" will you stay out of trouble. "
Inis na sabi niya ng makarating na kami sa bahay.
"sana hindi ka na lang naki alam"
Kung magagalit lang din pala siya sana hindi niya na lang ako tinulungan. Kasalanan ko ba na awayin ako ni Kai. Tsaka kilala ko naman si Kai hindi naman siguro niya intention na saktan ako. Paranoid lang at sobrang protective yun pag dating kay Zion.
" wow ha, you're welcome. " sarcastic na sabi pa niya.
Kung malalaman siguro niya na pinagtatanggol ko si Kai lalo pa siguro siyang nagalit.
" nag aaway ba kayo? " tanong ni kuya Migs na kababa lang.
Wala sa aming dalawa ang sumagot. Nag diretso na si Jm sa kwarto niya ng hindi man lang pinansin si Kuya Migs.
" ano? " tanong sa akin ni Kuya Migs.
" hindi. " tipid na sagot ko.
" ang awkward niyong dalawa, para kayong laging may lq. "
" anong lq, kilabutan ka nga dyan sa mga sinasabi mo. "
" inuunahan ko na kayo, bawal ang incest dito. "
Grabe. Kung anu ano talagang pumapasok sa isip nang bakulaw na to. Kapapanood kasi ng R18 na anime. Nakita ko kasi minsan yun sa history sa laptop niya ng hiramin ko yung laptop niya. Kadiri.
" ang dumi ng isip mo, dyan ka na nga. " aakyat na sana ko sa kwarto ko ng mag utos na naman ang bakulaw.
" oy igawa mo muna ako ng miryenda. " habol niya.
" ayoko nga. Asan ba si mama? "
" wala nag grocery. Ikuha mo na lang ako ng cereals sa kusina. " utos pa rin niya.
Para wala na lang gulo sinunod ko na lang din siya. Tyaka may magagawa ba ko e mas matanda siya sa akin.
" damihan mo ng gatas ha. " sigaw pa ni kuya Migs mula sa sala.
Hay ang tamad talaga ng isang yon. Tapos ang takaw takaw pa kaya naman nagiging bakulaw.
" ito na po mahal na hari. " sabi ko pagkalagay sa lamesa ng cereals na pinakuha niya.
" kaya naman tumataba, ang takaw kasi. " bulong ko pagkatalikod ko.
" ano? narinig ko yon ha. anong taba ang sinasabi mo may abs to no. " sigaw niya.
Lumingon ako para mag belat at talagang tinaas pa niya yung t shirt niya at tinapik yung tyan niya. Ang kapal. abs daw baka tabs.
Nag punta na ko sa kwarto ko, pagkababa ko ng gamit ko kinuha ko agad yung cellphone ko at tinawagan si Lena.
Nakita niya kami kanina ni Jm sa school at mukang gulat na gulat siya. Hindi naman ako makapag explain dahil hila hila nga ako ni Jm.
Naka ilang dial na ko pero hindi pa rin niya sinasagot yung tawag ko. Kaya naman tinext ko na lang siya.
to : Lena
magkita tayo bukas sa cafe sa dati pa rin. I'll explain everything.send.
Padapa akong nahiga sa kama ko at inintay yung reply niya. Maya maya ay tumunog na yung cellphone ko, agad ko naman yun tiningnan. But it was unregistered number.
from: +639301122017
kailangan ko bang gumawa ng fb para mag chat tayo?
Kahit hindi nagpakilala yung sender siguradong sigurado ako kung kanino nang galing yung text.

BINABASA MO ANG
Modern Cinderella
Teen FictionLife is not a fairytale but I will insist a happy ever after. ... School RomCom