"NAKITA mo na? Siya lang pala ang hinihintay mo," sermon ng Ate Georgina niya nang sabihin niya rito ang tungkol sa kanila ni Cyprein.
"Eh kasi naman Ate, sino ba naman ang mag-aakala na 'yong kuting lang pala na iyon ang hinihintay ko," aniya.
"Bruha! Ang sabihin mo, hanap ka ng hanap, lingon ka ng lingon, hindi mo napansin, nasa harap mo lang pala ang hinahanap mo," segunda pa ng kaniyang kapatid na si Greg na 'Gretta' na daw ngayon.
"Para namang obvious na may nararamdaman sa akin si Cyprein."
"Hindi obvious, obvious na obvious!" sabay na sigaw ng kaniyang mga kapatid.
"Obvious ba talaga?"
"Boba ka talaga! Si Mama at Papa nga halata na, how much more kami pa, na mas madalas niyong kasama? Ano naman ang pakiramdam, ha?" usisa pa ng kanyang Ate Georgina.
Napangiti siya. Hindi niya alam kung bakit nagkaka-ganito siya sa tuwing itatanong sa kanya ang pakiramdam ng nagmamahal. Siguro ay masyado lang siyang masaya sa sinapit niya.
Hindi niya lubos maisip na si Cyprein lang pala ang taong matagal na niyang hinihintay at ang taong makakapag-paramdam sa kaniya ng tunay na pag-ibig. How could she be so blind?
"Hoy, tinatanong ka," pukaw sa kanya ni 'Gretta'. "Tinanong ka lang kung ano ang naramdaman mo, sumakay ka na kaagad ng cloud nine. My goodness! 'Wag kang gaganyan kapag iba ang kausap mo. Diyos ko, ipapahiya mo ang angkan natin!"
"Hindi naman. Masaya lang ako. I never thought falling inlove could bring so much catatonic thoughts in my mind." Daig pa niya ang naka-drugs sa tuwing maaalala ang nangyari sa Boracay. Simula ngayon ay Boracay na pinaka-paborito niyang lugar sa mundo.
Pagkaalis niya sa bahay nila ay tumungo naman siya sa Red Ribbon. Doon ang napag-usapan nilang puntahan ng mga kaibigan at pati na rin ni Cyprein. Manlilibre daw kasi itong boyfriend niya sa mga kaibigan niya para maging close naman daw ito sa mga malalapit sa puso niya. In short, magpapa-sip-sip ito.
"Loka-loka! Nakita mo na? Sa hinaba-haba ng panahon na ginugol mo sa paghahanap ng prince charming mo, kapit-bahay niyo lang pala! At take note, best friend mo pa," sermon kaagad ni Annie nang makaupo na sila at maka-order.
"Pareho lang kayo ng isinermon sa akin nila Ate," nauurat niyang wika.
"'Eto naman kasing si Ela, pinaka-manhid sa lahat ng manhid," ani Cyprein naka-akbay sa kaniya.
"Alam mo, sa tingin ko, hindi manhid si Ela. Pero sang-ayon ako sa parteng tanga siya. Siguro naramdaman na niya na mahal ka niya pero hindi niya lang pinansin ang nararamdaman niya," ani ni Guia habang umiinom ng iced tea.
"Sinabi mo pa. Ilang beses nang umiyak sa mga lalaki, mali naman pala ang iniiyakan. May pa instincts-instincts pang nalalaman," sang-ayon ni Jesse na walang tigil sa pag-lamon ng mamon.
"Kanino ba talaga kayo kampi ha?" hamon niya.
"Kay Papa Cyprein," ani ng mga ito ng sabay-sabay. Kahit kailan talaga ay lagi siyang kinokontra ng tatlong ito. Hindi na siya makaksagot 'pag nagcombine forces na ang tatlo.
Mga traidor! Confident na confident pa naman ako sa pag-deklara dahil akala ko sa'kin kakampi ang mga bruha, mga balimbing pala!Tinarayan niya na lamang ang mga ito.
Naramdaman niyang humigpit ang pagkakahawak ni Cyprein sa mga balikat niya. "'Wag nga kayong ganyan. Unexpected naman kasi talaga na ganito. But I'm still grateful we share the same feelings," pagtatanggol nito sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Grow Old with You (published by PHR)
RomanceWritten: 2008 Published: 2009 under Precious Hearts Romances Ela hated Valentine's Day. Para kasing ipinamumukha ng araw na iyon na tigang ang kanyang buhay-pag-ibig-since birth. Habang ang kanyang mga kapatid at kaibigan ay masayang-masaya sa kanya...