" Problema mo. " iritang sabi ko kay Kai habang sinasara yung bag ko.
Ginagawa niya kasing basurahan yung bag ko. Nakasabit kasi sa upuan sa unahan ko yung bag ko, nakalimutan ko kasi yung isara kanina. Tapos panay ang shoot ni Kai ng nilamukos na papel sa bag ko.
Hindi naman niya ako pinansin, hinila niya yung zipper ng bag ko kaya bumukas uli iyon tapos patuloy na naman siya sa pag shoot ng papel. Yung pag shoot niya parang kala mo naglalaro talaga siya ng basketball may pag ngusonguso pa nga siyang nalalaman.
Tinangal ko yung mga papel na nilagay niya sa bag ko tapos nilagay yun sa desk niya. Sinara ko yung bag ko at nilagay sa baba sa gilid ko para hindi na niya mapag diskitahan.
Pag tingin ko kay Kai ang sama ng tingin niya sa akin. Aba at siya pa talaga ang may balak magalit.
Hindi ko na lang siya pinansin. Nagsimula na kong kopyahin yung mga sinusulat ni Sir sa blackboard.
" shoot to kill. " bigla na lang may nagliparang mga papel sa akin.
Isa isa kasing pinitik ni Kai yung mga papel na nilagay ko sa desk niya papunta sa akin.
Sa sobrang inis ko ay hindi na ko nakatiis at sinabunutan ko siya.
" ouch. aray, wag yung buhok ko. " sabi niya habang pigil pigil yung kamay kong nakahawak sa buhok niya pero hindi ko talaga yun binitawan, sobrang gigil na gigil talaga ako kay Kai.
" Sato. Ramirez. To the guidance office. Now. " Napatigil ako sa pag sabunot kay Kai at pagtingin ko sa unahan. Yung galit na galit na muka ni Sir Malveda yung nakita ko. Kulang na lang ata umusok yung ilong niya sa sobrang galit.
Hindi ko talaga alam kung anong masamang espirito ang sumapi dito kay Kai para pag tripan niya ko ng ganon. Dati pa naman kami nag aasaran pero hindi umabot sa ganito.
" Hindi dapat kayo nag aaway, hindi na kayo mga bata may mga isip na kayo. Ikaw Ramirez, itigil mo na yang pagiging magulo mo. At ikaw naman Sato kababae mo pa naman din na tao nanakit ka. Being violent don't bring anything good. And as your punishment, lilinisin nyo yung cr mamayang uwian. "
" Sir. " sabay na sabi namin ni Kai.
" Its final. And please reflect on your actions. Ok. " sabi ni Sir with hint of finality.Tumayo na ako at nag paalam kay Sir at bumalik ng classroom, kasunod ko si Kai, hindi naman na niya ko ginulo.
Ito ang unang pagkakataon na ma guidance office kami dahil sa pag aasaran namin. Siguro na timingan lang din na mapansin kami ng teacher namin napasobra din naman kasi yung pag hila ko sa buhok ni Kai.
Pagbalik namin sa classroom wala pa yung next subject teacher namin kaya naupo muna ako don sa tabi ni Lena.
" anyari sa inyo ni Kai? " tanong niya.
" ewan ko don, ang kulit kasi e, kakainis. "
" hindi ka na nasanay " komento ni Lena nag shrug na lang ako.
" maiba naman, so... ano na kayo ni Zion? " kinikilig na sabi ni Lena.
" diba sabi mo nga, dapat paghirapan niya yung " oo " ko. " I said making an imaginary quote sign in the air to the word oo.
" true. i - ask ko din kaya si Jayden na ligawan ako.? "
muntik na kong mahulog sa kinauupuan ko sa sinabi ni Lena.
" iba si Zion, kay Jayden, iba na lang kaya ang gawin mong crush." suggest ko na lang.
" bakit parang ayaw mo kong suportahan sa pagkaka crush ko kay Jayden. " may himig ng tampo na sabi niya.
BINABASA MO ANG
Modern Cinderella
Teen FictionLife is not a fairytale but I will insist a happy ever after. ... School RomCom