Chapter 04

278 51 44
                                    

Dedicated to Bluemilktea! ❤ 

• • • • • • • •

Ria's Point of View  -- August 19, 2012 

2 unproductive days had passed. Monday nanaman, may pasok nanaman at makikita ko nanaman si Nathaniel... sana. Kaso, baka hindi nanaman yun pumasok. Pero bakit ko ba siya pinapakielamanan? SImula naman ngayon, hindi na siya yung self proclaimed the one ko. Hanggang partners and escort ko nalang talaga siya. 

"Lara!" Agad akong tumakbo sakanya at kumapit sa braso niya. Ganito talaga ako pag may naging friend ako, sa kalagayan namin ngayon friend na kami dahil na-add ko na siya sa facebook! Hehe. 

9AM ang pasok ngayon dahil selecting for clubs lang ang meron, sa ngayon hindi ko pa alam kung ano ang club ko dahil bago palang naman nga kasi ako dito. Pumunta kami sa college building dahil nga duon ang mga rooms for club. 

"Hi ladies!" Nakatayo muna kami dito ni Lara dahil sobrang dami pang tao sa hallway at ayaw naman namin makipag siksikan duon ng biglang lumapit nanaman sa amin si Gabriel. Hindi na ba siya nag sasawa? Buntot siya lagi ng buntot. Kaurat kaya!

"Ria babes, ano club mo?" Nanlaki ang mata ko at agad akong napatingin sakanya ng tawagin niya akong 'ria babes' omygosh! hindi ko maiabsorb na tinawag niya akong ganun! I kennot! 

"Ria babes ka jan? Dun ka nga. Dun kami sa club, kung saan wala ka." Inirapan ko siya saka ako tumingin sa ibang direksyon, bakit ba ang fc niya sa akin? Madami namang iba jan na pwede niyang guluhin, pero bakit ako pa?

"Aw. you're hurting my feelings ria babes!" Sabi niya at nag acting pang nasasaktana ng puso niya, tsk. Saktan talaga kita diyan e, physically!

"GABRIEL BAUTISTAAAAAAAAAAAAA!" Napatingin ako duon sa babaeng sumigaw sakanya, galit na galit yung mukha nung babae. Napatingin naman ako kay Gabriel na nakangisi, at agad tumakbo palayo habang nag wa-wave sa akin.

Hindi ko maiwasan matawa dahil sa mukha niya kanina, girlfriend niya kaya yun? May ganung side pala siya, under sa girlfriend. Haha.

"Ria, journalism ako. Ikaw ba?" Nag-isip naman ako pero napagdesisyonan kong mag journalism nalang din para kasama ko siya, wala rin naman kasi akong ibang close dito kundi siya lang. Pag dating namin sa room ng journalism, hindi naman karamihan yung tao. 

Para akong nagkamali ng pasok dahil halos lahat sila nerdy look, ako lang ata yun hindi? Para akong napapaligiran ng unidentified people. hehehe joke.

"Lara, CR lang ako ha?" Tumango naman siya, nakipagsisikan ako sa dami ng tao sa labas at sa wakas narating ko rin ang CR.

CR lang ata yung walang tao, buti naman para hindi ako ma suffocate. Pumasok ako sa isang cubicle, after kong mag-pee lalabas na sana ako pero may narinig akong naguusap. 

'Grabe si lara, lahat nalang sumipsip siya.'

'Yeahright. Nung una sa principal, ngayon naman sa apo ng principal.'

'Gold digger talaga yung nerd na yun. Ha-ha'

'Syempre para hindi mawala yung scholarship. Tara na nga guys.'

Pagkalabas nila, lumabas narin ako sa cubicle. Napaisip naman ako bigla, kaya may mga taong bumababa ang self esteem dahil sa mga judgemental na tao. Tsk. Tignan lang natin, one day sila na ang mismong lalapit kay Lara. Ha-ha.

Natapos ang meeting for journalism at si Lara ang naging president dahil consistent naman na ang pagiging president niya dito sa journalism club. At ang mas nakakagulat ay, ako ang napili for vice president. Dami namang ibang mas responsable sa akin, pero bakit ako pa kaya?

Pero ayos narin yun, para another experience. Last year naman na 'to.

Napagdesisyunan namin ni Lara na kumain sa Mcdo, nakita ko nanaman yung mga mata ng tao na nakatingin sa aming dalawa. Tsk. Hindi ko nalang yung pinansin, sa halip ay kumain nalang kami.

"Lara, since 1st year ka dito sa school diba?" Tanong ko sakanya.

Alam kong since 1st year lang siya, dahil wala naman akong kilalang lara nung grade 6 ako sa silver hills. Tumango naman siya.

"K-kilala mo ba si Nathaniel Perez?" Tanong ko sakanya, medyo nahihiya pa ako kasi baka kung anong isipin niya. Pero mas nagulat ako ng bigla siyang ngumiti sa akin. Bakit naman?

"Oo." Sagot niya, napalunok naman ako. Hindi kaya crush niya si Nathaniel, pero diba... may basketball player na siya? Huhu.

"Kwento ka naman! Nacucurious kasi ako sakanya, partner kasi kami sa isang subject." Pagdadahilan ko, uminom muna siya ng cokefloat bago mag umpisa mag kwento.

"Si nathaniel, sikat yan sa school dahil sa matalino at gwapo siya. Matalino yun, member rin yun ng journalism club. Saka, magaling rin yun mag basketball." Member ng journalism? Bakit wala siya kanina? 

"Tapos, sikat din siya dahil sa pagiging ma-effort niya. Meron kasi siyang girlfriend, si Alexa. Nag aaral naman sa Carion University malapit lang dun sa school natin." Napainom naman ako bigla dahil sa dalawang bagay. 

Una, nabanggit ang girlfriend niya. Pangalawa, bakit alam niya 'to? Stalker ba siya ni Nathaniel? Crush ba niya? Sana hindi! Hindi ko ugali mang-ahas ng crush ng friend ko. Anubayan. Huhu.

"Since second year, sila na. Lagi siyang may surpise kay Alexa dun sa Carion kahit mag kalaban ang Carion at Silver hills hindi siya nahihiyang pumunta dun sa Carion. Swerte ng girlfriend niya no?" Nakangiti niyang sabi sa akin.

Oo na, swerte na. Alam ko naman yun. 

"P-pero, may tanong lang ako." Nagaalangan kong sabi, tumingin naman siya sa akin.

"Ano yun?"

"Bakit mo alam 'to? I mean, m-may gusto ka ba kay Nathaniel or what? Kasi.. lahat ng details alam mo na ata eh." Pinilit kong ngumiti, kaso ang kinalabasan nito... ngiting aso. Great!

Hindi naman siya sumagot, pero isang nakakalokong ngiti lang ang ibinigay niya sa akin. Waa! Anong ibigsabihin nun?

OH NOES!

• • • • • • • •

Ano nga ba kasi ibig sabihin nun? Kayo ba? Ano sa tingin niyo? Mwahaha. >:)

By the way, salamat po sa mga nag comment and vote sa mga naraang chapter! Lalo na sa mga pumupuri at naghihintay ng update. Very much appreciated po! Sana patuloy niyo parin suportahan 'tong story ni Ria at Nathaniel! Xie xie! 

Mas maexcite kayo sa chapter 5! Mwahaha >:)

vote x comment x 

Last WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon