Zion really have the talent to make my heart 두근두근 ( dugeun dugeun).
Simula ng mag high school ako wala ng tumawag sa akin ng pangalan ko, lahat sila tinatawag ako sa surname ko kahit nga si Lena na bestfriend ko Sato ang tawag sa akin.
My name sounds special just hearing it from him. He make it even more special calling me Jiana Celestine because he's the only one who address me with my fullname. My mother and stepdad call me Celestine and my two evil stepbrother just call me "psst" or "oy ".
I smile at Zion when he looked at me.
" ako na ang magdadala ng gamit mo." sabi ni Zion
" ewan ko sa inyong dalwa. " Kai walked out with unreadable facial expression.
Halos nakalimutan ko na andon pa pala si Kai.
Zion had my bag in his front while his was at his back. Dati na aartehan ako sa mga babaeng nagpapadala ng gamit sa mga boyfriend nila pero ngayon naiintindihan ko na. It makes you feel so girly, nakaka haba ng hair. But its more than that, you'll feel so special because he cares na ayaw ka niyang mapagod kahit sa maliit na bagay. Effort. It really counts.
Oh shit! Nakalimutan ko na naman.
" okay na ko dito. " sabi ko kay Zion ng makarating kami sa gate ng school.
" ha? pero diba dapat hanggang sa sakayan ng jeep. " takang tanong niya.
" hindi na, okay na dito. Pupuntahan mo pa si Kai diba. "
" Oo " he said unsure.
Kinuha ko na yung bag ko at sinabit yun sa likod ko.
" thank you. " nakangiting sabi ko.
" para saan? " inosenteng tanong niya.
" Sa pag hatid sa akin. Sa panliligaw mo sa akin. Thank you. I'll make sure na hindi mo yon pagsisihan. "
" You don't have to say thank you. Because I like you, Jiana Celestine."
One day pa lang, pwede bang sagutin ko na siya? Nagwawala na naman yung puso ko. Sigurado ba talaga siyang hindi siya marunong manligaw.
Sobrang speechless na talaga ako. Kaya nag ba bye na ako. Baka kasi pag nagsalita pa ko. Oo na agad yung masabi ko kahit hindi pa naman siya nag tatanong.
Nang hindi ko na matanaw si Zion ay tsaka lang ako tumawid.
" oy, bakit ba laging ang tagal mo lumabas. "
Hindi ko siya pinansin at kinuha ko na yung helmet na nakapatong sa motor niya at saka sumakay.
Pagdating namin sa bahay ay agad akong nag diretso sa kwarto ko. Nagbihis na ako ng pambahay pagkatapos ay ginawa ko na yung assignments ko. At ng 7 na bumaba na ko para kumain ng hapunan.
" psst, paabot ng baso. " utos sa akin ng bakulaw kung stepbrother.
Sinunod ko na lang para wala ng gulo.
" Oy, stop making me wait or iiwan talaga kita. " sabi naman nung isa pang higante ng dumaan ako sa tapat niya.
" kaya ko naman umuwing mag isa. " bulong ko.
Halos 6 months ng kasal si mama kay tito James. Mabait naman si tito James siya nga ang nagpapa aral sa akin ngayon. Simula kasi nang mag pakasal sila nag stop na sa pag wowork si mama. May dalwang anak na lalaki si tito, yung panganay 19 yrs old siya yung bakulaw na mahilig mag utos. Tapos yung isa 16 yrs old katulad ko. Nag transfer siya sa school na pinapasukan ko dahil kailangan mag adjust financially ni tito. Dalawa nga naman kaming dumagdag sa family nila. Nasa 3rd yr. collage na kasi si kuya. Kuya naman talaga ang tawag ko sa kanya dahil mas matanda siya sa akin. Pero bihira ko lang siya tawagin ng kuya dahil madalas naman wala siya dito sa bahay nag do dorm kasi siya pero sa August pa kasi yung pasok niya. Tapos si Jm naman 4th yr. highschool din katulad ko. Dati sa private school siya napasok. Hindi kami close ang awkward lang kasi pare pareho na kaming may mga isip. After 16yrs bigla na lang akong mag kakaron ng kapatid. diba.
" okay ka lang ba sa school ni Celestine? " tanong ni mama kay Jm.
Tumango lang ito bilang sagot. Awkward pa din talaga kaming lahat pag dating sa bahay.
" mag ingat ka sa pag ddrive mo ha. " paalala naman ni tito kay Jm.
" I'm not a careless driver dad. " sagot niya.Medyo may attitude kasi tong si Jm.
" Migs how about your license, na renew mo na ba? "
Kuya Migs has his own car.
" bukas pa po. "
Kuya Migs is alright. Pala utos nga lang talaga at medyo childish palagi kasi niya kong inaasar kapag nakikita niya ko.
" Is Jm okay in school? " tanong sa akin ni tito.
" ha, opo naman. " I said honestly.
We eat like that. Were really like a family having small talk over dinner but the truth is, its still awkward.
…
The next day excited akong pumasok sa school. At pagdating ko sa classroom namin agad kong nilapitan si Lena hindi muna ako nag diretso sa upuan ko, at isa pa maaga pa naman.
" magkwento ka naman. " sabi agad ni Lena pag upo ko sa tabi niya.
" oo na. Pwede bang sagutin ko na agad siya. "
" hala! magpakipot ka naman, kahit na nga technically... ikaw yung nag sabi kay Zion na ligawan ka niya, babae ka pa rin at dapat pinaghihirapan niya yung oo mo. " paalala sa akin ni Lena.
" I know. Kaya lang grabe naman kasi si Zion, wala ng ginawa kundi pa bilisin yung tibok ng puso ko. "
" gaga. " kinurot niya ko sa tagiliran ko.
Hindi ako umalis sa tabi ni Lena hanggang sa hindi pa dumadating yung subject teacher namin. Nag kwentuhan lang kami ng nag kwentuhan.
" Jiana Celestine. "
And my heart starts to beat wildly.
Hindi ko alam kung dahil ba yon sa pag kakasabi niya ng pangalan ko or because of the sound of his deep voice. Zion is not tall but his voice sounds so manly.
I waited for what he will say.
" bagay sayo yung clip mo. " pagkasabi niya non ay nag punta na siya sa upuan niya.
Oh my! And I was speechless.
I cover my face with my hands. And I feel my cheeks heat up.
" Anong ginawa mo kay Zion, Sato? " Lena gushes.
" I told you. Ano sasagutin ko na ba? "
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.