M.U. or Mutual Understanding is the kind of relationship, Zion and I have right now. We are not yet official but we're getting there. At siguradong sigurado ako don.
Monday feels na naman. Feeling lazy? of course not. Excited kaya ako laging pumasok, syempre makikita ko na naman kasi si Zion, my prince.
Sinuklay suklay ko muna yung buhok ko gamit ang kamay ko ng makarating ako sa may pinto ng classroom namin. Pinractice ko pa yung smile ko bago ako tuluyang pumasok.
" hi. " Lena greeted me with a meaningful smile. And I just give her a wink at nag diretso na ko papunta sa upuan ko.
" Hi. " Zion said while raising his hand awkwardly ng dumaan ako sa harapan niya.
" annyong!. " I cheerfuly greeted him back tapping the hand he raised, giving him a high five.
Sorry na, medyo may hangover pa kasi ako sa panonood ko ng kdrama kagabi.
Nag smile din ako kay Kai but he just give me a smirk, I just shrugged it off. Siguro nga nagseselos lang siya dahil noon laging sila ni Zion ang mag kasama pero ngayon ako na ang laging kasama ng bestfriend niya.
" class, I want to remind you about the PTA meeting on Friday. I expect all your parents to be there. No excuses. " Sabi ng adviser namin na nag pa iba ng mood ko. Automatic na napatingin ako kay Jayden. And he just give me that "WTH is your problem!" look.
Ako lang ba talaga?
Buong klase akong nag aalala para sa gaganaping PTA meeting sa friday. Wala kasing may alam ng tungkol sa family background ko, maliban na lang kay Lena. I have a bad feeling about this. Ayoko maulit na naman yung nangyari nung elementary ako. I was bullied because of my family background.
" Ayos ka lang? " tanong sa akin ni Zion.
" ha? ah.. oo. " I said ng wala sa sarili.
" sigurado ka ba? Ihahatid na kita." concern na sabi niya.
Napangiti naman ako dahil sa pag aalala niya. Hindi talaga ako nagkamali na magkagusto sa kanya. He's so caring.
"Hindi na. Okay lang talaga ako. " sabi ko at pilit na ngumiti. Na ba bother pa rin kasi talaga ako.
Hindi na rin naman siya nag pumilit. Bakit ganon kapag sobrang saya mo bigla na lang may darating na problema. Alam ko na wala pa naman, pero masama talaga yung kutob ko parang siguradong sigurado ako na may masamang mangyayari.
Pag uwi namin hindi ko muna sinabi kay mama yung tungkol sa PTA meeting, sa Friday pa naman kasi yun. Ewan. Basta ayoko munang sabihin.
Nag laro na lang muna ako ng Everwing para mawala sa isip ko yung tungkol sa PTA meeting.
Malapit ko na ma beat yung high score ng may bigla namang tumawag. I almost cursed to the caller when I saw Zions cute picture appeared on my phone. Na palihim kong kinuhanan noong nag " date " kami.
" hello " mahinhing sabi ko.
" naistorbo ba kita? " muntik na kong masamid sa tanong niya.
" hindi naman. Bakit ka napatawag.? " I asked.
" to make sure na you're okay. Buong klase kasi tahimik ka. May problema ba? "
" Ha? " medyo nagulat ako. He really cares. At sadyang kinilig ako dahil don.
" ah, okay lang ba na itanong ko yon. " medyo hesitant na sabi niya. Minsan nagugulat ako sa mga pinapakita ni Zion but I am sure he is still the Zion that I know. Yung mahiyain at reserved na Zion.
" I'm okay. really. Thank you ha. " I lied a little. Ayoko naman kasi na mag alala siya masyado. Hindi pa nga official na kami pag poproblemahin ko na agad siya.
" Thank you? para saan? " he asked.
" For the concern. Pinakikilig mo naman ako masyado e. " hindi ko napigilang masabi. Gusto kong makita yung reaction niya. Sigurado ako na nag ba blush siya. He always blush kapag humihirit ako ng mga ganon. At ang cute cute niyang tingnan. He's so squishy.
" hello andyan ka pa ba? " I asked ng hindi siya mag salita.
" yes. "
" don't worry na, okay lang talaga ako. Thanks ha. Ily. "
" Ha? Ano yung sinabi mo? " gulat na tanong niya.
" Thank you? " I said biting my lower lip. Minsan ang sarap kasi asarin ni Zion.
" No. Hindi yun. Yung isa pa. "
" alin? " patay malisyang tanong ko.
" ah. wala di bale na lang. " his voice sounds a little down than usual. Ang naughty mo talaga Jiana Celestine.
" I - L - Y. I like you. " sabi ko then ended the call.
…
" sino nga pala aattend sayo sa PTA meeting? " tanong sa akin ni Lena. Nasa Gym kami para sa P.E. class namin pero wala naman kaming ginagawa. Basta sinabihan lang kami na maglaro, parang elem lang e.
" si mama. " walang ganang sagot ko.
" same din kay Jayden? " kinikilig na tanong niya ulit. Napa pout naman ako. I hate that idea. Ewan ko ba pero it scares me kapag napag uusapan yung connection namin ni Jayden.
" whats with your face? " takang tanong ni Lena.
" wala. " sabi ko sabay buntong hininga. Hindi naman na pinansin ni Lena yung reaction ko.
" Bakit di mo ata ka buntot si Zion? " pag iiba niya ng topic. Nagpalingon lingon pa siya para hanapin si Zion.
" na kay Kai. "
" Oh!. maarteng sabi niya.
Alam mo ba I have this feeling na nagkakaron ng selosan factor between the three of you." ma kahulugang sabi niya.
" napansin mo rin.? " sunod sunod yung ginawang pag tango ni Lena.
" normal lang naman siguro yon, na mag selos si Kai. " patuloy ko.
" wow ha, ang haba ng hair. "
" anong sinasabi mo? " clueless na tanong ko. " ano namang kinalaman ng length ng hair ko sa pagseselos ni Kai? Syempre, magseselos yung tao kasi parang inaagaw ko sa kanya yung bestfriend niya. "
" ha? " nakakunot noong tanong niya. " what I mean is, si Kai at ikaw. " nginuso pa niya ako.
" what? hindi kita maintindihan."
" hindi mo ba napapansin, may gusto kaya sayo si Kai. "
" imbento ka, alam mo ang imposible niyang sinasabi mo. "
" basta pupusta ko, may gusto sayo si Kai. "
" wala. "
" 100 pesos, meron. " napailing na lang ako dahil ayaw niya talagang mag patalo.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.