MAG-ISANG nag-eemote si Ela sa likod ng bahay nila. Nakaupo siya sa lilim ng malaking puno ng mangga.
Mag-iisang oras na siyang nakaupo roon. Nag-iisip kung ano ang gagawin sa buhay niya. She just turned twenty yesterday. Wala na siya sa teen's world. Mukhang nawawala na siya sa kalendaryo. Naalala niya tuloy ang kinuwento ni Aling Paz kahapon. Ang apo raw nito na labing-apat na gulang palang ay nabuntis na daw ng labing-walong gulang na nobyo nito. Buti pa ang katorse anyos na bata, nabubuntis. Eh siya, biente anyos na pero wala paring nalilihis ng landas.
Masaya naman ang pagdiwang ng kaarawan niya. Kumpleto ang buong pamilya niya at pati na rin ang mga kapit-bahay at mga kaibigan nila. Napangiti siya nang mapansin ulit ang bracelet na suot niya. Iyon ang regalo sa kaniya ni Cyprein kahapon. Isang silver bracelet na may pangalan niya. Simple lang pero parang iyon ang pinaka-nagustuhan niyang regalo.
Kasama sa pinag-isipan niya noong hapong iyon ay ang nadarama ng puso niya. She never had this feeling of loneliness before. Palibhasa noon ay palaging nasa tabi niya si Cyprein sa tuwing nabo-bore siya.
Nang pagdugtong-dugtongin niya ang naramdaman niya ang nadama niya sa lahat ng lalaking dumaan sa buhay niya, lumabas parin na si Cyprein ang pinaka-matimbang.
Nang makita niyang nakikipag-halikan si Leon sa ibang babae, nasaktan siya pero isang yakap lang ni Cyprein ay wala na. Nang lokohin naman siya ni Adrian, naglasing lang siya. Pero hindi niya matanto kung ano nga ba ang kinalalasingan niya noon. Ang nalaman niya tungkol kay Adrian o ang pag-aaway nila ni Cyprein?
Tumingala siya sa langit. "Lord, give me a sign."
Biglang may nahulog na sombrero ng lalaki sa kaniyang naka-krus na hita.
"Lord, ano ang meaning nito?"
"Ang meaning niyan, tumabi ka diyan dahil bababa ako."
Napatingala siya sa taas ng puno at natagpuan doon si Cyprein, nakaupo sa isang malaking sanga ng puno.
"Ano, titingin ka nalang ba? Nakakangawit na rito, koks," reklamo pa nito.
Agad siyang tumalima. Tumayo siya at hinayaan itong tumalon pababa ng puno. Agad siyang nakaramdam ng hiya nang tingnan siya at pagtawanan nito.
"May pa sign-sign ka pang nalalaman. Para sa'n ba 'yong sign na hinihingi mo? Kung makakapasa ka ng nursing?"
Hindi na lamang niya ito pinansin at muli nanamang bumalik sa kaniyang puwesto kanina.
"Galit na agad?"
"Anong ginagawa mo sa itaas ng puno?" pag-iiba niya. Walang makitang ekspresiyon sa mukha niya.
Tumabi ito sa kaniya. "Nakatulog ako eh. Masarap kasi ang hangin kaya nadala lang siguro ako."
"Ah," tanging tugon niya. Wala siya sa mood makipag-talo rito. Nagsasawa na siya sa mga bangayan na nangyayari sa kanilang dalawa.
"May problema ka ba?"
"W-wala. Wala lang ako sa mood."
Ikinagulat niya ang biglang paghiga nito sa mga hita niya. At ikinagulat rin niya ang pagkagulantang ng kaniyang sistema. Normal naman itong ginagawa ni Cyprein noon kapag naglalambing ito sa kaniya. Ngunit sa sitwasyon ngayon ay parang iba na ang reaksiyon ng katawan niya sa tuwing may gagawing kakaiba ang kaniyang kaibigan.
"Bakasyon tayo koks," anito ilang minuto pagkalipas ng paghiga nito sa kaniyang mga hita.
"Ha? Bakit mo naman naisipang mag-bakasyon?"
BINABASA MO ANG
Grow Old with You (published by PHR)
RomanceWritten: 2008 Published: 2009 under Precious Hearts Romances Ela hated Valentine's Day. Para kasing ipinamumukha ng araw na iyon na tigang ang kanyang buhay-pag-ibig-since birth. Habang ang kanyang mga kapatid at kaibigan ay masayang-masaya sa kanya...