Chapter 5

9.9K 199 7
                                    

"SHE loves me, she loves me not," bored na bored na wika ni Cyprien habang nakahiga sa duyan sa likod ng bahay nila. Isang linggo na siyang nakabalik sa bahay nila pero parang mas lalo pang nawalan ng silbi ang buhay niya. Kaya 'yon, pumitas siya ng isang sun flower at pinagtatanggal ang petals habang sinasabi ang mga katagang iyon.

Ang tagal na niyang hindi nagpaparamdam kay Ela. Hindi siya sanay. Lalo na ngayong bored na bored siya, kailangan niya talaga si Ela. Isang tingin niya lang kasi sa maamong mukha nito ay full charged nanaman siya. Pero sa ngayon, battery low na siya. Pag nagkataon na hindi niya pa makita si Ela ay baka ma-empty na siya, and then he'll go insane.

Hindi na niya napag-tuunan ng pansin ang mga petals na pinagbabaklas niya. "Hala, ano na ba ako? She loves me, or she loves me not?" Napabuntong hininga na lamang siya.

Tumayo siya at pinagpag ang dumi na dumikit sa pantaloon niya. Hindi na niya matitiis pa na magtago pa kay Ela. He knows that if he continues doing all this silly stuffs, he'd do insane. Ganito pala talaga ang pakiramdam 'pag nagmamhal.


_______________

NAPAPITLAG si Ela nang makita ang isang payat at matangkad na imahe ng isang lalaki. Maputi, swabeng maglakad, that gorgeous attitude he portrays when he walks and that oh-so-gwapo face. Si Cyprein. Natigilan siya nang maalala ang unang adjective na ginamit niya—payat. Hindi na ito patpatin na parang 'pag hinipan ng matabang tao ay liliparin na. He looked... brawny.

Nag gym, her brain concluded. Hindi niya alam kung bakit but she just found herself one of those mesmerized women looking at him.

At nang tumingin ito sa kanya ay nginitian niya ito. Wait, hindi kami bati. Change of emotion, sambit ng isip niya sabay irap dito. Then she hooked her arm in Adrian's arm.

Kasama niya noon si Adrian na nakaupo sa isa sa mga bench na nakapalibot sa school nila. Wala ang tatlo niyang usiserang mga kaibigan, may mga date daw ang mga loka. So what? May date din siya.

Then that evil grin in her face appeared. May pinaplano siya. Alam na alam niya na seloso itong si Cyprien. Madali itong magtampo. And right now, she knows just the right way on how to make this big fella possess a series of wavy lines in the middle of his thick and black eyebrows.

Inilihig niya ang kanyang ulo sa balikat ni Adrian. She was hoping Cyprein would look so that he'll know that she's still booming without him. And all of a sudden she became puzzled. Bakit niya ginagawa ito? Bakit niya pinagseselos si Cyprien? Dahil ba hindi siya nito pinapansin o dahil may mas malalim siyang nararamdaman dito? Sinulayapan niya ito sandali.

Feeling niya ay may lumalabas nang usok sa mga ilong niya nang makita kung ano ang pinaggagagawa nitong magaling na si Cyprein. Nakikipaglampungan kay Sheena, ang malanding presidente ng kanilang supreme student government.

Aba, ang impaktita, nagbalik sa lupa.

Dahil na rin sa mga tsismosang nilalang sa kanilang paaralan, nalaman niya na itong si Sheena raw ang bagong 'Barbie doll' nitong bestfriend niya. Ngayon niya lang napatunayan na totoo pala ang dating akala niya'y tsismis lamang. Kakabalik lang kasi ng impaktita sa campus nila dahil kumuha ito ng board exam. Gan'on din si Cyprein. Kakabalik lang nito galing sa OJT nito sa kompanya ng kanilang pamilya.

Maya-maya ay nakita na nitong unti-unti nang lumalapit ang mukha ng impakta sa anghel niya. Anghel niya? At kailan pa naging sa kanya si Cyprein? Lagi naglalaro sa isip niya ang nararamdaman niya para sa kaibigan. Actually, she's not sure if their still friends or if she still treats him as a friend.

Grow Old with You (published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon