Moments

4.1K 71 12
                                    


I'm dedicating this to her, she's always there to support my story. Thank you!  :*

------------------------------------------------------------

=Daniel's PoV=

Pagkamulat nya, nakatitig pa rin ako sa kanya. Napalingon sya sa 'kin, baka napansin nyang nakatitig ako. Kakahiya!

"Anyare sa 'yo?" patawa nyang sabi.

"A-ah, w-wala. Psh, kakaiba kasi tayo eh." nauutal kong sabi. Tss, kaasar, nabuko ako. Haay!

"Bakit naman? Tao ako, tao ka. Ang pinagkaiba, panaginip ako, totoo ka. Tsaka mukha ka lang unggoy, so, anong iba dun?" at nang-asar pa? Ganon? Sus! Kung wala lang akong gusto dito, matagal na. Matagal nang BINAWIAN.

Binawian sa lahat ng pinaggagawa nya.

 

"Heh! Mukha mo!" ako.

"Bakit? Maganda?" sabi nya sabay belat.

Tss, swerte sya't totoo yun, aba'y kung hindi! =))

"Anong nginingiti-ngiti mo dyan? Nabaliw ka?" grr! Ba't ba ang hilig nyang mang-asar?!

"Mukha mo, pero alam mo? Marami---"

 

"Hindi ko alam." tapos tumawa sya. Haay! -____- Binigyan ko na lang sya ng death glare tapos natahimik sya, parang tuta, andaling maloko! Pfft!

"As I said, maraming kaibahan ang mundo mo at ang mundo ko." ang pagpapatuloy ko, well, hindi pwedeng sya lang ang mag-share. Dapat ako rin. It's my turn to share. =))

"So? Ano ba yung mga kaibahang yun?" tanong nya, hinila ko sya sa isang punong natumba, at pinaupo.

"Tagan ang sa inyo, diba?" nag-nod sya. "Sa 'min, ang Tagan, tinatawag naming Bible. Tapos hindi bathala ang pinagpapanalanginan namin, kundi ang Diyos."

"Sino naman sya?" Mei.

"Sya ang gumawa sa 'ming lahat. Sa Kanya rin kami nananalangin." ako.

"Talaga?"

"Oo."

"Hindi ko sya kilala. Pero sure ako na magaling syang manggagawa." sabi nya sabay smile. Syempre, ang tinutukoy nya dun ay ako, magaling talaga na manggagawa ng Diyos kasi nakagawa sya ng isang gwapong nilalang na katulad ko.

"Tama ka dun, tsaka alam mo ba? Sa amin, walang ganito kagandang view. Polluted kasi masyado. Ang ekonomiya kasi namin, umaangat.---- Aissh! 'Wag na nga lang, mamaya nyan, kung san pa tayo mapunta." sabi ko sabay tayo.

Forbidden Love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon