Mei Su

4K 64 11
                                    

Dedicated to Babaita. Hahaha. Labyuu!

---------------------------------------------------------

=Mei's PoV=

He just kissed me.

Oo nga pala, I'm Mei, a witch, a wizard, a spellcaster. I'm sixteen years old. My parents died a year ago, due to no rituals for a year, I guess. Yeah, our lives--- their lives are like that. Original-blooded wizards die for no reason, as many think.

Tanda ko pa nung naghihingalo na si Ina at Ama.

xxxFLASHBACKxxx

Galing ako sa bayan, namili kasi ako ng mga prutas para pasalubong sa bahay. Pagdating ko, nakita ko si Ina at si Ama nakadapa sa sahig.

"Ama! Ina!" tumakbo ako papunta sa kanilang dalawa, hindi ko alam ang gagawin!

"Mai-Mai, hanapin mo ang iyong mga magulang." sabi ni Ama sa 'kin.

 

"Ama, we've already talked about that. Hindi ko sila gustong makilala, inabandona nga nila ako diba? Ayoko sa kanila, pakiusap, Ama. 'Wag nyo muna akong iwan." umiiyak na ako.

"Mai, hindi ka nila inabandona. Labin-limang taon na ang nakalipas, naglalakad kami ng Ina mo sa gubat. May nakita kaming tatlong lalaking nakapalibot sa isang sanggol, at ikaw yun. Yung isa ay may dalang sandata at akmang papatayin ka, pero pinigilan namin sila. Gumamit kami ng sumpa sa kanila, yun ay ang maging bulag habang buhay. Hanapin mo sila at tanungin mo kung sino ang iyong totoong mga magulang." pahina ng pahina na ang boses ng aking Ama.

 

"Gamitin mo ang mga bagay na itinuro namin sa iyo. Gamitin mo at palaguin ang kapangyarihang nakuha mo mula sa 'min. Isang araw makakatagpo ka ng lalaking binata sa gitna ng gubat, galing sya sa ibang mundo, at sya ang magiging katulong mo sa paghahanap ng totoo mong mga magulang." dagdag pa ni Ama.

"Hanapin mo sila, mahal na mahal ka nila anak. At mahala na mahal ka rin namin, 'wag mo kaming kakalimutan." inangat ni Ama ang kamay nya at hinawakan ang pisngi ko, hinawakan ko naman ng mahigpit iyon.

"Ama, 'wag, please." pumipikit na sila. "Ama! AMA! AMA!" humagulgol na ako. "Ama! Ina!" at sa isang sulyap naging abo na sila. Wala na sila.

xxxEND OF FLASHBACKxxx

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin nahahanap ang tatlong lalaking tinutukoy ni Ama. Hindi pa rin naman ako sumusuko, at hindi ako titigil hangga't 'di ko sila mahanap.

At ngayong andito na si Jackson, gusto ko sanang kumpirmahin kung sya ang taong sinabi ni Ama sa 'kin. Kaya lang naman ako naging masama nung una kay Jack dahil hindi ko matanggap-tanggap na totoo ang mga sinabi ni Ama.

xxxTHE NEXT DAYxxx

Akala ko magiging katulong ko lang si Jack at wala ng mas hihigit dun, pero ba't ganun? Pakiramdam ko ewan.

Forbidden Love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon