Chapter 1

28K 356 30
                                    


ANG MAHIWAGANG MENSAHE! Boses ni Doraemon ang bumulabog sa tulog ni Ela. 'Yon ang message alert tone ng cellphone niya. Mula n'ong bata pa kasi siya ay paborito na niya si Doraemon. Mula sa maliit na lamp shade sa gilid ng kama niya hanggang sa kanyang kobre kama ay puro imahe na lamang ni Doraemon.

            Dinampot niya ang kanyang cellphone at inaantok na binasa ang mensahe. Happy valentines everybody! Enjoy your date, 'yon ang message na itinext sa kanya.

            Inihagis niya na lamang ang kanyang cellphone sa likod niya habang nakatagilid na posisyon sa dulo ng kanyang kama. "Leche! Valentines nanaman. Urgh!" inis niyang wika bago tinabunan ng unan ang kanyang mukha.

            Kakarating niya lang kahapon sa bahay nila. Nag-affiliate kasi ang buong section nila. At nagsisi siya kung bakit pa sinakto ng C.I. nila na pabalikin sila ng Valentines Day. Puwede namang sa ika-kinse o sa ika-deisisais ng Pebrero sila magtapos sa affiliation. Pero bakit ika-labing-apat pa? Naabutan niya tuloy ang araw ng mga baliw sa pag-ibig.

            Inis na inis siya tuwing Valentines. Pa'no, lahat ng taong nakikita niya— from left to right at top to bottom— puro naglalampungan. May naghoholding-hands-while-walking, naghahalikan, nagyayakapan at kung ano-ano pang klase ng public display of affection. Sadya talaga siguro siyang iniinggit ng kapalaran.

            No boyfriend since birth siya at the age of nineteen. Although mayroon naman siyang mga manliligaw noon. Pero kahit isa sa mga iyon ay hindi niya natipuhan. Kasi naman, ang mga nanliligaw sa kanya, kung hindi ubod ng yabang, ubod naman ng tahimik; kung hindi ubod ng pangit, ubod naman ng daldal. Simple lang naman ang gusto niya sa isang lalaki, mabait, magalang, may takot sa Diyos, marunong makisama, at siyempre, dagdag pogi points ang gwapo at matalino.

 Hindi naman siya pihikan, wala naman sigurong mali sa kanya, kumpleto naman lahat ng parte ng katawan niya, pero bakit ganun? Kung layuan siya ng mga lalaking natitipuhan niya ay parang may dala siyang epidemia.

            Bumangon siya sa kama at naglakad patungo sa salamin. Tiningnan niya ang kanyang sarili. Nagpaikot-ikot siya. "Hmm. Wala naman akong defect." Malapitan niyang tiningnan ang kanyang mukha. "Maganda naman ako, wala naman akong pimples." Ngumiti siya sa harap ng salamin animo'y kukunan ng litrato. "Okay naman ang ngipin ko, zero cavities naman. Pero ba—." Hindi na natuloy ang sasabihin niya dahil muli nanamang umatungal si Doraemon.

            Binasa niya ang text message. Hapee Valentines kokak.:) Si Cyprien iyon, ang kanyang dakilang best friend. Kokak ang tawag nito sa kanya simula n'ong magwala siya sa laboratory nila nang magda-disect sana sila ng palaka noong second year highschool pa lamang sila.

Tatlong buwan lang ang tanda nito sa kanya pero inuulanan ng mga babae since birth. Kahit pa na hindi naman kalakihan ang katawan nito. Kadalasan nga ay babae pa ang lumalapit rito.

Bata pa lamang sila ay close na close na ang kanilang mga pamilya. Mabait ang mga ito sa kanya kahit medyo malayo ang agwat nila sa buhay. Itinuring na siyang parte ng pamilya nito mula pa noon. Kahit mag labas-masok sya sa bahay nila Cyprien ay okay lang.

            Si Cyprien ang lagi niyang nilalapitan sa tuwing may problema siya. Mabait ito at maaalalahanin. Gwapo rin naman ito at bukod pa doon ay matalino at talented. 'Yon nga lang ay may kapayatan. Minsan ay sumagi na sa kanyang isipan ang pagtataka kung bakit hindi nalang siya nainlove sa taong ito.

            Umiling-iling siya para itaboy ang ideyang iyon sa kanyang ulo. "Hay Grazela! Nababaliw ka na!" Tumayo na siya at nagtungo sa banyo para maligo.

Grow Old with You (published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon