A/n: Malapit na tayo mag 1k reads! Omg. Kahit 1k palang masaya na ako. :) Thankyouuu, lalo na sa comments niyo simula umpisa palang. Naa-appreciate ko talaga yun at lalo akong na mo-motivate! <3 Sana suportahan niyo 'to hanggang huli! :)
Dedicated to queenofcurlsss! Hi ashley, im about to use your name for my new character! :)
• • • • • • • •
Ria's"So what are you going to do now? Halata naman na isa na yan sa motibo niya." Sabi ni Shane. Napatingin nalang ako sakanya at nilugmok ko ulit ang mukha ko sa table dito sa Mcdo.
Andito kami ngayon sa Mdo malapit sa school, tinawagan ko sila para may makausap ako kasi tinatamad din daw sila pumasok. Pero para namang wala silang naitulong, puro sila kapilosopohan at pagsesermon. Nakakasar naman kasi si Gabriel! Bakit ba niya ginawa yun?
Matapos niya akong halikan sa noo, ngumiti lang siya sa akin at tuluyan nang umalis. Ano yun? Ha? Walang ni ha ni ho? Basta basta nalang aalis? Ni hindi ko manlang nagawang tawagin siya dahil sa pagkakatulala ko.
"Hindi ko alam." Sagot ko sakanila habang naka facepalm ako.
"Tch. Kung makapag inarte ka kasi kala mo, first time mo! Sus. Feeling never been kiss, never been touch." Naiangat ko yung ulo ko dahil sa napalakas ang pagkakasabi ni Jianne. Nakakaloka! Tumingin sa akin yung mga tao sa paligid namin.
"Gaga! Kiss lang, pero touch wala no!" Tumawa lang sila ng sarcastic. Nakakainis talaga 'tong dalawang 'to.
Totoo naman, sa mga relationships na napagdaanan ko syempre may nakakiss na sa akin. Pero hanggang cheeks lang. Pero sa lips hindi pa. Nagulat talaga ako kay Gabriel kasi first time may humalik sa noo ko, nabasa ko yung one time sa isang blog. Pag sa noo ka daw hinalikan ng isang lalaki, may respeto daw siya sayo. Pero kahit na! Ang gulo!
"Pero alam mo, feeling ko may gusto yan sayo eh. Bakit ka pa ba umaasa dun sa Nathaniel? Eh diba sabi mo sila na ata ulit? Martyr ka ba o tanga? Alin sa dalawa?" Sabi ni Jianne habang umiinom ng cokefloat. Binaling ko ang tingin ko sa labas at may nakita akong karatula na, 'true' eh? weird.
"Wala no! Sinabi niya sa akin dati na halata daw na gusto ko si Nathaniel kaya chupi nalang daw siya. Saka di kami talo, maloko yun e!" Nagkatinginan naman sila at saka tumawa ng sarcastic.
"Kahit na Ria, lalaki parin yan."
**
"A-ate. Pinapatawag ka po ni Mrs. Del Valle." Napatingn ako sa babaeng tumawag sa akin habang naglalakad ako dto sa hallway ng 1st floor habang kumakain ng fries.
"Ah sige."
Agad na akong umakyat papunta sa 3rd floor dahil sa bandang dulo nun nanduon principal's office. Ano kaya ang problema? Bakit kaya ako bigla biglang pinatawag? Bigla naman ako kinabahan nang nandito na ako sa tapat pinto.
"Bakit niyo po ako pinapatawag, La? I mean mrs. Del valle." Tinuro naman ni Mrs. Del Valle yung upuan sa harap ng table nya kaya umupo ako duon.
"Adria. Nasabi ng teacher mo sa mapeh na lagi ka daw late sa subject niya at hind ka daw lagi nakikinig." Napailing si Mrs. Del Valle habang sinasabi iyon. Napayuko nalang ako at nilaro-laro ang daliri ko.
"Pero hindi naman yung ang pakay ko sayo ngayon." Napatingin naman ako agad sakanya. Kung ganun naman pala, ano pala?
"Meron kasi tayong magiging project sa school, meron magiging 5 representatives every section at pupunta kayo sa isang bahay ampunan. At may nagpresenta para mag shares sa pang pondo natin dun. Siya si Mrs. Perez. You know her right?"
"Yung mother po ni Nathaniel Perez? Tama po ba?" Tanong ko at tumango naman siya. Anong kinalaman ko dun?
"At gusto niya kayong dalawa ni Nathaniel ang makipag usap dun sa orphanage, about sa plano ng school natin."
BINABASA MO ANG
Last Wish
Teen FictionThis story is about a girl who once wished for the perfect guy, but is this guy is really for her? will this love be forever? A whirlwind romance which was started with a WISH! ©blossomheartgirl 2014