BINAGABAG ng mukha ni Ela ang buong gabi ni Cyprein. Hindi siya makatulog ng mahimbing dahil pautloy na bumabalik sa isipan niya ang naging mukha ni Ela kanina. Ang mg luhang tumulo sa mga mata nito, ang malungkot na ekspresyon sa mukha nito at pati ang sakit na naramdaman nito sa mga sinabi niya ay tila naramdaman niya rin.
Hindi niya naman masisi ang kanyang sarili kung bakit naging ganoon ang pakikitungo niya rito. Niloko siya nito. Nananaig parin ang galit sa puso niya. Hindi niya matanggap na kailangan pang tumanggap ni Ela ng manliligaw kahit pa nobyo na nga siya nito. Ang buong akala niya ay magiging sapat na siya para rito. Pero nagkamali pala siya. Siguro ay atat na atat na talaga itong makaranas magkaroon ng boyfriend kaya kahit na sino nalang na lalaki na manliligaw dito ay sasagutin naman nito.
Napabangon siya sa kama niya. Tama ba na pinag-iisipan niya ng masama si Ela? Alam niyang hindi maggagawa iyon ni Ela. Pero nakita niya kung ano ang nangyari. Magpapaka-martir nalang ba siya sa nakita niya? Magpapanggap nalang ba siya na hindi niya nakita? Hindi naman yata tama iyon. Siya ang boyfriend kaya bakit siya ang magtitiis?
"Damn! This woman is driving me crazy!"
Bumaba siya papunta ng kusina nila at nagtimpla ng kape. Pagkatapos ay bumalik siya sa kwarto niya pero sa balkonahe nalang muna siya dumiretso.
Alas-tres pa lamang ng umaga. Madilim pa ang paligid at tulog pa ang mga tao. Sandali siyang tumingin sa bahay nila Ela. Sinilip niya ang kuwarto ni Ela. Nakita niya itong naka-dungaw sa bintana at nakatanaw sa malayo. Bakas ang kalungkutan nito sa muka. Katulad niya ay may hawak din itong mug. Pero nasisiguro niyang gatas ang laman noon. Paminsan-minsan lang naman kasi umiinom si Ela ng kape.
Iniwas niya ang tingin dito. Mas ginusto pa niyang tanawin ang paligid at langhapin ang sariwang hangin. Dumaplis sa isip niya kung pareho ba sila ng kinakaharap na sitwasyon ni Ela. Kung nalulungkot din ba itong katulad niya? Hindi rin ba ito makatulog dahil siya ang tumatakbo sa isipan nito?
Bumuntong-hininga siya. "Paano ka naman iisipin n'on? Hindi lang naman ikaw ang iisang lalaki sa buhay niya. Mangarap ka nalang Cyprein," wika niya sa sarili niya.
_____________________
"HINDI...Hindi totoo 'yan! Hindi kita kinaliwa. I am so loyal to you. I never loved anybody, it was only you!"
Ginawaran siya ng isang sarkastikong tawa ni Cyprein. "Really? I don't care if it's true or just a issue. I want to go out of this relationship. Kakalas na ako sa'yo. Why, I never thought you could be this boring, Ela."
"Miss Esmeralda..."
"Cyprein please, 'wag mo akong iiwan. I love you."
"Sorry. Pero kung hindi mo ako kinaliwa, hindi rin naman kita hihiwalayan," anito bago tumalikod sa kaniya. Tuluyan na itong lumayo sa kaniya...
"Miss Esmeralda!" sigaw ng teacher ni Ela sa Pathology na si Mrs. Pioquinto.
"Hindi ako nangaliwa!" bulalas niya kasabay ng pagtayo nang mabigla sa pagpukpok ng malakas ni Mrs. Pioquinto sa kanyang mesa.
"That's good to here, Miss Esmeralda. Now, wake up and copy my lectures," anito bago bumalik sa teacher's table.
Bumalik na siya sa pagkaupo. Parang gusto niyang manliit sa kahihiyang ginawa niya. Naktulog pala siya sa sobrang antok. Hindi kasi siya nakatulog dahil namomroblema parin siya sa kanila ni Cyprein.
Tatlong araw na siya nitong hindi pinapansin. Miss na miss niya na rin ito. Pero nangako siyang hindi siya ang unang makikipag-bati rito. Bakit? Hindi naman siya ang nauna at wala naman siyang naalalang ginawang masama rito. She doesn't have to worry about anything. She knows that she did nothing wrong. Kaya wala itong karapatan na pagsabihan siya ng gan'on.
BINABASA MO ANG
Grow Old with You (published by PHR)
RomanceWritten: 2008 Published: 2009 under Precious Hearts Romances Ela hated Valentine's Day. Para kasing ipinamumukha ng araw na iyon na tigang ang kanyang buhay-pag-ibig-since birth. Habang ang kanyang mga kapatid at kaibigan ay masayang-masaya sa kanya...