[Your date is my command: Exofanfic]
Noong una, akala ko magiging okay na ako kapag natupad na yung matagal ko nang pangarap sa wakas! May nakadate narin ako at maswerte pa dun kasi pwede akong pumili nang isa sa kanila para maging boyfriend ko. Pero Ukinam narealize ko na hindi pala ang pagiging NBSB ang pinakamahirap na sitwasyon kundi ang pumili nang isa sa walong nagagwapuhang lalaki.
Nakatingala ako sa langit haist ang aga-aga nagsi-senti ako.
"Mahirap diba?" Tumabi sakin si Fairy. Nasa labas ako nang bahay at nagmumuni-muni nakaupo ako sa may pintuan habang nagkakape.
"Alam ko namang pahihirapan mo ako" Sabi nya so-solusyunan nya daw ang problema ko pero parang lumala lang ata ang problema ko.
"Lahat naman ng bagay may hinihinging kapalit,consequences kumbaga" Fairy
"Ngayon alam ko na kong bakit pinagkaitan ako ng tadhana na magkaroon ng mga kadate siguro kasi ayaw nya akong pahirapan"
"Madali lang naman ah, you just have to choose one of them and that's it"
"Syempre hindi naman ang nakipag date sa kanila kaya nasasabi mo yan"
"Aishteu! I know they are all deserving pero nag iisa kalang kaya wala kang magagawa kundi ang pumili"
Sino ba sa walo?
"Oh ito regalo ko" inabot nya sakin ang medium size na box.
"Ano to?" Box malang Hahaha
"Buksan mo makakatulong yan sayo"
Pagbukas ko halos maluha na ako sa laman ng box.
"Pano mo'to nakuhanan?"
"Stalker nyo kaya ako, lahat ng date mo kumukuha ako nang memorable moments nyong walo"
Inisa-isa kong tingnan yung mga picture.
First: Picture namin ni Darylle na nakakiss sya sa forehead ko.
Second: Picture namin ni King na nakakiss sya sa pisngi ko ( ang pangit ng reaction ko gulat na gulat)
Third: Si Kriston habang naka piggy back ako sa kanya at yung bag ko nakasabit sa leeg nya (Hala! Hindi ko 'to maalala ang saklap ba masyado nang naging date namin?)
Fourth: Picture namin ni Chandler na nakaluhod sya sa harap ko para ipasuot nya sakin ang sapatos nya.
Fifth: Picture namin ni Xianon wearing headbands (Ang cute namin)
Sixth: Picture namin ni Clent na nakangiti sya nang bongga at ako naman halatang kinikilig eeerr ( ang ganda ng kuha yung cherry blossom na nahuhulog ang nagdala)
Seven: Picture namin ni Lanther sa gitna nang ulan na magkatitigan sa ilalim ng payong (shaks ang ganda parang kdrama ang peg)
Eight: Picture namin ni Steven habang buhat buhat nya ako sa mall ( ang sakit sa paa kapag naalala ko ang nangyari )
"Sigurado ka ba? Mukhang lalo pa akong nalito sa mga picture na'to eh"
"Titigan mo bawat picture alalahanin mo lahat ng ginawa mo kasama silang walo baka sakaling magka idea ka."
"Pwede bang si John nalang ang piliin ko" Hahahaha
"Subukan mo lang lagot ka sakin" gigil nyang sabi
"Biro lang iyo nayun, nagkakaproblema na nga ako sa walo idadagdag ko pa sya" ang haba ng hair ko gash!
"Pumili ka na nga lang!" Saway nya sakin
"Hindi ko nga alam kung pano? Wala akong idea lahat sila gusto ko!" Kayo ba sa tingin nyo matatanggihan nyo silang walo? Diba hindi rin?
*Paaak*
"Aray ko!" Binatukan nya ako ng mahina
"Pumili ka nang isa, wag kang sugapa dyan" ang sakit na nga ng paa ko nakuha pa akong batukan.
"Tulungan mo kasi ako" pagmamakaawa ko sa kanya
"Okay ganito sino ba sa kanila? si Darylle ba na handa kang ipagluto ng masasarap na pagkain, Si King ba na Hot sa este na hindi mahihiyang pumasok sa isang sitwasyon wag ka lang mahirapan oh si Kriston ba na....never mind nalang sa taong yun"
"Hahaha ano ba! Okay naman si Kriston ah hindi nga nya ako pinabayaan nung nalasing ako" kahit wala kaming matinong date
"Ano ba? Itutuloy ko ba oh hindi?"
"Oh sige tuloy myghad" feeling ko mas okay na pinapaliwanag nya ang bawat side ng walo.
"Si Chandler kaya na handa kang pakiligin sa bawat kanta nya oh si Xianon na handa kang patabain—patabain?" Nagulat naman daw sya sa sinabi nya about kay Xianon
"Cute kaya si Xianon kahit matakaw tsaka ipinagtanggol nya ako sa mga estudyanteng manyak"
"Oo na! Itutuloy ko na nga wag ka nga munang mag side comment" Fairy
"Okay" pano kasi mukhang hindi sya sure sa mga sinasabi nya
"Si Clent kaya? Sa tingin ko sya yung taong parang kidlat kapag nakakaramdam ka nang takot mabilis syang pupunta sa tabi mo para pasayahin ka, si Lanther na malabo este madaming alam at madami ring tanong and last si Steven na handang ibigay lahat ng kailangan mo. Ano? MAMILI KA NA MAHIRAP MAGPALIWANAG!" ang sakit sa tenga ng sigaw nya.
"Bigyan mo ako ng 1 minute mag iisip ako"
Gusto ko lang namang sumaya tipong kapag kasama ko ang taong yun wala na akong hahanapin pang iba kasi nandyan sya para palagi akong pasayahin.
"Times up"
Tumingin ako sa singsing na ibinigay sakin ni Steven. Bagay na bagay nga sa daliri ko ang ganda tingnan.
"May napili na ako" sabi ko na mukhang ikinatuwa nya
"Talaga? Buti naman nakakapagod ding maghintay eh" Fairy
Feeling ko tama naman ang desisyon ko na sya ang piliin sa kanilang walo. Waaaaah nakaramdam ako hiya.
"Okay then aalis na muna ako para ayusin ang date nyo ulit mamayang gabi bye" naglaho nalang sya bigla.
Yung date na sana maging mas memorable pa sa lahat.
BINABASA MO ANG
Your date is my command[Exofanfic]
Short StoryThis story is about a lady who is still waiting for her special someone until one day she met a fairy and become an answer to her dream.