Chapter Five:[Fourth Date]

12 12 0
                                    

[Your date is my command:Exofanfic]

Pag-gising ko medyo masakit yung ulo ko. Ang naalala ko lang bago ako mawalan nang ulirat Hahaha! Uliray talaga. Ah basta naalala ko may malambot na bagay na lumapat sa lips ko.

SA LIPS KO? MALAMBOT?!! OH MY GASSS!

BAKA MINANYAK KO NA NG TULUYAN SI KRISTON.

>_> I feel relieve nang makita kong suoy ko parin yung jersey shirt nya. Whew! Akala ko nakabuntis na ako. Ukinam ako nga pala yun amfs.

Pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig grabeng uhaw ang nararamdaman ko ngayon.

Nanlaki ang mata ko nang makita ko na may lalaking naka upo dun na naka all smile sakin.

Uwaaaah! Self check: Gulo-gulong buhok √ Muta sa mata? √ Tuyong laway? √ na √

Nakakahiya! Baka isipin nito "Ito ba yung babaeng ide-date ko? Ang baboy naman=_="

"Ikaw si......?" Hindi ko pa natitingnan yung mga card. Baata nalang kasi nasulpot ang mga to eh.

"Chandler... hi, iginawa kita ng soup" nginuso nya yung bowl na may soup.

Im stuck between "kakainin ko ba or tatakbo ako papasok ng kwarto?" Kapag siguro ganito ka gwapo ang bubungad sa umaga mo all day na good vibes ang sasalubong sayo.

Yung fairy na naman siguro ang nagpapasok sa kanya dito. Welcome na welcome na talaga yung fairy nayun sa bahay ko. Haist! Hindi ko pa sya nakita ulit.

Nakatitig lang ako kay Chandler na nakangiti sakin. Wag mo naman akong ngitian ng ganyan feeling ko nginingitian nyan ako kasi mukha akong luka-luka sa itsura ko. T____T

"M-maliligo lang ako." Finally nakapili din ako sa choices ko. Nagmadali akong pumasok ako sa kwarto. Wew! Bakit ba kasi palaging epic ang umaga ko?

---------

May driver pala sya... tahimik lang ako habang nasa loob ng kotse. Iniisip ko parin kong anong kahihiyan ang ginawa ko sa harap ni Kriston.

"John, san nga ulit yung lugar?" tanong ni Chandler dun sa driver nya.

"Sa Fibi Sir" tumingin ako sa salamin sa unahan kinindatan ako ng driver ni Chandler.

"Fibi?" nag c-cellphone sya. Dito kami naka upo sa back seat na dalawa.

Binatukan nya bigla yung driver nya.

"Ha?" Ako

"Aray ko sir!" reklamo nung driver nya at nagkamot ng ulo.

"Diba motel yun? Ano namang gagawin namin sa motel? Aish" babatukan nya sana ulit yung driver nya kaso pinigil ko baka kasi mabangga kami kapag natuluyan nya tong driver nya.

Kaya pala kumindat sakin ang mokong na'to kasi kung ano-anong iniisip hmp.

"Sa Fibi ko kasi agad naisip nung sinabi mo na may ide-deyt ka"

"Alam mo ba ang ibig sabihin ng date?" Chandler na mukhang nagtitimpi lang dun sa driver nya.

"Ah....." hindi na ulit umimik yung driver nya baka takot mabatukan ulit. Hahaha!

"Dalhin mo na nga lang kami sa SHUTTAS RESTAURANT!" Inis nyang utos dun sa driver nya.

Nakakatakot naman ang isang 'to. Waaaaah! Namimiss ko ang creepy smile ni Darelle, yung hot at makalaglag panty na ngiti ni King at yung dangerous naughty and sexy smile ni Kriston Hahaha! Dangerous iz real.

*screeeeeeech*

Biglang huminto yung kotse at muntik na akong mauntog buti nalang mabilis ako niyakap ni Chandler.

Your date is my command[Exofanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon