Dedicated to my beloved, Miguel. He can't read this but it is for him. I love you, my baby. We'll see each other soon. 😘
Nasa hindi kalayuan lang ang barkong sinakyan namin. Its larger than a usual yacht kaya ship ang tawag ko rito. Hindi rin ito aalis sa pwesto nito hanggang matapos ang Two and a half day trip namin sa lugar na ito. That’s a policy on their shipping company.
Nang makababa kami sa barko ay kaagad na humaplos sa mga paa ko ang maligamgam na tubig mula sa dagat. White sand. Clean blue sea. Neat area. A paradise.“I let you but I hope you won’t regret.”
Biglang bumalik sa isipan ko ang mga salitang iyon. I don’t know why. Suguro ay dahil katabi ko lang ang babaeng nagsabi niyaon.
“Alam mo na ang destinasyon natin, tama ba ako?”
Akala ko ay lalampasan niya lang ako ngunit nagulat ako ng tumigil siya sa harap ko at tumango. She is bored. Samantalang ako ay kinakabahan sa mga salitang binibitawan niya na anumang saglit ay bigla na lamang siyang may sasabihing ikagugulat ko na naman.
“How come you know?” Kanina pa naglalaro sa isip ko ang tanong na iyan. “Secret ang destination ng ship na sinasakyan natin, di ba?”
“Transferee, ang dad ko ang nagpadala sa akin dito. He said, I need to unwine sometimes.” Pikon niyang turan. Actually, it seems that having a vacation isn’t a good thing for her. Who doesn’t like vacations? Not me.
“Ayaw mo ba rito? Maganda naman, ah.” Lalo niya akong sinimangutan.
“I just don’t want the ambiance. Parang may mangyayaring hindi maganda. Have you ever wonder kung bakit secret ang destination ng trip natin?” Tiningnan niya akong matagal.
I was… speechless. Sa totoo lang ay hindi ko naisip iyon, basta ang ginawa ko lang naman sa net ay nagsearch ng nagsearch at ng makita ko ang kakaibang trip ng agency na ito, kinagat ko na. Am I an idiot?
“Just forget what I mentioned.” She flip her hair.
“Oo nga. Masyado ka lang sigurong paranoid. Mag-enjoy na lang tayo.” Inirapan niya ako at nagmartsa papalayo. Wala talaga siyang sense of enthusiasm.
Narating namin ang isang ordinaryong hotel mga ilang metro ang layo sa dalampasigan. Dito ako nakacheck-in ayon sa trip card na kasabay na ipinadala sa akin kasama ng ticket ko. Kasama ito sa package deal. May libre ring pagkain sa hotel na ito. Nasa akin na lang kung kakain pa ako sa ibang restaurant o dito na lang sa hotel.
Napansin kong kanina pa may hinahalughog na kung ano si Hany sa bag niya. Nang tanungin ko naman siya ay inirapan niya lang ako kaya hindi ko na kinulit pa. Napakahilig talaga niyang mang-irap!
Ibinigay ko ang trip card ko at kapalit nito ay ibinigay ng receptionist ang card key ng aking magiging kwarto. Itinuro niyang pumunta ako sa kanang bahagi ng hotel dahil naroon ang room ko.
Napansin kong sumusunod sa akin si Hany. Hindi na ako nagtangkang magtanong dahil paniguradong iirapan lang ako ng babaeng iyan sa halip na sumagot. Malapit lang siguro rito ang kwartong naka-assign sa kanya. Tutal, sampung kwarto lang naman ang mayroon sa right wing ng hotel.
Room 8
Ang nakaengrave sa card na kapit ko at sa maliit na sign board sa kwartong katapat ko.
I swipe the card key while she watch me doing it. Don’t tell me, hindi marunong gumamit ng card key ang heiress ng Harrison? I made a sly smile thinking about it.
“Hey, don’t you dare smiling like that.” Wika niya na may halong pagkainis habang dire-diretsong ipinaaok ang gamit niya at humiga sa king size bed ‘ko’.
BINABASA MO ANG
GAME OVER
Misteri / ThrillerDescription: There's a reason for everything. Life is a quest of something for you to find out. One thing is for sure, nothing is unfinished until its game over! Are you ready for the quest? https://youtu.be/P-rjvJChIVs Highest Rank: #114 10/03/17 ...