Ria's Pov -- August 13, 2012
Hindi ako pwede magkamali, siya talaga yung nakita ko kahapon na naglalakad. Take note! Naka uniform siya! So possibleng dito siya nag-aaral? Waaa! Hindi naman malabo ang mata ko, para masabi kong guni guni ko lang 'to.
Kaso ang daya talaga ni fate! Kumurap lang ako ng saglit, nawala nanaman siya sa paningin ko. Ano? Lokohan nalang ba lagi dito? Siguro hindi siya yung the one ko, pero hindi rin! Isang malaking destiny ang namamagitan sa amin dahil sa pangyayari na 'to!
Jianne Calling..
"Hello Jianne!"
[Hey sissy, where are you? Nandito kami ngayon sa SB nila Shane.]
"Tsk. Nandito ako sa school. 4th year na kayo, mag bagong buhay na nga kayo."
[You must be kidding me, Ria! Nagbago ka na ba after all those break ups na nangyari sayo?]
"Shut up Jianne, i'll sms you later after my class. Bye, enjoy."
Call Ended
Close friend ko sila. Kahit home study ako dati, may mga friends parin ako dahil sa mga anak ng ka-business ni Mommy (isa na sila dun). Actually, mataas ang social life ko dati, dahil petiks lang naman pag home study. Pero ngayon hindi na, mas complicated na pero sila hindi na magbabago yung mga yun.
At totoo din na madami na akong napagdaanan na breakups. Pero wala lang yun sa akin, di ako bitter or what. Hindi ko nga sila minahal ng lubusan at di nga ata kami nagtagal. Basta sa ngayon, naniniwala parin ako na may THE ONE para sa akin. Yung parang sa mga movies... Pero back kay self procalimed the one ko, napangiti ako habang naglalakad papunta sa room sa naisip kong siguro dito nga siya nag aaral. Ano kaya section niya? Hmm.
"Again Ms. Del valle, you're late again." Hindi ko napansin na nandito na pala ako sa tapat ng room namin at yung teacher ko na mismo ang nagkusang buksan ang pinto. Tumingin lang ako sakanya ng wala sa ulirat at nagsorry. Dire-diretso akong umupo sa seat ko kahapon. May natapakan pa nga ata ako pero di ko iyon pinansin.
"Get 1/8 paper and write your name on it. We'll be having a partnering today by drawlots." Agad akong kumuha at isinulat ang pangalan ko dun. Dahil nga wala ako sa ulirat, pinaabot ko nalang iyon sa girl na nasa harapan ko at kusa nalang bumagsak ang ulo ko sa desk ko. Inaantok pa ata ako.
"Ms. Adria Del Valle and Nathaniel Perez." Agad kong iniangat ang ulo ng marinig ko ang pangalan ko saka ako tumayo. Tumingin naman ako sa paligid para hanapin yung partner ko. Pero wala naman siya.
"Oops. He's not around pero dahil hindi sakto ang bilang sa klase sakanya nalang kita pinartner. I guess you'll be seeing each other naman later if ever na pumasok niya. Tsk tsk. Mr. Perez talaga." Napakamot nalang ako ng ulo at umupo nalang. Kung sino man si Mr. Perez sana maayos siya bilang partner, lalaki pa naman. Baka isa pa siyang sakit sa ulo.
Natapos ang first subject na Physics at may 10 minutes break. Wala akong magawa dahil wala naman akong kaclose dito. Bigla naman may lumapit na isang grupo ng babae sa akin.
"Hi! You're Adria right? Our principal's grand daughter?" Bakit kaya lahat nalang big deal ang pagiging apo ko ng principal?
"Yup." Simpleng sagot ko. Hindi ko maiwasan mapangisi dahil sa nag kikintaban na lipstick nila at mapupulang pisngi dahil sa makeups nila. Hay, people nowadays.
"Dont have any friends? Why dont you mind to come with us nalang? Pretty ka rin naman like us." Kung sila rin naman ang makakasama ko, wag nalang. Ngumiti nalang ako sakanila na nagsasabing hindi na. Umirap nalang sila at naglakad na palabas ng room. Dahil nga wala akong magawa nag CR lang ako saglit at pumasok na sa room.
Masyadong maraming tao sa labas, halos puro kumpulan ang mga grupo ng batch namin. Pagdating ko sa room, medyo may tao narin 3 minutes nalang maguumpisa na yung next class na English.
"Excuse me, sino si Nathaniel Perez? I mean ano itsura niya?" Tanong ko sa girl na tahimik na nasa harapan ko. Napatingin naman siya sa akin at sabay tingin sa pinto ng classroom.
"Ayun na siya oh." Agad naman akong tumingin sa pinto at hindi ko inaasahan ang nakita ko.
AS IN HINDI KO INAASAHAN. Si... self proclaimed the one ko? siya si Nathaniel Perez? At take note, magiging partner kami for the whole grading? Ang tagal ko siyang tinignan at napangiti ako bigla nang umupo siya sa tabi ko. Yun nalang kasi ang vacant, pero isa lang ang masasabi ko ngayon.
IM SO LUCKY! Si fate at destiny ba ang may gawa neto? Nako kung ganun, bffs na talaga kami ni fate at destiny! Hindi ako mapakali dito sa kinauupuan ko. Gusto kong lumipat na ewan, gusto ko kasi yung makikita ko siya. Sobrang lapit ko ngayon, at hindi ko magawang tumingin sa gwapo niyang mukha.
"Ms. Del valle, are you listening?" nagulat ako ng bigla akong pinuna ng teacher namin, tumango lang ako at nakita ko naman ang mga mata nila na nasa akin lahat... pati siya. Para nanaman mas festival dito sa tyan ko na hindi ko maexplain. Kainis! Nakakahiya.
-
Break time. Paalis na sana si Nathaniel pero tinawag ko siya.
"Nathaniel." napatingin naman siya sa akin na nagtataka bakit ko siya kilala. Hindi niya siguro ako maalala, pero sabagay nagkabungguan lang naman kami nun. Yun lang.
"Sasabihin ko lang sana na, magkaparter t-tayo sa p-physics." Ghad ria! You're stuttering in front of him!! Great! Tumango lang naman siya at umalis na agad. Balak ko sana makipag frriends sakanya. Sayang nag mamadali ata siya.
Naglalakad lakad ako dito at nilalakbay ang paaralan na 'to. Hanggang sa napadpad ako dito sa rockwell na katapat ng court at umupo muna. Luminga linga ako hanggang sa nakita ko si Lara. Tatawagin ko na sana siya pero tinignan ko muna yung direksyon kung saan siya nakatingin.
Napangisi nalang ako. Ang isang nerdy girl pala na ito ay may pagnanasa sa isang basketball player? Masyadong cliche. Pero napaka impossible rin ano? Kung eekspeksyonin mo kasi yung basketball player na yun, para siyang isang cassanova. Tsk. Tapos si Lara ay isang nerdy girl lang.
Hindi ko na siya nilapitan at bumalik nalang ako sa classroom. Next subject ay Math, kaso nagtaka naman ako kasi wala nanaman si Nathaniel. Ano kaya yun? On and off ang pag pasok? After nun ay Economics. Wala parin siya. Saan kaya napadpad yun?
Nalaman ko naman na every tuesday, thursday ay halfday lang. Kaya ngayon uwian na, naglalakad lakad ako dito sa hallway at medyo onti nalang ang tao. Tatawagan ko na sana sila Jianne para makagala na kami. Kaso bigla kong nakita si Nathaniel na naglalakad at may kausapa sa phone.
Dahil nga siya ang self proclaimed the one ko, sinundan ko siya. Hanggang sa huminto siya sa tapat ng CR ng boys. Nagtago ako sa isang room na bukas. Kaso para akong pinagbagsakan ng langit at lupa ng may marinig ako.
"Hindi ba pwede 'tong pag usapan? Ano ba... Lexa! Shit! Hindi ko kasalanan yun, malay ko ba na gagawin niya yun. Hindi mo nga ako hinahayaan mag explain e! Bullsht! Lexa, alam mong mahal kita diba?"
Napangisi nalang ako. May girlfriend na pala siya.... baka hindi nga siya ang the one ko?
-
thankyou sa mga nagcomment sa chapter 1! at sa mga naghihintay ng chaper 2, eto na siya! don't forget to vote and comment. highly appreciated! :)
dedicated to one of my favorite author dito sa wattpad, lalo na yung story niya. favorite ko talaga yun! Bait bait pa niya <3
BINABASA MO ANG
Last Wish
Teen FictionThis story is about a girl who once wished for the perfect guy, but is this guy is really for her? will this love be forever? A whirlwind romance which was started with a WISH! ©blossomheartgirl 2014