PAKIRAMDAM ni Cyprein ay sasabog na ang puso niya sa sobrang kaba. Kakatapos lang nilang kumain ng hapunan ni Ela. Kasalukuyan itong magiliw na nanunood ng kumakantang acoustic band.
Masaya siya na nakapag-lagay siya ng ngiti sa mga labi ni Ela. Pakiramdam niya ay nawala ang sakit ng katawan na sinapit niya kanina sa pag-aayos ng lugar na iyon nang masilayan ang ngiti sa mga mukha nito. Ngunit nag-aalinlangan siyang sabihin talaga rito ang totoo niyang pakay at iyon ay ang magtapat dito.
Ilang linggo rin ang lumipas bago siya nagdesisyon na sabihin na ang nararamdaman niya. Sapat na naman siguro ang labing-siyam na pagtatago ng damdamin niya 'di ba?
Sinenyasan niya ang mga miyembro ng banda na umalis muna. Napatingin naman sa kaniya si Ela nang magsitayuan ang miyembro ng banda.
"Bakit sila umalis, meow?" ani ng may pagkalito sa mukha nito.
He cleared his throat. "May sasabihin kasi ako sa'yo eh. Medyo confidential kaya kailangan nilang umalis."
"Ah, ganoon ba? Anong sasabihin nito?" tanong nito kasabay ng pagsilay nanaman ng ngiti nito.
Kinabahan tuloy siya. Kung simulan kaya niyang sabihin dito ang totoong pakay niya, mananatili pa kaya ang ngiting iyon sa labi nito?
"K-kasi... A-ano..."
"Naku Cyprein, 'wag kang umarteng nauutal sa harap ko. Hindi bagay. Bawas pogi points iyan, akala mo."
"Ang hirap naman kasi sabihin eh," maktol niya.
"Ano ba kasi iyon? Mangungutang ka? Naku Cyprein, wala akong pera," anito na parang walang ka-ide-ideya sa sasabihin niya.
"Hindi. Hindi pera."
"Eh ano? Grabe ha. Naiinip na ako rito. Kaninang nag-e-enjoy ako sa panunood ng banda, pinaalis mo. Tapos ngayon, pautal-utal kang nagsasalita. Ano ba kasi iyon? Nakapatay ka ba?"
"Hindi! Ano ba?! Just give me a sec to gather my thoughts," asik niya rito.
Iyon naman ang ginawa nito. Tiningnan lang siya nito. Walang kaemo-emosyong tingin, just plain stare.
"Gusto kita," aniya. Hindi niya alam kung ano ang maggiging reaksyon nito sa kaniya. Nang balingan niya ito ay kitang-kita niya ang pagkawindang nito.
"C-cyprein..."
"Alam kong hindi madali sa'yo ang hinihiling ko, and that's to be your first boyfriend. I know it's hard for you to accept what I'm offering but I'm not in a hurry. I can wait for you until each strand of my hair turns gray. Alam kong hindi ako ang type mo, but can you just give me a try? Sapat na naman siguro ang labing-siyam na taong pagsasama na natin para makilala mo ako ng mabuti 'di ba?"
Nang hindi ito tumugon ay tumayo siya at lumuhod sa harap nito.
He took a deep breath as if it's his last chance to breathe. Sandali siyang napapikit bago pinakawalan ang mga salitang ilang araw niyang minemorize.
"Ela, this may sound peculiar, but I like you. No, correct that, I love you. I've fallen head over heels in love with you the very first time I laid my eyes on you. Medyo korny pero lulubusin ko na. Mahal kita. Siguro hindi sap--..."
"Pause. Stop. Delete," anito na halatang nagulat sa sinabi niya. Nawala na rin ang ngiti nito sa mukha.
Kinabahan siya. Ang ibig ba nitong sabihin ay nirereject na siya nito? Ayaw ba nito sa kanya?
BINABASA MO ANG
Grow Old with You (published by PHR)
RomanceWritten: 2008 Published: 2009 under Precious Hearts Romances Ela hated Valentine's Day. Para kasing ipinamumukha ng araw na iyon na tigang ang kanyang buhay-pag-ibig-since birth. Habang ang kanyang mga kapatid at kaibigan ay masayang-masaya sa kanya...