[Your date is my command:Exofanfic]
Hindi ko alam kung pano ko sisimulan yung kwento.....
Okay sige simulan natin sa tanong na "BAKIT?"
Bakit ganun? Twenty-four years old na ako pero wala parin akong nakakadate?
What's wrong with me? Maganda naman ako sabi nila. May magandang trabaho infact kaka-promote lang sakin as Sales Manager. At higit sa lahat WALA NAMAN AKONG CRIMINAL RECORDS! BUT WHY?
Hindi ko talaga maintindihan ang mga taste ng lalaki sa panahon ngayon grrrrrr! Ginagalit nila ako hmp.
Nakakainggit yung mga babaeng Twenty years old palang na-eengaged na tapos ako? Wala manlang lalaki na naglalakas ng loob ayain akong idate=_=!
"So, kumusta naman ang pagiging sales manager mo? Ayiiee~ may kaibigan na akong 'manager' " kaibigan ko
"Okay naman bukod sa mas madali syang trabaho wala pang isturbo......you know.... wala naman kasi akong love life tsss." Umirap ako para ipahalatang "BITTER AKO! WALA KAYONG PAKI"
"Ayown! Eh di lumabas din ang pagiging bittuh mo"
"Oo na ako na ang bitter! Hindi ko lang talaga matanggap ba baka tumanda akong dalaga" pag e-emote ko.
"Tantanan mo na nga yang drama mo twenty-four ka palang hoy! Arte-arte nito." Sanay na akong masermonan nyan kung tutuusin mas malamang pa yung sermon nya kesa sa pag comfort sakin.
"Twenty-four palang, alam ko yun, pero pano naman yung goal ko na mag-asawa kapag twenty-five na ako aber?" Naiinis talaga ako kapag naiisip ko na malapit na akong mag twenty-five pero yung goal kong mag-asawa nakatengga parin.
"Ihahanap nalang ulit kita ng dating agency para mabawasan yang pagka bitter mo" nag search naman daw agad sya cellphone nya.
"Pwede ba? Halos lahat ng match making agency napuntahan ko na, ano? Wala parin namang nangyari diba? Nagmukha lang akong desperada" pagmamaktol ko
Akala naman ng mga lalaking nakausap ko sa mga dating agency nayun ang gagwapo nila para tanggihan ang kagandahan ko. Sukat ba naman isnobin ako at wag piliin bilang date nila at soon to be girlfriend mga itsusero kala naman aarrrgggh!
"Ay teka! *tingin sa wrist watch* gotta go, work hour na namin bye bye kita nalang ulit tayo kapag hindi ka na bittuh" sya at nagmadaling umalis
Ma-late ka sana! Makapanglait na bitter ako paulit-ulit? Pinamumukha nya talagang ang pait-pait ko.
Haist! Lord please bago manlang ako mag twenty-five sana may lalaking maglakas loob na ayain akong i-date. Kahit takas sa mental oh di kaya ex-convict kahit nga pulubi nalang Lord eh papatusin ko na ganun na po ako ka-desperada HUHUHU!
After ng office hour naisipan kong sumimba muna. Madalas naman akong nagsisimba, minsan nga naisip ko na "Mag madre nalang kaya ako? Tutal virgin pa naman ako at wala pang karanasan sa mga lalaki"
Pero ayun gumana na naman ang pagiging ambisyosa ko na someday bago manlang lumagpas ang edad ko sa kalendaryo eh magkaboypren manlang ako kahit isa.
Hindi pa ako nakakapasok ng simbahan may biglang matandang pulubi na humarang sakin. Ang gulo-gulo ng buhok nya at may nakadikit pang mga plastic. Ang dungis dungis din ng mukha nya pati yung suot nya gutay-gutay.
"Hija... pahingi naman akong pera.." sabi nya sabay lahad ng kamay sakin.
Dumukot naman ako ng 50 pesos sa wallet ko at iniabot ko sa kanya.
"Okay na po ba yan?" Nakaka-awa naman kasi si lola asan kaya ang walang kwenta nyang pamilya.
"Naku okay na'to may pang-date na kami ng boypren ko Hohoho~" lolang pulubi at umexit sa harap ko.
BINABASA MO ANG
Your date is my command[Exofanfic]
Short StoryThis story is about a lady who is still waiting for her special someone until one day she met a fairy and become an answer to her dream.