AN: I dedicated this to QueenZMedina. Thank you for letting me using your name. ♡ Zarah.
Noralyn's POV
Nakakalungkot naman, hindi namin katabi si Bes Janea. Napalingon ako sa bandang likod kung saan nakaupo si Bes Janea. Ay tulog? Tulog ata. Lumingon ako kay Bes Zarah na nakapikit sabay kulbit.
"Bessy, tulog si Janea?" Tanong ko sa kanya.
Dumilat si bessy saka lumingon sa likuran.
"Oo bessy! Halata naman eh tignan mo nakapikit!" Sagot niya sa akin habang tinitignan si Bes Janea.
"Eh bessy, malay mo nagtutulug-tulugan!" Pasigaw na pabulong na sabi ko sa kanya.
"Bebeta! Tignan mo nga! Ang lalim ng paghinga! Trulalung tulog 'yan!"
Napakunot noo ako sa sinabi niya. Bebeta? diba dapat bobita 'yun? Bopols din 'to si Bes Zar eh.
"Wui bessy! 'Di ba bobita 'yun?" Nakakunot noong tanong ko sa kanya.
Umayos muna ng upo si bes bago sumagot.
"Bes, anong gusto mo hard o light?"
Nye? Bakit ako tinatanong ng ganito ni bessy? Oma! May dalang alak 'to si bessy! kailangan kong pigilan si bessy sa binabalak niyang pag-inom. Tumango-tango ako bago sumagot.
"Bessy, alam mo namang masama sa kalusugan 'yung pag-inom diba? Kaya ako sa'yo huwag kang iinom. Malalasing ka lang, mahihilo ka, magsusuka ka, sasakit ang sikmura mo at magkakaroon ka ng hang-over!" Pag-papaalala ko sa kanya habang seryosong nakatingin sa kanya.
Napakunot noo saglit si bessy pagkatapos ay malakas na tumawa.
"Hahahahahaha!" Tumatawa si bessy habang nakahawak pa yung kamay sa tiyan niya.
Napatingin ako sa paligid dahil yung iba nakatingin sa amin. Sinabayan ko ang pagtawa ni bessy, baka pag-akalahan na baliw siya eh.
"Hahahahaha!" Tawa ko.
"Hahahahaha!" Bessy.
"Hahahahaha!" Ako.
"Hahahaha---" Bessy.
Bigla siyang napahinto sa pagtawa at tumingin sa'kin.
Kaya napahinto rin ako at tumingin sa kanya. Bakit? Masama bang sabayan ko siya sa pagtawa?
"Bobita ka bessy! O ayan ha! Sinabi ko na para-hard!" Nakasigaw na sabi nito.
"Ssshhh bessy!"
Pagpapatahimik ko kay bessy sabay takip sa bibig niya.
"Huwag kang maingay, tignan mo nakatingin sila sa'yo." Sabi ko kay bessy sabay bitaw sa bibig niya.
Napalingon si bessy sa paligid at nag-peace sign sa mga classmates namin bago tumingin ulit sa'kin.
"Alam mo na kaya kita sinabayan ha? Para hindi ka magmukhang baliw. Okie?" Pagpapaliwanag ko sa kanya.
"Oo na bessy, thankie!" Sabi niya sakin sabay yakap.
"Err bes, huwag ka ng iinom ha?" Sabi ko sa kanya habang kumakalas sa yakap niya.
"Ano ka ba bessy! Hindi naman yung pag-iinom yung tinutukoy ko!" Natatawang sabi ni bes.
"Hindi ba? Eh ano yung hard and light? Tanong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
ZOMBIE SURVIVAL
ActionHe comes from the grave, his flesh and muscles deteriorate, he has expressionless empty eyes, he has a pale skin no warmth, no beating of his breast. But brutally strong, aggressive, remorseless and relentless. He neither sleep nor take water. He re...