Chapter 4

10.8K 188 3
                                    

SHE was mesmerized. Hindi niya alam na may tinatago palang romantic side itong bestfriend niya. At hindi siya makapaniwala na sa buong buhay nilang pagsasama ay hindi niya manlang ito nadiskubre. Diyos ko, kung siya ang babae, malamang ay bumigay na siya.

"Hoy. Natulala ka? Pangit ba?"

"Meow, ako yata ang nainlove," tulala parin niyang wika. Pagkatapos ay yinakap niya ito. "Ang galing mo meow! Malalaglag talaga ang panga n'ong babaeng 'yon pag narinig niya ang mga sinabi mo!"

Natigilan ito. "A-anong sabi mo? N-nainlove ka sa akin?"

Muli niyang hinarap ito. "Meow naman. Siyempre love kita 'no. Bestfriend kita eh." Pagkatapos ay tumayo siya at pabalik-balik na naglakad. "Hmm. Okay na 'yong confession mo, meow. Siguro yung strategy nalang. Pa'no kaya?" Patuloy parin siya sa paglakad ng pabalik-balik.

"Ikaw koks? Ano sa tingin mo ang magandang gawin?"

Napaisip siya. Hindi niya rin alam ang isasagot niya sa kaibigan. Kahit kailan naman kasi ay hindi pa siya pinaghandaan ng isang magarbong pagatatapat ng isang lalaki.

"Kung ako ang tatanungin, okay na sa akin ang isang romantic vacation sa isang island. Kahit ilang araw lang. And then we'll walk by the sea under the beautiful light of the moon," nakangisi niyang wika habang iniimagine ang sitwasyong iyon. "The moon's silhouette would light out our night. Then we'll dine together in a peaceful part of the beach, with candles, roses and beautiful music. Mapapa-"oo" na siguro ako n'on kahit hindi pa siya nagtatanong." Napabuntong hininga siya. How she wish it would come true. And it would really make her happy if the person she's with is the person she love the most.

"Ang exaggerated mo naman koks. Walang budget ang mga tao ngayon. Sino namang tanga ang maghahanda ng gan'on ka extravagant na pagatatapat sa kabila ng global crisis ngayon?" kontra nito sa kanya. Kahit kailan talaga ay napakaatribido nitong bestfriend niya.

"'Yon nga 'yong point eh. Siguro, kung may makakagawa n'on, 'yon na 'yong time na mapapatunayan nung boy kung gaano nya talaga ka love yung girl. Ang hina mo meow," sagot niya rito.

Umiling-iling ito. "Kaya walang naglalakas-loob na manligaw sa'yo eh," pabulong na wika nito.

She heard what he said. She gasped. "Anong sabi mo?" Nakahawak sya sa magkabilang bewang nang padabog siyang lumapit rito. "For your information, may nanliligaw sa akin 'no Hindi mo lang alam."

"Ah talaga? Sino naman kaya?" Tumayo ito at lumapit sa kanya. "Eh sino nalang kaya yung babaeng sinasabi nila sa akin na hindi raw makaget-over sa lalaking nagngangalang 'Leon'?"

Nagulat siya at naging dahilan na rin ng hindi niya pagsagot. Pa'no nito nalaman na masakit parin sa loob niya ang ginawa n'ong Leon na iyon? Sa katunayan ay kahit siya rin mismo ay hindi alam kung bakt hindi siya makapagmove-on dahil sa jerk na iyon. Walang duda na ang mga kaibigan nanaman niyang mapapel ang nagsabi rito.

"Kita mo na? Alam mo koks, maitatago mo sa akin ang lahat-lahat pero hindi ang sinasabi ng mga mata mo. Isang tingin ko lang diyan, I already know what's running in that narrow mind of yours," pang-iinis pa nito.

Tiningnan niya lang ito ng masama. Narrow? Bakit ganoon nalang kalalim ang words na ginagamit nito? Tama, hindi naman sya katalinuhan pero hindi rin naman siya ubod ng bobo. Kailangan ba talaga nitong i-emphasize ang limitadong nalalaman ng kaniyang isip? Hindi niya talaga maintindihan ang ugali nitong si Cyprien. Minsan talaga ay nagiging mayabang rin ito. Hindi na rin nito iniintindi ang damdamin ng iba basta tama ang sinasabi nito.

Grow Old with You (published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon