako, hinawakan ko ang braso nya tapos humarap sya. Tama nga ang hinala ko!
"Mei!" sabi ko pagkaharap na pagkaharap nya sa 'kin. "Dito lang pala kita makikita ulit!" sabi ko at ngumiti ng nakakalokong wagas! =))
"Not again! Tss, anong ginagawa mo dito?" hinatak nya ako palabas ng parada at hinigit papunta sa isang gilid.
"Ganun? Yun ba talaga sinasabi mo sa mga bagong kakilala mo?" tanong ko sa kanya sabay puppy eyes ng konti. =))
"Pwede ba? Tigilan mo nga ako," then she crossed her arms above her chest. "At hindi kita kilala, okay? Kalimutan mong nagkasalin-sinan tayo dun sa gubat. It was just five minutes of your life, so forget it! Do you get the point of what I'm saying?" pagtataray nya with taas ng isang kilay.
"Ang sungit mo naman eh. Kaya nga ako nakipagrampa sa parade na yun dahil sa 'yo eh. Ang taray mo naman. Gusto ko lang sanang makipag-kaibigan." tapos hinawakan ko ang batok ko.
"Bulag ka ba? Hindi mo yata ako narinig eh! Sabi ko layuan mo 'ko!" at nagawa pa nyang magbiro ha? Haha.
"HAHAHA, eh, halata namang gusto mo rin makipag-kaibigan eh." then tumigil ako sa pagtawa.
"Eh, hindi naman ah!" sabi nya tapos seryoso yung mukha nya.
"Bleeh," binelatan ko sya. "Sino niloko mo?" pang-aasar ko.
"Hmp!" then she looked away, still keeping that masungit look on her face. Then silence proceeded. So, I decided to break it.
"Huy? 'Di ba talaga pwede?" then tinaas ko ang mga kamay ko and nag-pose na parang nagpe-pray with matching puppy eyes and pa-cute.
"Tss." lumingon na sya sa 'kin, tinitigan nya lang ako. After mga seven to ten seconds, nagbuntong-hininga sya, tapos may nag-appear na half-smile sa mukha nya then umiling-iling sya.
"Yes! So pwede na makipag-kaibigan?" sabi ko tapos ngumiti ako ng wagas.
"Sige na nga." then she smirked and made her smile whole. Ganda nya naman pala 'pag nakangiti. "I'm Mei Su. Nakatira ako dun sa gubat wherein una tayong nagkita." inabot nya ang kamay nya para makipag-shake hands.
"I'm Jackson Lee, pero sa maniwala ka man o hindi, ang totoong pangalan ko ay Daniel John Ford Padilla. Secret lang natin yun ha? Eh, kasi naman pinagtatawanan ako 'pag sinasabi ko yun. Hindi ko nga alam kung panu ako napadpad dito sa Canai eh. Alam mo ba yung Pilipinas? Dun talaga ako nakatira, dun yung normal na buhay ko. Pakiramdam ko, nagbago mundo ko bigla. Nung pagkagising ko, YUN! Andito na ako. Alam mo ba? Yung kuya ko naging bestfriend ko na lang dito, tapos yung teacher ko naging Chief nami---" tinakpan nya yung bibig ko. Napatigil ako sa pagsasalita then gave her a confused look.