TwentySix

160 10 3
                                    


●●●●●●●●●●●●
Third Person's POV

Ilang araw na ang nakalipas mula noong paghihiwalay nina Xia at Jungkook.

Halos walang pinagbago sa pag-ikot ng mundo ni Xia.Lalo pang nagpagulo sa isipan nya ang sinabi ng kanyang ina.Kailangan nyang magpakasal kay Christian sa ayaw man o sa gusto nya.

Sinabi iyon ng kanyang Ina sa araw na paghihiwalay nila.Hanggang ngayon hindi pa rin nya malaman kung bakit ba talaga nakipaghiwalay sa kanya ang binata.


Hindi nya alam kung inutos lang ba ito sa binata na makipaghiwalay sa kanya dahil alam nyang hindi basta basta makikipaghiwalay sa kanya si Jungkook.At isa lang ang naiisip nya kung sino ang may gawa ng lahat....

'Mom'

Hindi na lumalabas ng kwarto nya si Xia.Palagi lang itong nakahiga sa kanyang kama at tinititigan ang masya nilang litrato ni Jungkook na magkasama.

Alalang alala na rin ang pamilya ni Xia sa kanya.Lalo na ang kapatid nito.Araw-araw ding bumibisita sa kanilang bahay ang magkakaibigan at nagbabakasakaling bumalik na.sa dati si Xia,pero lagi silang bigo.

Samantalang si Jungkook naman ay hindi makatulog gabi-gabi.Lagi nyang iniisip ang mga salitang binitawan nya kay Xia.Lagi nyang iniisip ang mukha ni Xia mula sa pagiging masaya hanggang sa mukha niya noong iniwan nya ito.


Noong araw ding yuon ay gulong-gulo ang isip ni Jungkook.Sinabi kasi ng ina ni Xia na dapat syang makipaghiwalay dito dahil bukod sa idadamay niya ang pamilya ni Jungkook...ikakasal na rin naman si Xia.


Kaya ngayon,sising-sisi ang binata sa nagawa nyang desisyon.Pakiramdam nya,gumawa sya ng pagkakamaling kahit sinoman ay hindi sya mapapatawad.






●●●●●●
Xia's POV

WAE?
WAE?
WAE?
WAE?
WAE?
WAE?



Talaga bang pinanganak ako para saktan lang?Pinanganak ba ako para pahirapan ng ganito?Pinanganak ba talaga ako para buong buhay puro kamalasan lang ang ganap?

Wala naman akong balat sa pwet!Wala naman akong ginagawang masama!Inosente ako!Pero bakit lagi nalang ako?Bakit lagi nalang ako yung pinagtitripan ni Tadhana?


Wala na talagang saysay ang buhay ko !


*Sigh


*Tok *Tok *Tok

Napatingin ako sa pintuan ng may kumatok dito.Dahan dahan itong nagbukas kahit wala pa akong sinasabi na pumasok sya.

"Bestfriend"mahinang tawag saken ni WonHo pero hindi ko sya pinansin.Nakatitig lang ako sa alarm clock ko na nasa table ko katabi nitong kama.

"Bestfriend wala ka bang balak lumabas ng kwarto mo?Sobrang puti mo na ohh...kulang kana sa araw.Ang payat payat mo na rin?Pugtong pugto pa yang mata mo !"pangaral saken ni wonHo sabay at umupo sa kama ko habang nakatingin saken.Umayos ako ng tayo at umupo sa kama ko para makaharap sya.


"Ano bang gagawin ko WonHo?Parang buong buhay ko puro kamalasan nalang ang nangyayari!"sabi ko.


"Hindi naman bestfriend.Swerte kapa rin kasi buhay ka.Swerte kapa rin kasi may nakakain ka sa araw-araw !Swerte ka kasi may taong nagmamahal at nagaalala sa'yo."sabi nya habang diretsong nakatingin saken.Take note,ang seryoso nya ngayon.

"Pero bakit ako nagkakaganito?Bakit kailangan nya akong iwan?"



"Bestfriend,everything happens for a reason.Hindi mo man makita ang dahilan ngayon,baka sa susunod na araw mahanap mo na !Bakit ba nya iiwan ang isang katulad mo?Maganda ka,Mabait,Matalino...wala na syang dapat hilingin pa kasi na sa'yo na ang lahat.Adik lang sya kapag iniwan ka nya ng walang dahilan."sagot nya kaya napatawa ako ng kaunti habang pinupunasan nya ang natuyo kong luha sa mukha.

"Chin up Xia.Hindi ka nya babalikan kung iiyak kalang dyan.Kung mahal ka talaga nya at kung kayo talaga para sa isa't isa...babalikan ka nya."dugtong nya.


Tama ka WonHo.Ano nga bang silbi kung uupo lang ako at magkukulong sa kwartong to.Walang mangyayari kung wala akong gagawin.


Pero hindi ibig sabihin nun hahanapin ko sya at magmamakaawang bunalik saken.I'll start a new life without him.Nabuhay akong wala sya kaya kaya kong mamatay ng wala sya sa tabi ko.


"You're right WonHo.I shall start a new life without him.Want to come with me?"masayang tanong ko kaya masaya syang tumango.


Matapos kong ayusin ang sarili ko,sabay kaming lumabas ni WonHo ng kwarto at bumaba papunta sa Living Room kung nasan sina Namjoon-hyung.


"XIIIIAAA !!"masayang bati ni Kuya Namjoon saken at niyakap ako kaya niyakap ko rin sya pabalik."Miss na miss na kita Xia !Bakit ngayon kalang natuhan haa !!"sabi nya kaya napatawa ako dahil sa itsura nya...para syang batang ewan.


"Sorry okay !Nahulasan lang ako because of WonHo.His words are stabbing me kaya nagising lang ako sa katotohanan !"sagot ko sabay ngiti sa kanila.

"Welcome Back Zyrish !"sabi ni Kuya YoonGi at niyakap ako.

"Group Hug !"sigaw ni WonHo at nagyakapan nga kami na parang ilang taong hindi nagkita-kita.

"Dahil dyan...magluluto ako ng masarap para sa Baby Girl naten !"sabi naman ni Kuya kaya nagtaasan naman ng kamay sina Kuya YoonGi para magrequest !


Habang nagrerequest sila biglang may tumawag mula sa taas kaya napatigil sila at napatingin kaming lahat sa taas.


"So..Xia !You clear up you're mind.Payag kana ba sa marriage nyo ni Christian?"tanong saken ni Mom.



I can't believe her.She didn't bother to ask me if I'm okay na.Alam ko namang sya talaga ang nagplano samen ni Jungkook ehh.Kinausap nya siguro si Jungkook para makipaghiwalay saken.Hindi ko lang alam kung anong pinakain ng Mom ko sa kanya para pumayag syang makipaghiwalay saken..


"Mom Not now..can't you see,bago palang bumabangon si Xia sa mga nangyari."sabi ni Kuya.Hinawakan ko ang kamay nya para pigilan sya...

Humarap naman ako kay Mom na nasa taas.


"It's okay Mom.I'm agree !"walang pagaalinlangan kong sagot kaya agad namang humigpit ang hawak ni Kuya sa Kamay ko.


"Bestfriend"mahinang sambit ni WonHo.

"Good then."tanging sagot ni Mom bago bumalik sa office nya.


"Xia..bakit mo naman yun ginawa?Kasal yun Xia,hindi yun basta basta."saad ni Kuya...


"Oo nga Zyrish...dapat pinagisipan mong mabuti ang tungkol dun !"pagsang-ayon naman ni Kuya Yoongi pati na rin ni a WonHo.


"Don't worry.It's a way na din naman para madali ko syang makalimutan.And duuhhh !!It's Christian...hindi na sya iba saten."sagot ko and give them a smile na abot hanggang mata para naman umagree sila sa sinabi ko.


"Ewan ko sa'yo baby Girl !"sabi ni Kuya Namjoon at pumunta ng kusina.Sumunod naman sa kanya si Kuya YoonGi pati na rin si Kuya.

Alam kong hindi sila sang-ayon sa desisyon ko pero wala na akong ibang magagawa.I need to forget him.As fast as I can.



"It's okay Zyrish.Basta kung san ka sasaya dun ako !"sabi ni WonHo tsaka ako niyakap.











Sana nga maging masaya ako.






○○○○○○○○○

HEY GUYS...SORRY KUNG NGAYON LANG AKO NAKAPAG-UPDTAE NA DAPAT AY NOONG LAST WEEKEND.

BUSY KASI AKO NGAYON AT TALAGANG WALA PA SA HUSTONG KATAYUAN ANG AKING UTAK KAYA PAGPASENSYAHAN NYO NA ANG UD NGAYON.I'LL MAKE IT UP NEXT TIME.

PATAPOS NA RIN NAMAN ANG STORY NA TO,THEN ABANGAN NYO NALANG ANG COMING SOON NA STORY FROM ME.MALAPIT NA !!


KEEP YOUR VOTES AND COMMENTS GUYZ...MWUAH !

PS:SORRY SA WRONG TYPES !

Lost My WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon