Chapter 6

9.9K 198 4
                                    

"SHIT," wika ng isip ni Ela nang maramdaman ang epekto ng Red Horse. Feeling niya ay may isang daan na minero na nagtitiltil ng diamante sa ulo niya.

Nakahiga siya sa kama, sa isang malambot na malambot na kama. Masakit ang katawan niya, ang ulo niya at...ang puso niya? Hindi niya malaman ang sagot. At lalong hindi niya alam kung ano ang pinaggagagawa niya kagabi.

Marahan niyang iminulat ang mata. Bumungad sa kanya ang kisameng pininturahan ng puti at ang nakakasilaw na sinag ng ilaw sa kwarto. Dumako ang kanyang paningin sa relo. Alas-dies na ng umaga. Wala lang sa kanya dahil linggo naman kaya kahit ala-una pa siya gumising ay okay lang.

Nakarinig siya ng pagsara ng pinto. Sinundan niya ang tunog na iyon. Nakita niyang naglalakad si Cyprein palabas ng banyo at tanging tuwalya lang ang nakatabon mula sa bewang hanggang sa tuhod nito, revealing that oh-so- sizzling hot-body! Perfect ang natatanging salita na mabibitiwan sa ganoong klaseng katawan. Six-pack abs, stalwart and muscular arms, and a very firm chest. Muli nanaman niyang naisip ang kung ano ang pakiramdam na makulong sa mga bisig nito.

Napapihit siya patalikod nang makita niyang papalapit na ito. Was she lusting him? Bigla siyang natigilan nang mabanggit ng isipan ang salitang 'lust'. Posible kayang...

Dahan-dahan niyang itinaas ang kumot na nakabalot sa kanya. Muntik na siyang mapasigaw nang makitang T-shirt na ni Cyprein ang suot niya. My God! Hindi niya alam kung ano ang mararamdan, maiinis ba siya rito? Pero kanina lang ay iniisip niya kung gaano kasarap mapalibutan ng braso nito. Bumalik nanaman ang figure ng katawan ni Cyprein sa kanyang isipan.

Naging malaking palaisipan sa kanya ang pag-function ng isip niya sa nakita. Mali iyon, alam niya. Hindi rin iyon gawain ng isang pormal na babae.

She never really adored men's body. Sure it adds up to the charisma of a man, pero kahit kailan ay hindi niya ginusto ang masyadong ma-muscle na katawan ng lalaki. But seeing Cyprein half-naked, mukhang kailangan na niyang magbago ng paniniwala. So much for persuation!

"Bumangon ka na diyan. 'Wag ka nang magtulug-tulugan diyan, Juliet-wanna-be," malamig na wika nito sa kanya habang nagsusuot ng T-shirt.

Bumalik lahat ng mga ala-ala na naalala niya kagabi, ang pagsusuka niya sa gilid ng kalsada at lalo na nang buhatin siya ni Cyprein. Masaya siya sa pagbabalik-loob nito sa kanya. Pero nakakasense din siya ng pagkakailangan sa kanila. Maaari kayang pareho sila ng nararamdaman?

Pumihit siya pabalik sa pwesto niya kanina. Tiningnan niya lang ito habang nagpapa-tuyo ng buhok sa tapat ng electric fan. Saka niya pinag-impon-impon ang nilalaman ng kanyang isipan pati na ng kanyang puso. Attracted ba siya kay Cyprein? Oo, attracted ako sa kanya, sagot naman ng kanyang isip. Pangalawang tanong, higit ba sa pagkakaibigan ang pagkakagusto niya rito? Hindi siya makasagot.

Inalala niya ang mga naging reaksyon ng katawan niya sa tuwing may dadamping balat nito sa katawan niya. Parang kuryenteng dumaloy sa buong katawan niya ang isang simpleng dampi lang ng balat na ito. Naalala niya tuloy ang unang pagkakataon na naradaman niya ang kuryenteng iyon sa kanyang katawan. Napangiti na lamang siya.

Hindi na niya napansin na ilang pulgada nalang pala ang layo ni Cyprein sa kanya. Nasa harapan na niya ito at ngingiti-ngiti. Inaakit ba siya nito? At papaanong hindi niya napansin ang paglapit nito?

"Pinagnanasaan mo ba ako?" wika ni Cyprein, nang-aakit ang boses.

"A-anong s-s-sabi mo? I-ikaw nga s-siguro ang m-may pagnanasa sa akin," nauutal niyang wika. Dumadagundong nanaman ang mga pader ng puso niya. Masyado itong malapit sa kanya. Nawawala na ang katinuan ng kanyang isip.

Lalo siyang natakot huminga nang lalo pang lumapit ito. Sa tingin niya ay isang pulgada nalang ang layo ng labi niya sa mga labi nito.

Grow Old with You (published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon