Dedicated to Chaperskie! ❤
• • • • • • • •
Ria's
"M-magpinsan pala kayo?" Hindi ko pinahalata yung pagkagulat ko sa tanong ko. Pero hindi ko talaga lubos maisip na magpinsan lang pala sila. All this time, kung ano ano ang pumapasok sa isip ko.
Ultimo pagiging mag live-in inisip ko na sakanila. Nakakafrustrate naman kasi, clueless talaga ako dati. Pero ngayon, alam ko na. Na magpinsan lang pala sila. -____-
"Oo. Hindi ba nila nasabi sayo?" Tanong ni Tita Lani. Nakangiti nalang akong umiling. Pinagpatuloy nalang namin ang pag kain namin at nagkwentuhan ng onti tungkol sa pag make over ko kay Lara.
"Maganda po kasi si Lara. Hindi lang nakikita." Nakangiti kong sabi at sabay tingin kay Lara na medyo nahiya pa. Tumawa naman si Nathaniel, kaya napatingin kami sakanya.
"Umiibig kasi! Lara is inlove." sabi niya sabay ang gestures ng kamay niya na katulad kay spongebob na 'imagination'. Gusto kong matawa, pero hindi ko magawa. -___-
Sinaway naman ni Tita Lani si Nathaniel at nagasaran nanaman sila ni Lara tapos onting kwentuhan ang naganap. Tinulungan namin si Tita Lani na magligpit ng pinagkainan.
After nun nasa sala kami at nagkwekwentuhan habang si nathaniel naman nanunuod ng basketball. Pumapadyak padyak pa nga siya pag hindi nasho-shoot ng player yung ball. Minsan para pa siyang sumusuntok pag nakakashoot. Talagang passion niya siguro ang basketball.
"Lara, uwi na kaya ako. Gabi na eh." pabulong kong sabi kay Lara na katabi ko lang.
"Ano yun?" Natuon ang atensyon ko kay Tita Lani, na naputol ang pagkwekwento.
"Hm, uuwi na po ako tita. Gumagabi narin po kasi eh." Mahina kong sabi, ibinaba naman niya yung juice na iniinom niya at tumingin kay Nathaniel.
"Uhm, sige pala. Baka hanapin ka na sainyo. Nathaniel, ilabas mo yung kotse." Tumayo naman si Nathaniel at pinatay yung tv saka naglakad palabas.
Teka. teka. Parang mali ang susunod na magyayari? Pumasok naman si Nathaniel habang hawak hawak yung susi sa kamay niya at nakatayo lang sa pinto at nakasandal. Ang ideal guy ko talaga.
"Ihatid mo na 'tong si Ria, baka kung mapano." Napakunot naman ang noo ko at napatingin kay Lara. Siya naman tumango lang sa akin ng nakangiti. Ano bang meron sa earth ngayon?
"Nako po tita, okay lang po ako." Nahihiya kong sabi, nakalabas na kasi yung kotse nakakahiya rin. Pero ayoko talaga eh.
"Naku hindi na, sige na baka gabihin ka pa sainyo." Tumango nalang ako at nakipagbeso-beso kay Tita Lani saka kay Lara.
Nagpaalam na ako at sabay na kaming naglakad ni Nathaniel papalabas. Napakunot nalang ang noo ko ng pumasok na siya agad sa loob ng sasakyan, ang iniimagine ko kasi pagbubuksan niya ako ng pinto. Tsk. Pagpasok namin sa kotse, dinrive niya agad. Napafacepalm nalang ako, ang iniisip ko pa naman ikakabit niya yung seatbelt ko.
Kainis! Ang tahimik lang namin sa buong byahe. Actually 15 minutes palang nakarating na agad kami sa tapat ng village namin. Bumaba na ako agad, si Nathaniel naman binuksan yung mirror.
"Sige, u-una na ako." sabi ko sabay turo sa gate ng village namin tumango naman siya kaya tumalikod na ako pero parang may kulang, parang ang bagal ko maglakad parang kasing.. basta.
Pero napangiti ako at humarap agad sakanya ng tinawag niya ang pangalan ko.
"Ria." Dug dug dug.
BINABASA MO ANG
Last Wish
Teen FictionThis story is about a girl who once wished for the perfect guy, but is this guy is really for her? will this love be forever? A whirlwind romance which was started with a WISH! ©blossomheartgirl 2014