III.

13 2 0
                                    

" san ka ba nagpunta kahapon? " tanong sa akin ni Lena.

" ha? ahmm... may  pinabili kasi sa akin si mama " sabi ko tapos binuksan ko yung bag ko at nagkunwari na may hinahanap ako.

Ayoko naman kasi talagang mag sinungaling kay Lena kaya lang kasi, hindi pa kasi ako handa na may maka alam tungkol sa buhay ko. I don't want a complicated life.
" ah, sabay tayo mamaya ha. "

" ha!. " napatigil ako sa ginagawa ko. tssk paano na.

" ang laki ng reaction mo girl. "

" a. e. ano kasi, ahmm... 

I bit my nails, hindi ko kasi alam kung anong idadahilan ko, hindi naman kasi ako sanay mag sinungaling eh. Tiningnan naman ako ni Lena nang nagtataka.

" are you hiding something from me? " she asked pouting.

I didn't know how to answer her kaya na pa pout na lang din ako.

" ok. Kung ayaw mo talagang sabihin ok lang.  Basta ba hindi ka nag d drugs ha. " nakangiting sabi niya.

Kaya kami bestfriends ni Lena, we're both cool. We respect each other privacy. Hindi kami nosy pagdating sa private life ng isa't isa.

" thank you. " I hug her.

" Yuck.. ang cheezy nyo, hindi bagay. " sabat ni Kai.

We both glare at Kai.

" Hi Zion! " bati ko kay Zion na kadadating lang din.

" Hi. " tipid na sagot niya pero sapat na para kiligin ako ng sobra.

" Sabay tayo mag lunch mamaya, pwede? "  tanong ko.

"ha? ah... sige. " tipid na sagot niya.

" sama ako dyan. " sabat naman ni Kai.

" hindi pwede. Strictly for the two of us lang.  " mataray na sagot ko.

" hayaan mo na sila Kai. Epal ka masyado e. " sabi naman ni Lena

" Zion " hinging tulong  ni Kai kay Zion.

Napasimangot naman ako dahil alam ko naman na ibang level ng friendship meron yung dalawa.

" next time ka na lang sumama Kai. "

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko, tinangihan niya si Kai. Oh My gee, counted ba to as points?

Sumimangot si Kai tapos padabog na nilagay niya yung bag niya sa upuan niya tapos bigla na lang umalis, binagsak pa nga nito yung pinto.

"problema non? " tanong ni Lena.

I just shrugged. Malay ko ba.

Nang dumating yung homeroom teacher namin inayos na yung seat plan.

Ina-arrange kami alphabetically kaya naman nagkahiwalay na kami ni Lena.

Nasa last row ako katabi ko sa left ko si Kai tapos sa right naman si Jayden buti na lang sa unahan ko pa rin nakaupo si Zion. Destined talaga kami.

Last subject na namin bago mag lunch, I was silently praying na sana bumilis yung oras o kaya naman maaga kami palabasin ng teacher namin. Excited na kasi ako na mag lunch kasama si Zion.

" Sato " tawag sa akin ni Kai.

" Ano? " iritableng tanong ko.

" wag mong ma rape rape si Zion. Baby pa yon. " banta niya sa akin.

" ewan ko sayo. Bading ka ba?  Bakit ba dikit ka ng dikit kay Zion." inis na sabi ko.

" bading ka dyan, halikan kita dyan. "

" ewan ko talaga sayo, bakit ba kayong mga lalaki pag nasabihan ng bading lagi na lang si mang hahalik. "

" eh sa iyon yung sagot don. "

" ah ewan sayo. "

Walang kwentang kausap.

Tinalikuran ko siya kaya naman napa harap ako kay Jayden. Awkward. Kaya naman na pa straight face na lang ako. And that was the best idea, kasi kahit batok pa lang ni Zion yung nakikita ko kinikilig na ko.

At nang mag bell na agad akong tumayo.

" Zion " sabay na tawag namin ni Kai. Nagkatinginan kami at nagsukatan ng  tingin at ako na yung unang bumawi kasi wala naman siyang kwenta, mas gusto kong tingnan si Zion.

" mag ingat ka dyan sa Hapon na yan " sabi ni Kai tapos umalis na.

" tara na? " tanong ko kay Zion.

" tara. "

"goodluck girl. Fighting!" sabi ni Lena ng dumaan kami at nag fighting pose lang ako bilang sagot.

Sabi ko mag lunch out kami at pumayag naman siya. Ayoko kasi sa school canteen kasi crowded tyaka baka sumingit lang yung asungot na si Kai.

Tahimik lang kaming kumain.

Ang gentleman niya pinauna pa niya kong makaupo tapos ikinuha pa niya ko ng tubi, self service kasi dito. Mas lalo lang tuloy akong naiinlove sa kanya.

Ang saya saya ko, nang matapos kaming kumain nag lakad na kami pabalik ng school.

Nung nasa waiting sched na kami sa tapat ng school, tumigil kami kasi naka green light.

" Zion "

" bakit? "

" may sagot ka na ba sa tanong ko? "

" aling tanong? " medyo naka kunot ang noong balik tanong niya.

" yung... yung tanong ko kung kailan mo ba ko liligawan. "

Halata kong nagulat siya don sa tanong ko. Nakatingin lang siya sa akin at hindi ko mabasa kung ano yung nasa isip niya. Bigla na lang kasing kumunot yung noo niya.

I chewed my lower lip habang hinihintay ko yung sagot niya. Panay rin ang laro ko sa huling butones ng blouse ko habang nakayuko.

Alam ko na nakakahiya, pero ayoko naman na pagsisihan sa huli na wala akong ginawa. Kahit na nga pakiramdam ko ang desperate ko na.

" itigil mo na yang ginagawa mo. Masasaktan ka lang. " sabi niya. He's voice was soft na para bang ayaw niyang masaktan ako pero hindi niya alam sinasaktan na niya ko. 

He rejected me.

I bit my lower lip hard to stop my lips from quivering. Halos hindi ako makahinga sa pag pipigil ko na wag umiyak.

" sabi ko na masasaktan ka lang. " ulit pa niya tapos inabot niya sa akin yung panyo niya.

Nag tataka man ay inabot ko na rin yung panyo niya. Wala naman akong luha dahil pinipigilan ko nga na maiyak. Sobrang nakakahiya naman kung iiyak pa ko sa harap niya.

I was holding his handkerchief tight ng kunin ulit niya ito sa akin. And I was frozen ng idampi niya ito sa lips ko. Sobrang lapit kasi ng muka niya sa muka ko. Halos mag ka height lang kasi kami, matangkad lang siya sa akin ng konti.

" sabi sayo masasaktan ka lang, bakit mo ba kasi kinakagat yung lips mo. " sabi pa niya habang madahan na pinepress ng panyo yung lips ko.

" don sa tanong mo kung kelan ba kita liligawan... he pause tapos nilagay niya na yung panyo niya na may dugo galing sa lips ko sa bulsa niya .

hindi kasi ako marunong manligaw.

Paano ba manligaw? "

Paano ba manligaw? "

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Modern Cinderella Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon