The Real Thing 3

3.7K 61 10
                                    

I dedicated this to her, kasi todo support sya every chapter! =) Thank you talaga! =)

--------------------------------------------

xxxREALITYxxx

=Diego's PoV=

Alam nyo na, oo. Andito na naman ulit ako sa ospital, kakarating ko lang galing sa bahay, naligo muna ako at nagbihis then pumunta agad ako dito. Tanghaling tapat na, ang init sa labas! Grabe!

Pumasok na ako sa room ni DJ, nandito si Mommy, sya ang nagbantay nung umuwi muna ako. Hindi pa rin talaga gising si DJ, tsk. 'Yan tuloy, si Daddy? Wala na, hindi na pumupunta dito sa ospital, sinisisi pa rin nya sarili nya. Pero okay na rin naman sya ng konti, ayaw nya lang daw munang makita ang anak nya ng naghihirap.

"Ma, ako na po dito." ang sabi ko sa mommy ko.

"Sige, uwi na rin ako. Bantayan mo si DJ, Diego ha?" sabi ni mommy.

"Ma, cool ka lang, hindi 'to makakatakbo, kita mo naman, nakabitin ang isang paa at tulog na tulog 'yan. Akong bahala dito." sabi ko tapos ngumiti ng nakakaloko. "Aray! Ma naman! 'Wag kang mamalo ng pagkalakas-lakas, mamaya, magising si Sleeping Beauty." =)) Ang lungkot kasi ni mommy.

"Ewan ko sa 'yo. Basta ikaw na dito. Mukha mo." tumawa sya ng konti at kinuha na yung bag nya at binuksan na yung pinto.

"Good morning, Ma'am." may naringi akong pamilyar na boses, napalingon ako. Yung nurse ulit, napangiti na lang ako sa kanya.

"Good morning rin, sige hija, alis na ako." sabi ni mommy tapos nagmadaling umalis. Tss, eto talagang si Mommy, napailing na lang ako.

"Oh? Napanu ka dyan?" tanong ng nurse sa 'kin habang sinasara ang pinto. There she goes again with that angelic smile.

"Wala, tss." tumawa ako ng konti.

"Anu na nangyari kay Aurora?" haha, yun kasi tawag nya kay DJ, sleeping beauty, gwapo kasi kapatid ko eh, mana sa 'kin. Walang aangal. =P

"Tss, wala pa rin. Ayaw gumising. Inalog-alog ko na nga eh, sinubukan ko na ring sumigaw sa tenga nya. Wala pa rin, kulang na lang yata magpabanda ako dito." ang sabi ko tapos nagtawanan kami.

"Sira." tapos binato nya sa 'kin yung bandage.

"Nga pala, ano ba pangalan mo? Palagi tayong nag-uusap, pero 'di mo 'ko kilala, and same goes with you." ako.

"Oo nga noh? Haha, sige, let me introduce myself. I'm Kathryn Chandria Manuel-Bernardo, daughter of the owner of Bernardo Hospital." sabi nya tapos inabot nya ang kamay nya.

"Tss, *smirk* I'm Diego Padilla, yan ang kapatid ko, si Daniel John Ford Padilla." sabi ko tapos nginuso ko yung kapatid ko. "Nakilala ko na ang sumagip ng buhay ng kapatid ko." dagdag ko pa.

"Ulul! Panu mo naman nasabi 'yan?" Kathryn.

"Ikaw kaya yung nurse na nagtakbo sa kapatid ko sa ER, tapos ikaw lang yung umakto habang lahat ng nurse tulala lang sa kagwapuhan ng kapatid ko." ako. Tumawa lang kaming dalawa.

"Haha, Ang gwapo daw kasi eh." tapos tumawa sya ulit. Tinanggal nya yung bandage sa kamay ni DJ, tapos pinalitan nya ng bago.

"Tapos na?" ang tanong ko.

"Yehp, sige. Bantayan mo 'yang kapatid mo. Baka kumaripas ng takbo." ang sagot nya tapos nagtawanan kami. "Alis na ako, Diego." dagdag nya, tapos pumunta na sya sa pintuan at binuksan 'to.

"Sige, bukas ulit." ako.

"Syempre! Bleeh!" tapos tumakbo na sya palabas ng kwarto at binagsak ang pinto. Narinig kong pinagalitan sya ng head ng nurse station 3A, haha. Bata kasi, pero nakakaaliw rin ah? Tss.

Makapag-basa na nga lang Fantasy Manga Comics, alala nyo? Yung tinanong ni DJ? Yun. =)

--------------------------------------------------------------------------------

Maikli talaga kahit anong gawin ko eh, wala kasi talagang magawa sa real world, yun na ang nurse. =)) Sana vote and comment kayo. LIBRE LAIT! =))

Labyuu guys, hanggang sa next chapter ulit.

10 votes, 5 comments for the next chapter. Keri? =)

Love, love, love!

@KathNiel143

Forbidden Love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon