Ria's Point of View - August 12, 2012
"Ria, bilisan mo. Hinihintay ka na ni Ma'am Therese sa labas." Sabi ni yaya kaya agad kong kinuha yung bag ko at mabilis na naglakad papunta sa parking area namin. First day of classes namin ngayon, at August na ang start ng klase sa school na papasukan ko.
"Mommy, we can go now." Sabi ko kay Mommy pagkapasok na pagkapasok ko sa kotse namin. Tumango naman na si Mommy at agad na pinaandar ang kotse.
While we are on our way to school, di ko maiwasan na maisip yung nanyari sa akin sa Japan, a month ago.
Flashback
Isinabit ko na ang strip of paper ko where in nakasulat ang wish ko sa mga parang lantern na nakasabit sa bamboo tree na napupuno narin ng mga wish strips nila pababa kaya medyo abot ko na ito. Hindi ko maiwasan na hindi pag masdan ang mga ito, tumingala ako para tignan lahat ang mga ito. Sa buong daanan dito, puro ganito ang makikita mo. Meron din bumabagsak mula sa itaas na confetti. Pumikit ako habang finifeel iyon.
"Sorry, sorry." Napatingin ako sa lalaking nabunggo ko habang nagsasabit ng kanyang strip at paulit ulit akong nagsorry, mukha kasi siyang pinagsakluban ng langit at lupa kaya feeling ko wala siya sa mood. Tumingin lang siya sa akin at tumango saka naglakad palayo.
Habang naglalakad siya palayo, napangiti ako sa walang kadahilanan kung bakit. Basta, iba kasi talaga ang pakiramdam ko sakanya.
Kung sakaling siya si The one, ang bilis naman matupad ng wish ko.
Pero ang impossible rin kasi. Ang daming lalaki dito, pero bakit siya pa ang naisip kong The one? Saka papaano kung dito siya nakatira? Syempre hindi kayo muli magkakatagpo. Ria naman, umatake nanaman ang pagiging Hopeless Romantic mo.
Pero diba.. If it's meant to be, the fate will bring it together?
Napatingin naman ako sa isang strip na nasa kinakatayuan niya kanina, pinulot ko iyon at tinignan ang nakasulat.
Another chance, please. Yaan ang nakita kong nakasulat, napatingin ako muli sakanya kaso pagtingin ko sa nilalakaran niya wala na siya. Isabit ko kaya 'tong wish niya? Kaso, bakit naman kaya ako mangingialam sa buhay niya? Mas mabuting wag nalang siguro.
Naglakad lakad ulit ako at kung saan saan ako dinala ng paa ko hanggang sa makakita ako ng botique na'may karatulang, Lucky Charms.
Actually, hindi ako naniniwala sa ganito. Pero, wala namang masama mag try diba? Pumasok ako sa loob ng botique na iyon. Pumunta ako sa love and dreams section. Habang pumipili ako ng pinakamagandang itsura ng necklace, biglang may nahagip ang mata ko.
Siya ulit.. yung self proclaimed The one ko.
Tumingin ulit ako sa mga necklace na nasa harapan ko at hindi ko maiwasan mapangiti. Talaga bang pinagtatagpo kami ng tadhana? Pero napabuntunghininga ako sa naisip ko. Lahat naman ng tao, pumupunta kasi dito. Paano ko naman masasabi na destiny ang tawag dun? Gulo ko talaga.
Pero pagtingin ko sa pwesto niya, wala nanaman siya.
Si fate din siguro ang may plano ne'to, na sa tuwing makikita ko siya. Mawawala rin siya, panandaliang kilig ganun? Ang unfair!
End of Flashback
"Ria we're here." Nabalik ako sa realidad ng biglang nagsalita si Mommy. Nandito na pala kami. Lumabas na ako sa kotse matapos kong i-kiss si Mommy sa cheeks.
BINABASA MO ANG
Last Wish
Teen FictionThis story is about a girl who once wished for the perfect guy, but is this guy is really for her? will this love be forever? A whirlwind romance which was started with a WISH! ©blossomheartgirl 2014