We both decided na manood muna ng sine. Nang mapadaan kasi kami sa harap ng cinema sabay kaming nag katinginan na para bang pareho kami ng nasa isip. Tinanong niya ako kung may gusto ba kong panoorin pero dahil wala naman talaga sa plano ko na manood ng sine wala talaga akong maisip. I just feel like seeing a movie is a must in dating. Then Zion suggested na spiderman na lang yung panoorin namin.
" sure ka na okay lang na ito yung panoorin natin? Zion asked and I just nod. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na nag de date na nga talaga kami. Imagine parang kailan lang ang mission ko lang ay ang mapansin niya ako.
" are you sure?. baka kasi mas gusto mo yung mga girly na movie, or yung romance "
umiling ako. " alam mo ba na ang last na pinanood ko sa sinehan ay yung movie ni Vin diesel na xxx the return of xander cage. "
" talaga? napanood mo rin yon. " he said amused. Nag smile lang uli ako. I don't know but it feel so different now everytime I'm with Zion. Iba kasi yung sayang nararamdaman ko. He makes my heart flutters in everything he does making me speechless everytime.
Pareho kaming naka focus sa screen ng mag start na yung movie. But we also glance at each other from time to time and smile. We had nachos and ice tea, instead of popcorn and cola.
Alam ko na matagal na kaming mag kakilala pero hindi ko inaasahan na magiging ganito ako ka comfortable kasama siya.
He's such a gentleman.
Pagkatapos naming manood ng sine nag tingin tingin lang kami sa department store. Nag stop kami sa accessories section.
" bagay ba ? " tanong ko while putting a ribbon on my hair.
Nag smile muna siya sa akin bago sumagot. " bagay naman lahat sayo." at syempre kilig na kilig na naman ako sa sinabi niya.
" This. " he muttered nang ilagay niya yung flower crown sa ulo ko. Halos hindi ako makahinga sa sobrang lapit namin. Zion wasn't tall but his height is perfect match to me. Hindi ko maiwasan na mapatingin sa lips niya habang inaayos niya yung pagkakalagay ng flower crown sa ulo ko. It was in my eye level. Its not thin but not thick either its just perfect. But actually everything is perfect for me when it comes to Zion. And then his gaze met mine. His eyes looked innocent and sincere.
" ah " I was speechless again so I turn around and look at the other way.
" kung mag salamin din kaya ako" I took one of the eyeglasses at isinuot iyon. " bagay ba? " I asked cheerfully.
Zion looked at me with a serious face. He even put his hand on his chin.
" how did you do that? " seryosong tanong niya.
" ang alin? " takang tanong ko naman.
" to look great in everything. "
And again he leaves me speechless with his remarks. Pinagsisihan ko na talagang ngayon ko lang tinanong si Zion kung kelan niya ba ko liligawan dahil kung siguro noon ko pa ginawa yon dapat boyfriend ko na siya ngayon hindi ko na kailangan mag intay ng isang buwan para sagutin ko siya.
Na pa pout na lang ako. I couldn't say anything. I pay for the glasses na lang sa counter at isinuot na rin iyon hindi lang dahil sa sinabi ni Zion pero dahil na rin sa feeling ko, naka "couple thingy" kami.
We walk side by side nang mapadaan kami sa isang icecream parlor ay naalala ko bigla yung text ni kuya Migs.
" gusto mo mag icecream? " tanong sa akin ni Zion. Napansin niya siguro na nakatingin ako don.
" oo sana. " sagot ko. Ayoko din naman na gawin niya lang ang isang bagay dahil gusto ko.
Nag order kami ng icecream ang akin strawberry flavor tapos yung kanya vanilla.
" wala ka bang ibang gustong kainin? " tanong niya habang iniintay namin yung order namin.
" wala naman, ikaw hindi ka ba nagugutom? " Kanina pa rin kasi kaming mag kasamang 4 at simula non hindi pa kami kumakain ng matinong pagkain, halos puro snacks lang.
umiling ito tapos ngumiti. " hindi, kasi makita lang kita pakiramdam ko busog na ko. Dito." sabay turo niya don sa kaliwang dibdib niya. Napanganga na lang ako sa narinig ko. My goodness!
" alam mo bolero ka din " hindi ko maiwasang nasabi ko. Tapos nginitian niya lang na naman ako.
" anong nagustuhan mo sa akin? "
" ha? " medyo hindi ko inaasahan yung random question niya.
" lahat. " siguradong sagot ko." paanong lahat? " curious na tanong niya.
" ahmm.. " nilaro laro ko yung icecream sa harap ko gamit yung kutsara ko habang nag iisip kung paano ko ba sisimulan.
" Dati akala ko, natuwa lang ako dahil sa kabutihan na pinakita mo sa akin nung first year pa tayo. Remember nung inoffer mo sa akin yung seat mo? " I see the recognition in his eyes tapos nag nod siya. " dahil don gusto kong maging close sayo at maging kaibigan ka kaya lang masyado kang tahimik kaya hindi na lang kita ginulo. Pero araw araw pa rin ako gumagawa ng paraan para mapansin mo ko. Hindi ko rin sure kung kailan nag start basta nangyari na lang. You looked perfect into my eyes. Simula sa dark eyeballs mo, sa lips mo na nag ha heart shape kapag naka smile ka. Sa pagiging serious at focus mo sa mga bagay bagay. Sa loyalty mo sa friendship niyo ni Kai. Lahat yun hinahangaan ko sayo. "
" salamat. " he said sincerely, he smiles that reaches his eyes.
" ano namang nagustuhan mo sa akin? Kung hindi ba kita tinanong kung kailan mo ba ko balak ligawan, liligawan mo ako? " bigla ko kasing naalala yung sinabi ni Kai. Na dahil mabait si Zion kaya ginawa niya yung gusto ko. Na kaya lang niya ko niligawan dahil sa sinabi ko.
Matagal bago siya sumagot, nakatingin lang siya sa akin. Ewan ko ba. Kanina lang ang saya saya ko,tapos ngayon parang kinakabahan ako, parang bigla na lang akong nakaramdam ng takot. Minsan kasi talaga parang hindi pa rin ako makapaniwala. Natatakot lang siguro ako na baka hindi totoo ang lahat ng ito. Baka nga tama si Kai na napipilitan lang si Zion.
" Pinagsisihan ko na naging duwag ako. " Iyon pa lang yung sinabi ni Zion pero pakiramdam ko tumigil na saglit yung pagtibok ng puso ko.
" Gusto kita kasi, matapang ka at totoo ka sa sarili mo. Na kaya mong sabihin kung ano man ang nasa isip mo at nararamdaman mo. Natakot ako na baka hindi ako karapat dapat para sayo." Halos hindi naman ako makahinga sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa ginagawang pag amin ni Zion.
" Jiana Celestine, sorry kung pinaghintay kita. "
BINABASA MO ANG
Modern Cinderella
Teen FictionLife is not a fairytale but I will insist a happy ever after. ... School RomCom