Ria's Point of View
"Ria, I know you need to tell me something." Niluwagan ko ang pagkakabalot ng comforter sa mukha ko. Kanina pa ako kinukulit ni Mommy about sa nangyari kahapon. As if naman na sasabihin ko sakanya yun.
"My, sinabi ko naman na wala nga yun." Sabi ko. Naramdaman ko ang pagtayo niya mula sa pagkakaupo sa kama ko. Finally!
"Okay fine." Aniya.
Narinig ko namang sumarado ang pinto, meaning umalis na si Mommy. Napabalingkwas nalang ako sa kama ko. Nakakainis, nawala tuloy antok ko. To think na sunday ngayon at ang kailangan ko lang gawin ay matulog buong araw.
Napatingin ako sa orasan, Ghad! 8:30AM palang, mabo-bored lang ako dito lalo na't day off ni yaya ngayon at masama ang pakiramdam ko dahil sa pagpapaulan ko kahapon. Binaliwala ko nalang ang thought na yun at agad na akong bumangon para mag hilamos at magsipilyo.
Habang nagpupunas ako ng mukha ko, bigla ko namang naalala ang nangyari kahapon. Bakit ko ba sinabi kay Nathaniel yun? Seriously? Bakit ako nagbitiw ng mga ganung salita sakanya kung hindi naman ako sigurado sa nararamdaman ko. .
Oo, alam ko sa sarili ko na hindi ko siya gusto pero may something parin sa utak na hindi ko maintindihan. Hindi ko pa naman nararamdaman sakanya yung slow mo na sinasabi nila. .
Siya lang naman ang pinaniwalaan kong the one ko, pero yun lang yun. Hindi ko naman siya ganun kagusto. . Pero ayos lang, wala namang nagbago sa nararamdaman niya para sa akin.
Bumaba na ako, at dahil hindi ko alam magluto kumuha nalang ako ng chips sa lamesa at agad nagtungo sa sala pero nagulat ako ng biglang may kumatok.
"A-anong ginagawa mo dito?" What the? Bakit siya andito? Napatingin ako sa likod niya at nakita kong nakabukas ang gate. Malamang ria nakabukas ang gate dahil pumasok siya!
Pero paano siya nakapasok? Laging ni lo-lock ni mommy yan pag aalis na siya. Seriously? Hindi niya ako pinansin at dire-diretso siyang pumasok patungo sa dining table! Ngayon ko lang naman napansin ang hawak niyang supot.
"Huy ano ka ba? Labas na! Baka maabutan ka pa ni mommy dito." Hindi niya ako pinansin, nilabas niya lang yung cup noodles mula sa supot at nilagyan ito ng mainit na tubig.
"Kanina pa ako nandito, nakita na ako ng mommy mo." Tumawa siya ng mahina. What? Kanina pa siya nandito? At nakita na siya ni Mommy? Teka? Paano? At bakit? Magtatanong na sana ako pero naunahan niya ako magsalita.
"Kumain ka nalang muna."
"Ah sige. Manuod ka na muna sa sala." Kahit naguguluhan ako, mas pinili kong kumain muna dahil kanina pa kumakalam ang tyan ko.
Habang kumakain ako, tinanaw ko siya sa sala na nanunuod ng basketball. Pero nagiwas ako ng tingin ng humarap siya sa likuran niya--sa akin.
"Tapos kana?" Umiling nalang ako, nakita ko siya sa peripheral vision ko na tumango siya.
Nang matapos na ako, tinapon ko na iyon sa basurahan at naglakad na ako paakyat.
"Umalis kana, matutulog na ako." Sigaw ko sakanya pero nagulat ako ng sundan niya ako.
Nanlaki ang mata ko ng sumabay siya sa akin sa pagpasok sa kwarto ko. Ghad! Bakit ba siya nandito?
Hindi siya pwede dito! Nakita kong nilibot niya ang mata niya sa paligid. Nagulat ako ng bigla siyang tumalikod.
"Uhh--may hindi yata ako dapat makita." Nauutal niyang sabi.
Napatingin ako sa cabinet ko at nakita kong nakakalat ang mga underwear ko duon!
BINABASA MO ANG
Last Wish
Teen FictionThis story is about a girl who once wished for the perfect guy, but is this guy is really for her? will this love be forever? A whirlwind romance which was started with a WISH! ©blossomheartgirl 2014