[Your date is my command:Exofanfic]
Nagising ako dahil sa ingay sa labas ng kwarto ko. Ginalaw-galaw ko ang paa kong may gasa, masakit parin tingin ko lalo pa syanh sumakit.
Tumayo ako para tingnan ko kung ano yung ingay sa labas. Gash ang hirap maglakad kapag isang paa lang ang gamit.
Pagbukas ko nang pinto.............
What the!"Asan na si Bibi? Bibi?! Chuchuchu~" yung matangkad na lalaki at hinalughog ang ilalim ng couch.
"YAHOOOO! ANG LAMBOOOOT!" lalaking maingay na tumalon talon pa sa couch.
Yung isang lalaki busy sa pag aayos ng buhok. Yung isa naman nakatingin lang sa mga kasamahan nya.
Teka? Bakit kasama nina Steven ang apat nato? Sino ba sila?
Hindi nila ako napapansin dahil ang gugulo nila. Pumunta ako sa kusina at may tatlong gwapo pa pala ang nandito.
Si Darelle nagtatadtad ng karne.
Magluluto sya? Pero bahay ko 'to ah.
"Ang sarap ng chocolate ice cream" Xianon nagkalat na yung chocolate ice cream sa bibig nya. Nakikikain din si Lanther sa ice cream.
"Teka? Bakit ako kumakain ng ice cream? *tingin sakin* Nasan ang cr?" Lanther
Nakanganga kong tinuro yung cr.
ANONG GINAGAWA NG DOSENG LALAKI SA BAHAY KO?!
Bumalik ako sa kwarto ko at humiga, ipinikit ko ang mga mata ko baka kasi panaginip lang ang lahat.
Pagkamulat ko lumabas ulit ako ng kwarto.
flushface emoticon lahat sila nakatingin sakin, so hindi panaginip to?
Si Darelle may hawak na kutsilyo, si Xianon bitbit yung icecream at nakalagay ang kutsara sa bibig nya, si Lanther may bitbit na tabo. Si Kriston at yung matary na lalaki naka tingin din sakin (ano bang meron?) Si King nakatopless (Asan ang damit nya?) Si Chandler na gulo-gulo ang buhok at namumula ang tenga (Why?) Si Steven nakatingin sakin na nakapamulsa at namumula ang mukha. Yung matangkad na lalaki may bitbit na aso nakatingin din sakin. Si Clent ang awkward ng ngiti, yung maingay kanina cute na nakatingin sakin, yung mukhang vain na lalaki umiwas nang tingin.
Why are they staring at me like that?
"A-anong ginagawa nyo sa bahay ko?" tanong ko sa kanila para matigil na yung nakakalokang tingin nila sakin.
Sabay silang lahat na yumuko. Tinuro ako nung maingay.
"G......g....." hindi ko sya magets =_=
"Bakit ganyan ang suot mo?" Lanther na nakayuko parin. Bakit ano bang problema sa.......
WAAAAAAH! OO NGA! HALA HALA!
Pumasok agad ako ng kwarto at nilock ang pinto. Pinagpawisan ako nang malapot nakalimutan ko bigla yung sakit ng paa ko.
Naka sleeveless lang ako at .... at...
Bakit ba kasi kailangan pang tanggalin ang bra kapag matutulog na ang isang babae?Paika-ika akong pumunta sa cabinet ko at kumuha ng bra at t-shirt. Hindi ko alam kong lalabas pa ako o wag nalang nahihiya akong humarap sa kanila.
"Uupo ka nalang ba dyan?"
"Ay kabayong bakla!" Nagulat ako kasi sumulpot bigla itong si Fairy."Nakakainis ka!"
"Bakit ano bang nagawa ko?" Inosente nyang tanong.
"Ashushu alam kong ikaw ang nagpapasok sa kanila dito!" Reklamo ko
BINABASA MO ANG
Your date is my command[Exofanfic]
Short StoryThis story is about a lady who is still waiting for her special someone until one day she met a fairy and become an answer to her dream.