Chapter 6: SECRET PASSAGE

16 13 3
                                    

Dedicated to AyreenFortunado.
Enjoy Reading!

Maaga akong pumasok ngayong araw dahil maaga akong nagising. Mali yata ang terminolohiyang nagamit ko sapagkat hindi naman ako totoong nakatulog. Hindi ako dinalaw ng antok nitong nakaraang mga gabi.

Gaya ng dati ay binati kaagad ako ng mga gwardiya sa main gate ng Harrison. Matamlay ko silang nginitian. Wala akong lakas para ngumiti ng mas masigla. Puyat ako.

Habang parang zombie na naglalakad sa daan ay nakasalubong ko ang mga babaeng halos maglupasay sa pagdaan ko. Ngauon lang ba sila nakakita ng naglalakad na eyebags? Nilampasan ko sila at nagdiretso sa aming building.

It's in the last floor of the fourth floor building. Kailangan kong umakyat ng ilang palapag para makarating doon. Fortunately, there's an elevator from the ground floor to the fourth floor. Ngayon ko lamang susubukang sumakay dito dahil mas gusto kong maghagdan. Hindi lang talaga kaya ng katawan ko. Pakiramdam ko ay bibigay ako, makita ko pa lamang kung gaano pa kalayo ang aakyatin ko.

Room 101
Karatula sa ibabaw na bahagi ng room. Pumasok ako roon at wala akong nakitang iba maliban sa kanya kaya kaagad ko siyang nilapitan.
"Sino ka ba talaga?" Ang tanong ko sa kanya pagkapasok na pagkapasok ko sa classroom.

Hindi niya ako pinatulog ng dalawang araw sa kaiisip kung sino ba talaga siya at kung bakit siya pinaniniwalaan at sinusunod sa eskwelahang ito.

"I'm Hany. Do I need to introduce myself to you again like what I didn't do during first day of classes?" Inis siya tumingin sa akin at itinigil ang kung anuman ang isinusulat niya. "Find out for yourself."

Ipinagpatuloy lamang niya ang ginagawa. Hindi ko na siya kinulit na sabihin sa akin. One week of knowing her isn't enough. Basic things lang ang alam ko sa kanya. Like she's Hany Harrison.

Oh, wait..
Isn't it possible?

Mga ilang minuto pa ang lumipas at parang patak ng ulan na nakumpleto ang aking mga kaklase. Pagkapasok ng ika-siyam na estudyanteng pumasok ngayong araw ay kaagad na tumunog ang bell para ipaala-ala na may flag raising ngayon dahil second week of the month.

Kakaiba ang policy nila rito. Every second week ginagawa ang flag ceremony. All students are required to be at the campus hall.

Napakalawak ng hall kaya kahit napakaraming estudyante ay siguradong kakasya roon. Nakapunta na ako roon dahil may secret passage doon papunta sa high school building.

Napadesisyunan kong doon na dumaan para hindi na ako makipagsiksikan sa mga estudyanteng papasok sa hall

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napadesisyunan kong doon na dumaan para hindi na ako makipagsiksikan sa mga estudyanteng papasok sa hall. Nakakaubos ng lakas ang makipaggitgitan. Isa pa, ayokong makipag-unahan sa daloy ng mga estudyante. I hate it when people are passing striking my shoulders and making a smirk later on. It awakens my senses of being rude again- the last thing that I should do.

GAME OVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon