Sobrang lakas ng tibok ng puso ko nakakahiya yung ginawa ko pero kailangan talaga. Last year na namin to sa highschool kaya dapat all out na ko.
Hayst! Kaya lang malas naman bigla na lang nag bell kaya hindi ko nakuha yung sagot niya.
Si Zion kasi pag nasa loob na kami ng classroom hindi mo na siya makausap, sobrang focus niya lang sa studies niya.
" Grabe Sato ibang level ka na. " tukso sa akin ni Lena.
" shh. wag ka nga, nakakahiya nga eh. "
" nahiya ka pa sa lagay na yon ha, eh bakit kaya hindi na lang ikaw yung manligaw sa kanya. "
" ha? " medyo nagulat ako don sa suggestion ni Lena ang totoo kahit naman lagi akong nag papansin kay Zion hindi naman pumasok sa isip ko na ako ang manligaw sa kanya, babae pa rin naman ako.
Tumawa naman si Lena sa reaksyon ko.
" ang OA ha. " sinundot niya ako sa tagiliran ko.
" kayong dalwa kung mag usap kayo parang wala sa unahan niyo yung pinaguusapan niyo. " sabat naman ni Kai na nakaupo sa unahan ni Lena.
Yas! truth to be told, nakalimutan ko na sa unahan ko nga pala naka upo si Zion. And his ears are cherry red right now.
Tumahimik kami ng dumating na yung teacher namin sa physics.
" class I want you to get 1/4 pc. of paper and write your name. I will make your groupings for your lab class. "
" Zion "
Pagtawag ko pa lang sa pangalan niya inabutan niya na agad ako ng papel ng hindi man lang lumilingon.
" so your 36 in the class. " sabi ni Mrs. Marco nang ma ipass na namin lahat yung papel namin.
" I will group you into six with 6 members each. " sabi pa niya while shuffling the papers.
Ang swerte ko lang talaga.
" Ang swerte mo, ka group mo si Jayden " malungkot na sabi ni Lena.
Mukang crush ni Lena yung new student.
" Oo ang swerte ko talaga, mag ka group kami ni Zion. Meant to be talaga kami. "
" hayst " Lena sigh soundly.
" ang malas ko naman, ka group ko na si Kai, ka group ko pa yung maarteng yon. " tukoy niya don sa classmate namin na wala atang ginawa kundi mag powder every end of subject.
" GL na lang sayo girl. " I tap her shoulder bago ako mag punta sa ka group ko.
" So sinong leader natin? " tanong ni Zion sabay adjust nung salamin niya. Lagi kasi siyang naka tungo kaya iyon bumababa yung suot niyang salamin.
" ikaw na lang. " sagot ko.
" ha? bakit ako?"
" edi si Jayden na lang. " sabat naman ni Shana one of those powder girls.
" Si Zion, siya ang top 1 ng class natin, kaya dapat siya . " nakasimangot na sabi ko kay Shana.
" galing sa private school si Jayden kaya sigurado ako na matalino din siya. "
" malay mo pa, hindi naman lahat ng galing sa private school matalino. "
" basta. ang boring naman ni Zion eh. "
" huh, bakit party ba to. Physics class kaya to. "
" tumigil na kayo. " sabi ni Zion
" lets just vote for the group leader" sabi naman ni Jayden.
" see. nag i english siya, matalino siya. "
" huh. hindi porke nag eenglish matalino. Bobo kasi, natabunan na kasi ng powder yung utak. " bulong ko.
So we ended by voting for our leader at syempre si Zion yung nanalo. He got 5 out of 6. Si Shana lang ata yung nag vote don kay Jayden. At dahil si Zion ang leader ako yung assistant leader niya nag volunteer na ko.
Kahit first day pa lang yun ng class ang dami pa rin naming ginawa. Ganon naman talaga ata sa Science Public School.
" Sabay na tayo umuwi. " sabi ni Lena habang inaayos niya yung gamit niya.
" Ok. "
Tumayo na ko at isinabit na yung bag ko sa likod ko.
" hoy, Sato wag ka munang umuwi manood ka muna ng practice namin " sabi naman ni Kai habang hawak hawak yung handle ng bag ko.
" ano ba, bakit naman kita papanoorin "
" kasi... syempre.... he keeps on twitching his lips while thinking of a reason
gusto ko. "
Iyon talaga yung naisip niya. Sa palagay naman niya manonood ako dahil lang gusto niya.
" ano ka sinuswerte. " sabi ko sabay tanggal don sa kamay niyang nakahawak sa bag ko.
" tara na Lena "
" Zion, sabay tayo umuwi. " Napatigil naman ako ng marinig ko yung sinabi ni Kai.
" What? " tanong ni Lena.
" manood nga kaya muna tayo ng basketball practice? "
" SATO! "
8 Pm pa kasi natatapos yung basketball practice.
Magka hawak yung kamay namin ni Lena habang pa sway sway pa habang nag lalakad kami palabas ng school. Oo. HHWW. Dahil wala pa kong boyfriend si bestfriend muna yung ka HHWW ko.
" San kaya nakatira si Jayden "
Napatigil ako at napabitaw sa kamay ni Lena.
" mauna ka na palang umuwi Lena. " takang napatingin siya sa akin.
" hwag mo sabihing manunuod ka pa ng basketball practice. " nagdududang sabi niya.
" ha? hindi. May pupuntahan pa pala ako. "
" Sama ko. "
" hindi, hwag na, mauna ka na. " tinulak ko na siya pauna para hindi na siya makapag tanong pa.
Shit! Nakalimutan ko.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.