I.

19 3 0
                                    

Mala Cinderella ang buhay ko ang kaibahan nga lang imbes na stepmother at two evil stepsisters ang meron ako ay stepfather and two evil stepbrothers at syempre hindi kumpleto ang pagiging Cinderella ko kung walang prince charming meron din ako non medyo mala frog prince nga lang yung itsura niya kaya nga ginagawa ko ang lahat para maging isa siyang tunay na prinsipe.

" Sato, ang gwapo nung transfer student no. " bulong sa akin ni Lena na seatmate ko.

" sino? " nakakunot noong tanong ko.

" yung matangkad sa likod. "

Lumingon naman ako sa likod namin.

" hindi naman ah, mas gwapo pa si Zion dyan eh. "

" Eh wala namang gwapo sayo kundi si Zion eh. " naka simangot na sabi niya.

" alam mo naman pala eh. " nakangiting sabi ko.

" get one whole sheet of paper and write an essay about your summer vacation in 5 paragraph. "

Natigil kami sa pag kukwentuhan ng dumating na yung teacher namin.

" psst, Zion penge akong papel. " kulbit ko sa lalaking nakaupo sa harap ko. Inabot niya sa akin yung papel ng hindi man lang lumilingon.

" grabe ka Sato walang kupas. " sabat ni Kai na katabi ni Zion.

Kung ako 3 taon ng nagpapansin kay Zion si Kai naman 3 taon ng humahadlang sa mga plano ko.

Middle finger up

Iyon naman yung sagot ko sa kanya.

Sorry hindi na kasi uso yung inaaping Cinderella dapat palaban ka na.

" idol " sabay apir sa akin ni Lena

Dahil sa kaingayan ni Lena na mention tuloy kami ni Mrs. Cabrera.

" Ms.Sato, Ms. Aranza are you done with your essay?. "

" not yet ma'am " mahinang sagot ni Lena.

" how about you Ms. Sato? "

Lumingon muna ako sa likod bago sumagot.

" I'm on my last paragraph Ma'am"

" just do your work quietly " sabi ni Mrs. Cabrera.

Napabuntong hininga ako bago ko ipag patuloy yung ginagawa ko. Siniko siko pa ko ni Lena. Pahamak talaga. Nginisihan naman ako ni Kai inirapan ko na lang.

Bad day.

Pag katapos ng dalwa pa naming subject breaktime na namin. 

" Sato, masarap ba yang kinakain mo? " sasagot pa lang sana ako pero nakakuha na siya sa pinggan ko gamit yung sarili niyang tinidor.

" ano ba Kai ang epal mo talaga kahit kailan. " sinuntok ko siya sa braso pero parang baliwala lang sa kanya.

Hinila niya yung isa sa mga upuan at naupo katabi ko.

" sino may sabi sayo na maupo ka dyan. "

" ako bakit. "

" alam mo bagay kayo. " panunukso naman ni Lena.

" I know right. " sang ayon ni Kai sabay akbay sa akin.

Pinilipit ko yung braso niya na naka akbay sa akin.

YUCK!

" ouch, bitaw na.. "

" alis na kasi. " pagtataboy ko sa kanya.

" KAI " napalingon ako sa tumawag kay Kai. Kilalang kila ko kasi yung boses na yon.

" Zion, don na lang tayo maupo sa kabilang table. " sabi ni Kai sa kadadating pa lang na si Zion na may dalang tray ng pagkain.

Modern Cinderella Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon