Chapter Twelve:[A date to remember]

14 14 4
                                    

[Your date is my command: Exofanfic]

7:02 pm na pero inaayusan parin ako ni Fairy. Yung buhok ko kinulot nya ng konti at nilagyan nya ako ng light make-up.

"Pati pala Fairy magaling sa ganito,nag aaral din ba kayo sa pag me-make up or anything na related sa mga tao?" Tanong ko

"Oo parte yung nang pagiging fairy namin tsaka kung hindi mo naitatanong nakarating na kami sa iba't ibang panig ng mundo" Fairy

"Talaga? Kaya nang powers nyo yun?" Mangha kong tanong

"Ayan okay na ang ganda~ ahm i think bagay sayo ang floral dress teka" aba inisnob ako pumunta sya sa cabinet ko at naghalungkat ng mga damit.

"Wag mo akong paglaruan ha" baka probinsyana ang labas ko nito mamaya

"Chara! *pinakita nya sakin yung peach color na dress* bagay to sayo" malamang kasi ako ang bumili nyan. Floral daw ih Hahaha wala naman akong floral na dress.

"Dalii magbihis kana!" Halos ipagtulakan nya na ako sa cr like may bali po ang paa ko!

Sinuot ko yung dress at fit parin sakin akala ko kasi tumaba ako ng konti. Paglabas ko nang cr may inabot syang paper bag sakin.

"Flat shoes yan alam ko kasing hindi kapa makakapaglakad ng ayos"

"Thank you" ang dami nya nang naitulong sakin samantalang ako 50 pesos lang ang naibigay ko sa kanya.

Sabi nya sa village park nalang daw kami. Sabagay ang ganda ng park dito sa villgae namin. May silbi din pala ang pa-project ng Home Owners Association.

--------------

Habang naglalakad kami papunta sa park palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ko. Ano ba! Lahat nalang ng parte ng katawan ko ang exage mag response.

"We're here" iniwanan na ako ni Fairy sa gitna ng dilim.

Madilim ang buong paligid maliban sa isang poste nang ilaw na katabi ng bench kung saan nakaupo si Steven.

Paika-ika akong lumapit sa kanya tapos umupo ako sa tabi nya.

"Ready ka na ba?" Tanong nya

"Uh medyo, ano kasi kinakabahan ako" kanina pa nga HUHUHU

"Wag kang kabahan, isipin mo ordinary date lang ang magaganap" Steven

Hinubad ko ang singsing na binigay nya sakin.

"Alam kong bagay sa daliri ko ang singsing na'to pero kasi, hindi ko talaga kayang tanggapin ang ganito ka mahal na bagay"kinuha ko ang kamay nya at inilagay sa mga palad nya ang singsing.

"Pero binigay ko na to sayo"

"May mas deserving na babae para dyan, para sa singsing na yan siguro hindi lang ngayon pero dadating din naman sya sayo" ngumiti ako at ganun din naman sya.

"Masaya ako kasi nakilala kita, nakilala ka naming 12 at nakasama pa kahit sa maikling panahon." Tumayo na sya at naglakad sa madilim na lugar.

Nasan ma kaya sya?

"Y-Yena *kinakapos sa paghinga* s-sorry....nalate ako *huminga ng malalim* naiwanan ko kasi to" may hawak syang boquet of roses.

Dahil sa kaba at nerbiyos ko bigla akong napatayo nakalimutan ko na pilay pala ako. Buti nalang mabilis nya akong nasalo bago pa ako ma outbalance.

"Ingat ka" pagkasabi nya nang salitang yun biglang lumiwanag ang buong paligid. Puno nang heart shape na mga balloons ang bawat poste ng ilaw. May eleven na lalaki na nakamascot na heart ang nasa gitna ng Park.

Your date is my command[Exofanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon