Dedicated to baeklayner! ❤
• • • • • • • •
Ria's
Sa kabila ng sinabi ni Gabriel, hindi ko nalang yung pinansin. Napahinto ako, pero naglakad ulit ako para hindi niya mahalata. Hindi naman malakas ang epekto nuon sa akin, pero para kasing wala na talaga akong kapagapagasa kay Nathaniel.
"Anong sinasabi mo jan? Ha-ha. May gusto ka siguro sa ex ni Nathaniel no? Drama. Wala naman akong kinalaman dun, bakit mo sakin sinabi yun? Ha-ha." Tumawa ako ng fake, at sumabay na sa linya kung saan siya naglalakad at patuloy nang kinain yung grahamballs.
"Sus. Tsktsk. Sige una na ako." Sabi niya at naglakad palayo, hindi ko na siya tinawag pa dahil mahihirapan lang ako makipagplastikan sa topic namin pag kasama ko pa siya. Napagdesisyunan ko nalang pumasok pa sa first subject kahit late ako okay lang.
Pagkasok ko, as usual pinagsabihan nanaman ko. September naman na ngayon at 1 palang ang late ko sa buwan na 'to. Ang laki ng problema niya, tsk. Pag lingon ko sa mga classmates ko, napatingin ako sa upuan ko kung saan katabi ni Nathaniel. Nagkatinginan din kami, pero lumiko ako ng daan at sa 2nd row nalang umupo.
Lumipas ang ilang oras, lunch na. At sa buong araw na 'to, sa 2nd row lang ako umupo. Syempre, simula nung pinayuhan ko siya tapos na ang pag aasa ko na siya ang the one ko.
Naglalakad lakad ako dito sa rockwell ng makita ko nanaman si Lara. Pinagmasdan ko siya, nagbabasa siya ng book pero mamaya maya susulyap nanaman sa court kung saan naglalaro yung tinitignan niyang player na #8.
Ang gulo talaga ng babaita na 'to. Sino ba talaga gusto niya? *facepalm* Lumapit nalang ako sa tabi niya at tumingin din sa direksyon nung #8.
"Sa tingin mo mapapansin ka niya?" Sabi ko sakanya, nakita ko naman sa peripheral vision ko na nakatingin siya sa akin. Humarap naman ako sakanya.
"Alam mo, sa panahon ngayon. Hindi na uso yung nerd girl to a casanova boy. Sa movie lang nangyayari yun. Kaya hindi ka niya mapapansin." Nakita ko ang pagkalungkot sa mukha niya at yumuko naman siya.
"Pero alam mo, may sagot dyan sa problema mo." Nakangiti kong sabi sakanya. Napatingin naman siya sa akin ng nagtataka at para bang gusto na malaman ang sagot.
"Makeover!"
Kinabukasan, sabado ngayon at maaga akong nagising dahil sa usapan namin ni Lara na magkikita kami sa mall malapit sa school namin para nga sa gagawin naming makeover. Grabe, naeexcite na ako. Gusto kong makita si Lara pag naayusan na talaga.
"Ria! Sorry late ako." Maya maya nakita kong dumating na si Lara, napatingin ako sa kanya from head to toe. Seryoso? Naka jeans lang naman siya, with tshirt and rubber shoes.
"May m-mali ba sa suot ko?" Napailing nalang ako. Napakalayo ng suot naming dalawa.
"Kailangan mo nga talaga ng all around makeover."
Una naming pinuntahan ay yung kakilala naming dermatologist dito sa mall. Meron kasing mga pimple marks at blackheads si lara. Kailangan muna matanggal yun. Hindi naman siya maitim, medyo maputi naman si Lara eh. Kaso hindi nga talaga napapansin.
"Lahat ng pwedeng gawin sakanya, gawin na po." Sabi ko dun sa babae na lumabas at inassist na si Lara papunta sa loob.
"Ria. Saan nila ako dadalhin?" Medyo may pagkaalangan pa sa boses niya. Natawa naman ako dun at ngumiti nalang sakanya. Umupo muna ako dito at after ng 30 minutes na paghihintay tapos na siya.
Tinignan ko siya ng malapitan, makinis na ang mukha niya. Tapos medyo pumusyaw na siya at winax narin ata ang kamay niya.
"Grabe, para nila akong hinarass sa loob." Sabi niya habang hinahawakan ang kamay nya at tila pinagmamasdaan 'to. Natawa naman ako at hinila ko na siya papunta sa david salon.
BINABASA MO ANG
Last Wish
Teen FictionThis story is about a girl who once wished for the perfect guy, but is this guy is really for her? will this love be forever? A whirlwind romance which was started with a WISH! ©blossomheartgirl 2014