Chapter 16

2.8K 53 0
                                    

Stephanie POV

Nakatingin ako dito ngayon sa malaking salamin habang nakatingin sa suot kong wedding grown.

Nang magpropose kai sakin si Mark agad niya inayos ang lahat para daw wala najong kawala sa kanya at para daw wala nang makakuha sakin.

Sabi ko nga walang kukuha sakin. Sa kanya lang ako at akin lang siya.

Muli kong tiningnan ang aking sarili sa salamin at ngumiti.

"Baby girl" napatingin ako sa pinto ng pumasok si mommy at daddy. Kaagad akong tumayo at yumakap sa kanilang dalawa.

"Mommy" naiiyak nako. Naiiyak ako dahil sa saya.

"Ikakasal na ang baby namin. Mommy na nga eh. Ang bilis talaga ng panahon love" sabi ni daddy at niyakap ako ng mahigpit.

"Dad namaneh. Pinapaiyak nyo kong dalawa ni mom" pinunasan ni mommy ang luhang tumulo sa mata ko.

"Wag kang umiyak anak. Papanget ka dyan. Basta tandaan mo baby mahal na mahal ka namin ng daddy mo. Kapag niloko ka ng asawa mo magkakaayos din kayo hahaha " juskoo akala ko naman kong anu sasabihin ni mommy.

"Love tama na yan. Tara na at baka sumunod pa dito asawa mo" natawa na lang kami ni mom at sumakay na sa kotse.

Pagkatapat namin sa simbahan biglang kumalabog yung dibdib ko. Kinakabahan ako na di ko mawari. Ay basta kinakabahan ako.

Kaagad nag simula ang kasal.
Habang naglalakad ako patungo sa altar kay mark lang ako na katingin at sa anak namin na katabi niya.

Nang makarating kami nila dad sa harap ni mark kaagad ako ni yakap ni dad at mom.

"Alagaan mo anak namin Mark" sabi ni dad at binigay ako.

"I will dad" kaagad niya ako inalalayan at humarap sa pari.

Hindi ako nakikinig sa pari. Hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali. Parang may mangyayaring masama.

Napatingin ako kay mark ng pisilin niya ang kamay ko.

Ngumiti na lang ako sa kanya at tumingin ulet kay father.

To be continued.

My Ex-Boyfriend is My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon