Chapter 3

11.3K 217 11
                                    

"BECAUSE a girl like you is impossible to find, you're imposible to find," pagtatapos ni Cyprien sa kanilang unang kanta. Nagdesisyon silang sumali sa battle of the bands ng skwelahan nila Ela. Buong araw niya itong hinanap doon pero hindi niya talaga nasilayan ang maamong mukha nito. Lahat na yata ng sulok ng skwelahan ay nalibot na niya.

Bata palang sila ay matindi na ang tama niya rito. Hindi niya lang magawang masabi dahil baka ito ang maging sanhi ng pagkawasak ng labing-siyam na taon nilang pagkakaibigan. Kaya nga gan'on nalang ang pagtataka niya kung bakit hindi ito lapitin ng mga lalaki.

"Our second song is 'Grow old with you' by Adam Sandler. Here it goes." Inayos nya ng kakaunti ang mic. "I wanna make you smile, whenever you're sad, carry you around when your arthritis is bad. Oh all I wanna do, is grow old with you," swabeng kanta ni Cyprien habang palibot-libot ang mata sa buong lugar.

Ang tumakaw ng pansin niya ay ang isang babaeng kakaupo lamang sa kanang bahagi ng stage. Naka-green ito na T-shirt, jeans at black na jacket. No doubt, it's Ela. Matagal niya itong tinitigan. He was hoping she would look at him, and she did!

Ipinagpatuloy nya ang pagkanta nang hindi inaalis ang tingin kay Ela. "So, let me do the dishes in our kitchen sink. Put you to bed when you had too much to drink. Oh I could be the man that grows old with you..."

INIWAS ni Ela ang tingin kay Cyprein. Ayaw niyang mapansin ng mga kaibigan niya na sya ang tinitingnan ng 'Romeo' nila.

"Shit! Dito sya nakatingin oh," kinikilig na wika ni Annie sabay kaway dito.

Napansin niyang ibinaling ni Cyprien ang tingin sa iba. "O nakita mo na, na turn-off tuloy sa'yo," biro niya rito nang makita ang pagkadismaya sa mukha nito nang tumingin sa iba si Cyprien.

"Kaloka siya ha. Isnabin ba naman ang beauty ko?"

"Kapal mo naman kasi. Ayaw mo paring tanggapin na ako lang ang gustong tingnan ng mga mapupungay na matang iyon." Si Jesse.

"Alam niyo, kung mag-usap kayo, para kayong mga single," pangaral naman ni Guia. Ito ang pinakaseryoso sa grupo nila. Minsan ay napaka-kill joy nito. Pero masarap din naman itong kasama.

May boyfriend na ang mga ito. Last year lang nagkaroon ng mga biktima ang tatlong iyon. Text lang ang naging simula ng pagkakakilala ng mga ito at ng kanilang mga boyfriend. Pero nang magkita na sa personal ay doon na unti-unting nadevelop ang mga damdamin nito sa isa't isa. And that left her the only single in the group.

"Ayan, nagsimula nanaman si Sister Guia," pairap na wika ni Jesse.

"Totoo naman ah. Kung makahanap kayo ng gwapo parang wala kayong mga boyfriend."

Pinansin naman ni Annie ang pagkakatahimik niya. Nakatingin parin kasi sya sa stage. Kay Cyprien, to be exact.

"Hoy, babae. Wag mong aagawin 'yang papable ko. Natulala ka na diyan ah," baling sa kanya ni Annie.

"'Wala akong balak na agawin 'yang papable mo. Problema niyo lang diyan, 'pag nakausap natin at nakilala, baka sa akin maatract," biro niya.

Tumayo si Jesse. "Let's go. Tingnan natin kung sa'yo nga maatract." Saglit itong tumingin sa stage. "Tamang-tama, tapos na ang performance nila. Puntahan na natin."

"H-ha? P-pupuntahan n-n-natin?" nauutal niyang wika.

"O bakit? Nawala ang confidence mo no?" asar pa ni Annie na tumayo na rin kasabay ni Guia.

Grow Old with You (published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon