Description:
There's a reason for everything. Life is a quest of something for you to find out.
One thing is for sure, nothing is unfinished until its game over!
Are you ready for the quest?
https://youtu.be/P-rjvJChIVs
Highest Rank: #114 10/03/17
...
"Herald Angeles, nice to meet you.." Para akong nabato sa kinatatayuan ko dahil sa boses na iyon. "...again." Tama, parang narinig ko na kung saan kaya lamang ay hindi ko matandaan. Sa kanya na rin nanggaling na nagkita na kami pero bakit? Bakit nila ginagawa ito sa pamilya ko?
Nakabawi lamang ako ng marinig ko ang engine habang pina-i-start nya na ang motor. "Sandali, sino ka?" Ang sigaw ko ng tuluyan niya ng patakbuhin ang kanyang big bike. Alam kong inilalagay ko sa alanganin ang sarili ko pero kinakain ako ng mga katanungan sa isip ko.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
(Photo credits to the real owner)
Dinampot ko na ang kahon at binuksan ng walang takot kahit hindi ko sigurado kung ano ang laman niyaon. Pagbukas ko ay may isa pa uling mas maliit ngunit naiba na ang kulay ng kahon, puti naman ngayon. Mukhang nananakot lamang ang nag-iwan nito. Hindi ko rin sigurado na 'yung mga lalaking nakaitim ang nag-iwan ng kahon. Binuksan kong muli ang mas maliit na kahon, itim na naman ang kulay.
What's with black and white? Alam ba ng sender na paborito ko ang mga kulay na ito? Oh, wait.. Tsk.
Binuksan ko ulit at isa na namang puting kahon. Kailan ba ako matatapos sa pagbubukas ng kahon? Binuksan ko ulit iyon ngunit, iyon na pala ang huli.
Sabi ko na nga ba, nanti-trip lang ang nag-iwan nito. Tinamad na akong pagsusun-susunin ang mga kahon dahil malapit lang naman ang basurahan sa gilid kaya itatapon ko na lang ng direkta. Bakit pa nga ba ako mag-aaksaya ng oras para ayusin ang mga bagay na walang silbi?
Naitapon ko na sa basurahan ang dalawa sa mga kahon ng mahulog ang isa. Pataob ang pagkakahulog niyaon at nakaharap sa akin ang rear view nito. May napansin akong kakaiba, pinulot ko iyon at pinagmasdang mabuti. May nakasulat rito..
"If you knew it, the gift is real, Herald." Kilala ako ng nagpadala para sa akin nga ito. Kaya pala black and white.
"Sir, kukuhanin ko na po ito.." Paalam ng magbabasura ng aktong kukuhanin na niya ang laman ng basurahan. "Sandali lang, Manong.." Kinuha ko ang dalawa pang kahon na naitapon ko sa basurahan bago ko makita ang mensaheng nakasulat sa rear view nito.