Xia's POV
"Babye Ate Xia,bye Mama,Kuya Jungkook at..." sabi ni Lala. Bago niya ituloy yung sasabihan niya ay pumunta na muna siya sa labas at parang handa ng tumakbo "Bye Kuya Pandak!" sabi niya at tumakbo na ng tuluyan.
"Hoy Lala! Hindi ako Pandak!" sigaw ni Jimin pero bineletan lang sya ni Lala.
Bata nga naman.
"Alis na po kami." sabi ni Annie at sinundan si Lala sa labas.
Haits...wala na naman akong gagawin sa bahay. Ano? Aakyat na naman ako sa puno para maghintay na magka-signal tapos iiwan na naman ako ni Jimin at maaabutan na naman ni Jungkook at pipilitin akong pababain?
Aish...
"Tita Mommy!" tawag ko kay Tita Glenda. Sabi niya kasi yun nalang daw ang itawag ko sa kanya.
FLASHBACK...
"Tita Glenda tulungan ko na po kayo dyan." pag-aalok ko kay Tita Glenda para tulungan siyang mag-hugas ng plato.
"Hindi na Xia. Makipag-laro ka na lang dun kay Lala." sagot nya. '
'Isip bata na ba ako? Nahawa na ba ako kina Won Ho para ipagtabuyan ako ni tita Glenda sa mga bata?'
"Atsaka Xia,Tita Mommy na lang ang itawag mo saken tutal dito ka na rin naman magi-stay pansamantala saka masyadong mahaba yung Tita Glenda." sabi niya kaya napatango nalang ako.
"Sige po,Ti-Tita Mommy." sagot ko. Mahaba din naman yung Tita Mommy eh. Napailing na lang ako.
END OF FLASHBACK
"Bakit?" tanong ni Tita Mommy saken.
"Can I go with you to Palengke. I want to sell vegetables too besides wala naman po kaming ginagawa dito ni Jimin." sabi ko dahilan para mapatingin saken si Jungkook sabay sabing...
"Hindi pwede,baka may makakilala sa'yo dun." sagot nya na agad nagpakunot ng noo ko.
'Eh ano naman kung may makakilala saken?'
"Ano naman kung may makakilala sa kanya Kookie? Ayaw mo nun,baka matulungan siyang maka-uwi." sabi naman ni Jimin. Tama siya,malay mo may makakilala nga saken tapos i-uwi ako sa bahay nina Nani. Edi hayahay ang buhay!
"Hi-Hindi naman sa ganun,i-ibig kong sabihin eh baka pagkaguluhan sya dahil anak siya nung may-ari ng pabrika dyan sa bayan." paliwanag ni Jungkook. Napa-ahh na lang kami ni Jimin.
'May point din naman siya.'
"Ok lang naman yun Jungkook. Baka may mahalaga ding gagawin si Jimin sa kanila kaya isasama na lang natin si Xia sa palengke." sabi ni Tita Mommy kaya agad akong napangiti.
"Really Tita Mommy? Super Thank yo--" naputol ang sinasabi ko ng putulin ako ni Jungkook.
"Per--" naputol din naman yung sasabihin niya nang pinutol na siya ni Tita Mommy.
"Wala ng pero-pero. Sasama sa atin si Xia, kung ayaw mo siyang bantayan nandito naman si Jimin. Kaya kung gusto mo umuwi ka na pagkadeliver mo nung paninda ni Aling Berta." paliwanang ni Tita Mommy.
"Oo na oo na,babantayan ko na po" sabi ni Jungkook at masama akong tiningnan kaya nagkibit-balikat lang ako habang nakangiti sa kanya.
"Tara na Xia." sabi ni tita Mommy kaya tumayo na ako sa upuan at kinuha yung backpack ko bago sundan si Tita Mommy.
BINABASA MO ANG
Lost My Way
Humor"I lost My Way?So where am I?" Xiandria Zyrish Dela Cruz lost her way in the first day of her vacation in her grandparents rest house...that leads the way to meet her... DESTINY? BTS Jungkook Fanfic ○ May 31,2017 ● Nov. 15,2017 ○ Editing ○