[L A R A]
"Saan ka pupunta? Bakit ganyan lang suot mo?"
"Ano ba dapat suot ko?"
"Diba ngayon ang elimination niyo ni Ria? Wag mong sabihin na hindi ka pupunta?" Medyo tumaas ang tono ng boses ko kay Nathaniel, nakapang alis kasi siya at walang kadala-dala. Halata mong may pupuntahan siya at hindi sa school yun.
"Maaga pa, 9:30 palang Lara. Babalik din ako dito sa bahay, makakaabot ako sa elimination. Tinawagan kasi ako ni Tita May--" Hindi na niya tinuloy ang sasabihin niya. He sighed at tuluyan na siyang lumabas sa bahay.
Si Tita May, nanay ni Alexa. Pangatlong beses na 'to ni Nathaniel na pumunta sa bahay nila Alexa, naikwento kasi sa akin ni Nathaniel na tuluyan na niyang tinapos ang relasyon nila ni Alexa. Naguguluhan nga daw si Nathaniel, nung una inaaway away siya ni Alexa at si Alexa ang gusto makipagbreak sakanya pero ayaw ni Nathaniel.
Hindi ko alam kung sino ang nakapagpabago sa isip ni Nathaniel para hiwalayan na niya talaga si Alexa, mahal na mahal talaga kasi niya yung babaeng yun. At ngayon, si Alexa ang humahabol-habol kay Nathaniel. Hindi daw kumakain si Alexa at napakamoody daw niya ngayon kaya hindi na alam ni Tita May ang gagawin niya kaya si Nathaniel na ang pinapapunta niya.
"Tita Lani, mauna na po ako. May kailangan pa po akong ipasa sa school." Tumango naman si Tita Lani na nagbe-bake ng cake at nakipagbeso na ako sakanya. Kinuha ko na ang bag ko at tuluyan nang lumabas ng bahay.
Nagsinungaling ako kay Tita Lani. No, what I mean is. . . may halong pagsisinungaling ang sinabi ko. Oo, may ipapasa talaga akong group seatwork namin kay Sir Asunsion, pero hindi alam ni Tita Lani na may Elimination ngayon at kasali si Nathaniel dun.
Magagalit nanaman yun panigurado kay Nathaniel pag nalaman ni Tita Lani na pumunta nanaman siya kay Alexa. Una palang kasi, hindi na boto si Tita Lani sa relasyon nila. Napailing nalang ako.
"Lara!"
"Oh, gabriel? Bakit ka nandito?" Nagtatakang tanong ko sakanya.
"Asan si Nathaniel? Pupunta ba siya sa Elimination?" Mabilis na tanong niya sa akin at hingal na hingal pa. Napabuntong hininga ako.
"Hindi ko alam e. Pumunta kasi nanaman siya kila Alexa, tsk. Pero sabi niya makakaabot naman daw---" Naningkit ang mata ko ng bigla siyang tumakbo paalis sa harapan ko. Loko yun! Nagsasalita pa ako eh. Tsk.
Naisip ko naman bigla si Ria. Sigurado akong iniisip nun ngayon si Nathaniel about sa Elimination. Sana nga, pumunta talaga si Nathaniel.
"Hi Lara."
"Hello, Lara!" Ngumiti lang ako sakanila habang naglalakad ako dito sa open court.
Simula nuong minakeover ako ni Ria, nagbago na ang buhay ko. May mangilang-ngilan naring pumapansin sa akin at may iba pang gusto pumormahan ako. Pero pag naiisip ko yun, nalulungkot ako. Kasi, nagagawa lang nila yun dahil iba na ako. Maayos na ako. Hindi katulad dati, porket ganun ako hindi nila ako pinapansin.
*Boogsh*
"Miss, ayos ka lang? Sorry h-hindi ko nakita!" Napakamot ako sa ulo ko kung saan tumama yung bola, pati narin sa balikat ko kung saan medyo nagasgasan dahil sa pagkatumba ko.
"O-okay lang ak---Okay lang." Napalunok ako bigla ng nakita ko siya sa harapan ko, si Shawn.
"Sure ka? Dalhin na kita sa Clinic, para malinisan yang sugat mo." Napatingin ako sa kamay niyang nakalahad sa harapan ko, napalunok muna ako bago ko hawakan ang kamay niya.
BINABASA MO ANG
Last Wish
Teen FictionThis story is about a girl who once wished for the perfect guy, but is this guy is really for her? will this love be forever? A whirlwind romance which was started with a WISH! ©blossomheartgirl 2014