[Your date is my command:Exofanfic]
Nagising ako dahil may naamoy akong mabango. o.-o.o Pagmulat ko nagulat ako kasi may gwapong mukha sa harap ko at ang lapit nya sa mukha ko
Dahil sa gulat ko napabangon ako bigla kaya nagkauntugan kami ng ulo.
"Ouch!" Napahawak ako sa noo ko shette! Ang sakit.Napaupo sya sa sahig at hawak-hawak nya yung namumula nyang ilong.
"Sino ka?" Tumayo ako at tinakpan ang dibdib ko nang unan....
WALA AKONG SUOT NA BRAAA! T__T
"Ako si King yung makakadate mo ngayon" hawak nya parin yung ilong nya, ayy!
Mukhang masakit talaga yung pagkatama nang ilong nya sa ulo ko.
"K-king? Teka ang aga mo naman ata, tsaka pano ka nakapasok sa bahay ko?" nagtataka kong tanong.Bigla namang nagpakita yung fairy.
"Ako ang nagpapasok sa kanya,mukhang napasarap ka sa pagtulog kaya tinanghali kana nang gising." FairyTumingin ako sa relo.........9:35 am na! Hala?!
Anong oras naba ako nakatulog kagabi? Si Darelle kasi eh masyado akong pinakilig kaya hindi agad ako nakatulog.
"Naku! Sorry sige maliligo na ako!"
Nagmadali akong pumasok sa banyo, pinsadya ko talagang magpagawa ng Cr sa kwarto ko minsan kasi dito nagbabakasyon ang pamilya ko eh ayoko na maistorbo kapag gumagamit ako ng Cr.Anyways... ayun nag shower ako, nagsabon nag shampoo at nagbanlaw. No need to hilod wala naman akong mga libag-libag.
Nagtapis lang ako ng tuwalya at lumabas agad ng Cr sa pag-aakalang lumabas ng kwarto si King pero paglabas ko pareho kaming nagulat sa isa't-isa.
"Waaaaaaaaah!" Sigaw naming dalawa.
"Sorry..." umiwas sya ng tingin
"Sige sa labas na kita hihintayin." nagmadali syang lumabas ng kwarto ko.Nakakahiya! Naka hinga naman ako ng malalim nung nakalabas na sya.Highwaist na short lang ang sinuot ko at naka sleeveless na croptop tapos pinatungan ko nalang ng white long sleeve. Sinuot ko yung puti kong rubber shoes.
Pagkatapos kong mag-ayos lumabas ako ng kwarto ko. At nandun si King nakasandal sa pader ng kwarto ko at naka lean yung ulo nya ... gulp!
Napatingin ako sa adams apple nya Waaaaaaah why so hot?Nanginginig yung tuhod ko actually pati dibdib ang lakas ng tibok.
"Hey~" Hahaha sinira ko yung hot angle nya Hakhak
"Oh ready kana pala" tumingin sya sakin jusme feeling ko nakakalusaw ang tingin nya OPPA este ano ba yan feeling teenager ang luka.
Yung feeling na paglabas mo nang bahay pinagtitinginan kami ng mga kapit bahay ko? Feeling ko ang ganda ko sobra mygash!
Ang hot nang kasama ko maglaway kayo! . Pero dinga? Nakakataas pala ng self confidence kapag ganitong ide-date ka ng H.O.T guy.
Kagaya ng pagbukas ng Darelle ng pinto ng kotse sakin ganun din ang ginawa ni King. Ayan naalala ko na naman tuloy si Darelle.Dinala nya ako sa mall, at hawak-hawak nya ang kamay ko.
Takbo dito takbo doon at ang daming nakatingin saming dalawa yung feeling na parang nasa Kdrama kami sya ang hot na leading man at ako ang leading lady nya.
Uwaaaaah! Feel na feel ko naman itong nangyayari sakin. Like sino ba ang hindi magpi-feeling ang hot kaya ni King.
"Gusto mo sa arcade?" Tuwang tuwa nyang sabi. Dahil naglalaway na ata ako sa kanya napatango nalang ako. Seriously? Sa arcade? Hindi pa ako nakakapasok oh nakakapunta ng arcade eversince hindi pa ako nakakapaglaro sa arcade/fun house na yan.
BINABASA MO ANG
Your date is my command[Exofanfic]
Short StoryThis story is about a lady who is still waiting for her special someone until one day she met a fairy and become an answer to her dream.