Ria's Pov -- August 15, 2012
2 days ang nakalipas simula nung narinig ko yung usapan nila ng 'girlfriend' niya sa phone. Sa 2 days na yun, hindi rin siya pumasok. Ganun niya siguro kamahal yung girlfriend niya no? Naisip ko rin na, kaya pala another chance, please yung wish niya sa tanabata festival dahil siguro dun. Ang swerte swerte naman ng girlfriend niya. Ano kaya yung dahilan ng pagaaway niya?
Kaso... hindi niya naisabit yun! Edi, hindi magkakatotoo yun? Ay ewan!
"Ha-ha. Are you serious Ria? You've never been like that before. You must be kidding me." Sabi ni Jianne. Nandito kami ngayon sa Mcdo nila Jianne at Shane malapit sa school. Maaga pa naman, 6AM palang at walking distance lang 'to.
"Hindi ko alam, feeling ko siya na talaga ang The one ko. Kaso biglang nalaman ko may girlfriend na pala." Naikwento ko sakanila from the start, at wala silang ibang ginawa kundi tumawa. Sa dinami dami ko na daw na naging boyfriend ngayon pa daw ba ako naging hopeless romantic. Wala eh.
"Walang problema dun Ria. Edi agawin mo." Shane said. I glared at her. Kahit kelan talaga ang mga 'to, masyadong mean.
"Ayoko nga. By the way, mauna na ako. Baka malate nanaman ako." Tumayo na ako at kinuha ang bag ko saka kami nag beso-beso.
"Goodluck girl, sana nga siya na ang the one mo kuno. Ha-ha." I just rolled my eyes at her. Kahit kelan talaga, hindi nalang ako suportahan. Tsk.
"Bye. Gotta go. Sms nalang. Pumasok naman kayo huy. Mga suwail." They laughed sarcastically.
Lumabas na ako at naglakad na papunta sa main gate. Pagpasok ko, medyo marami pang tao dito na pakalat kalat. Hindi ko maiwasan mapangisi pag nakikita ko ang mga couples na magkakasama. Hay.
"Hi miss." Napatingin naman ako sa lalaki na nakatayo ngayon sa harapan ko, tingin simula ulo hanggang paa. Nakakainis, siya nanaman. Yung lalaking classy type ng jejemon. Hindi ko siya pinansin, naglakad nalang ako ng dirediretso.
"Ang sungit mo talaga, Adria. Sayang ganda, kung walang pakinabang." I frowned at him. Anong ibig niyang sabihin? Aba! Lapastangan talaga siya!
"Lumayo ka sa akin." Sabi ko sakanya ng sa mata sa mata at naglakad na ulit. Halos lahat ng mata nakatingin na sa amin. Binilisan ko na ang lakad ko. Hindi ko alam, pag nakikita ko siya kumulo ang every part ng cells ko.
"Ako nga pala si Gabriel." Humarang nanaman siya sa harapan ko, hindi niya ba ako titigilan? Wala ba siyang balak? Tumingin ako sa kanya, huminga ako ng malalim at tinapakan ko ng malakas ang paa niya.
"Buti nga sayo." sabi ko at agad na akong tumakbo ng mabilis.
Nakakainis siya. Dikit siya ng dikit sa akin, masyadong malandi! Ang kati masyado, ang sarap kamutin! Tumingin ako sa likuran ko para aninagin siya, napangiti naman ako ng nakita ko siyang namimilipit sa sakit.
Nakahinga ako ng malalim ng hindi pa ako late. Nakarating ako sa room 5 minutes before time. Pero napahinga ako lalo ng malalim ng pumasok si Nathaniel at tumabi nanaman sa akin. Buti naman at pumasok na siya, wala kaya siyang ka tropa? Parang ang boring ng social life niya.
"Goodmoring class. We'll be having our Class Election. Right?" Sabi ni Ms. Jena. Siya ang physics teacher namin at adviser. Friday ngayon, and every friday first subject daw ang Values at adviser ang hahawak ng subject na yun.
"Class Election is now open for President." sabi ng teacher namin nag umpisa naman silang magtaasan ng kamay.
"Ma'am! I nominate Yana Belen for President!" Sumangayon naman ang iba naming classmate, siguro dahil magkakakilala na nga talaga sila at responsable na nga talaga yun pero may isang babae rin ang naboto kaya siya nalang ang Vice President. Meron pa palang speech ang president.
"Goodmorning batch of 2012, thankyou for electing me as a president. Class president is a very important job and should be filled by the best candidate possible. I will be able to do what is in the best interest of all of us and continue that momentum. Thankyou." Pumalakpak nalang kami.
"Class Election for Secretary is now open." nagumpisa nanaman silang magsitaasan ng kamay. Meron din iilan katulad ko at ni Nathaniel na hindi nakikisali sakanila.
"I nominate Xena Bordey for Secretary ma'am!" May iilan pang nagnominate pero si Xena parin ang nanalo. Ngayon, onti onti ko nang nalalaman ang mga pangalan nila.
"Class Election for Treasurer is now open." Nagulat naman ako ng sabay sabay nilang sabihin ang isang pangalan.
"Si kathleen na yan! wooo!" Napatingin ako direksyon kung saan nila tinuturo yung kathleen, yung babaeng lumapit sa akin nung tuesday na kumikinang ang face dahil sa mga makeup. Nakita kong nakakunot ang noo niya.
"Ayoko nga! Para sa muse ako!" sigaw niya, medyo may pagka slang pa siya. Dala siguro ng kaartehan?
"Ikaw na! Ikaw lang mayaman dito!" Sabay sabay naman silang natawa kaya si Kathleen na ang napili para sa treasurer.
"Class Election for Muse and Escort is now open." Nakita ko naman ang mga mukha ng mga classmate ko na sobrang excited na. Yung mga babae, nagayos na ng buhok at iba pa. Tsk.
"I nominate Adria Del valle for Muse Ma'am!" Napatingin naman ako sa lalaki na nagsabi nun. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o hindi, hindi kasi ako mahilig sa ganyan. Hindi sa nahihiya ako pero ayoko talaga.
"Ma'am, iba nalang po." sabi ko sa teacher ko. Ayoko talaga.
"Ms. Del valle, sayang ang ganda kung hindi mo pakikinabangan yan. Sure ako na tayo ang mananalo." Nakangiting sabi ni Ms. Jena. Huminga ako ng malalim. Naalala ko tuloy yung sinabi ni Gabriel. Azar.
"Okay ma'am." Naghiyawan nanaman sila. Ganito ba talaga ka-wild ang tao dito? *facepalm*
"Since Mr. Perez is consistent for being escort.." agad akong napatingin sa teacher ko. Omg. Dont tell me...
"Ms. Del Valle and Mr. Perez will be our Muse and Escort." Oh no. Masyado na ata akong sinuswerte? Partners na nga, escort ko pa? W h a t.
-
Yung mga naghihintay ng update for chapter 3, eto na siya! Salamat sa mga nagcomment and vote sa mga nakaraang chapters. Lalo na yung mga nagsasabing, ang ganda daw. Hehehehe na overwhelmed naman ako dun! Lovelots! Salamat <3
Dedicated to Xyla! :)
vote x comment x
BINABASA MO ANG
Last Wish
Teen FictionThis story is about a girl who once wished for the perfect guy, but is this guy is really for her? will this love be forever? A whirlwind romance which was started with a WISH! ©blossomheartgirl 2014