Chapter 4.6: MYSTERIOUS NINTH STUDENT's BROTHER

19 13 2
                                    

Dedicated to my cousin AyreenFortunado
Enjoy reading!

Marami pa sana akong gustong itanong sa kanya pero hindi ko na nasabi pa dahil biglang namatay ang ilaw at sumarado ang pinto ng classroom.

"Now, are you convinced?"

Ngayon ko lang napagtantong siguradong sigurado siya na may mangyayari talaga sa akin sa oras na hindi ako mag-transfer sa ibang school.

"Ano ba kasing sinasabi mo?" Naguguluhan na ako. Ano bang nangyayari?

"Pang-ilang estudyante ka ng A+ class?" Kinapitan niya ang braso ko. Nanlalamig ang kamay niya. Halatang pinipilit niyang magmukhang matapang ngunit mahina rin siya. Gaano man katapang ang isang tao, may kinatatakutan pa rin siya.

"I know how lame my question was but the answer is the main truth. The reason why we're trap is ...."

"I'm the ninth." Nakarinig kami ng kakaibang tunog. Parang galing sa generator na pinatatakbo.

Pinailaw ko ang aking relo. It is 6:05 p.m..

"Alam mo ba kung bakit walo lang ang nasa section A+? Kung bakit hindi na kami nagdaragdag ng isa pa sa klase?"

Nakayakap lang siya sa braso ko. Malamig pa rin pero pinagpapawisan na siya. Hindi ko kaagad namalayan na sumisinghot-singhot na pala siya. She's sniffing. One thing is for sure, she prevent herself from crying.

"Don't prevent yourself to cry. Cry like a cow."

"Nakuha mo pang magbiro! Isn't it obvious that we're in danger?" I laugh so hard.

"You know what, it seems that what happen today is just a backfire of everything that I did on my victims." Lalong lumamig ang kamay niya at naramdaman kong parang gusto na niyang kumalas pero hindi niya gagawin dahil madilim ang paligid.

Ang lakas ng loob niyang sabihing tawagan ko siya kapag kailangan ko ng tulong pero dahil lamang sa dilim ay titiklop siya. Pambihira talaga ang babaeng ito!

"Are you a killer?" May bakas ng takot ang boses niya ngunit pinangyayari niyang huwag iyong mahalata.

I laugh hard as devilish that I could. Sa mga oras na ito, makagaganti na ako sa kanya.

"Yeah.." I lied. Doon ko na naramdamang bumitiw siya sa pagkakakapit sa akin.

"Don't you ever step near me!" Pagbabanta niya.

"I won't hurt you." Pilit kong hinahanap kung nasaan siya.

"Just stay where you are!" Utos niya.

"Hey! Stop it. I'm just joking. I'm not a killer. Mukha bang kaya kong pumatay ng tao?"

"Persons with criminal minds can perfectly hide through their beautiful masks. Hindi lahat ng nakikita mo sa lugar na ito ay totoo." Bakit ba paulit-ulit siya dyan sa mga sinasabi niya?

Ano bang hindi totoo sa lugar na ito?

"I'm telling the truth.. I'm just joking. I'm sorry, okay."

I can hear the sound of the heavy chain pulled from the ground. The shouts and cries of children. I don't know how many they are. It brings goosebumps on my skin though I sense something wrong with it.

"Have you heard that?" Tanong ko sa kanya at mukhang nakalimutan na niya yata ang sentimyento niya at siya na mismo ang kusang sumira sa distansya naming dalawa.

"Don't be scared."

Kinapitan ko siya sa balikat at ipinasok sa jacket na nakasuot sa akin. Kung kanina ay nakakapit lamang siya sa braso ko ngayon ay nakayakap na siya sa katawan ko at nakasubsob sa aking dibdib. She's crying.

GAME OVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon