Chapter 5

84 50 11
                                        

Janea's POV

"What's you're all problem students?!"

Nakatingin ako kay Mrs. Jacob na nagsasalita sa harapan namin. Nandito kami sa Chakka Nhia kung saan nag-stop-over yung mga bus. Katatapos lang naming kumain at kasalukuyan kaming pinagagalitan ngayon ni Mrs. Jacob dahil sa away kanina sa loob ng bus. Kasama namin yung mga chaka babes na umaway sa bessy ko.

Napatingin ako kay Zarah at Lyn na nasa tabi ko. Nakatungo silang pareho.

"Hoy."

Siniko ko yung dalawa. Tumingin naman sila sa'kin. Nginitan ko sila at ngumuso sa direksyon ni Mrs. Jacob.

"Chin up." Sabi ko sabay dugtong, "Panindigan mo 'yan bessy."

Bulong ko kay Zarah sabay kindat. Ngumiti siya sa'kin at tumango. Kunwari pa 'tong babaeng to na nahihiya, pero gusto na niyang sapakin yung mga chaka babes na malapit sa'min.

"Wala ka naman ginawang masama, so stay innocent."  Pahabol ko pang sabi sa kanya sabay ngiti.

May pagkakapareho kami ni Zarah pagdating sa awayan. Hindi kami nagpapatalo. Simula pagkabata magkaibigan na kami niyan. Nagkakilala kami sa tutorial ng karate, pero hindi namin na pagpatuloy kasi yung nagtuturo umalis. Bumalik sa ibang bansa kung saan siya nakatira.

Kaya ayun tinamad na kami. Pero marunong kaming mag-self-defense. At si Lyn? Ayan nagagaya na rin sa'min. BI kami eh. Haha.

Nakilala lang namin si Lyn ng may nambubully sa kanya. Sinapak namin ni Zarah yung umaaway sa kanya. Simula nun lagi na siya sa'ming sumasama. It was happaned when we were in Grade 4. Ang paalala nga namin kay Lyn, kapag may umaaway sa kanya huwag siyang magpapakita na mahina siya. Hangga't maaari lumaban siya para malaman ng mga kaaway niya na hindi siya basta-basta natatakot.

Kaya kanina, sabunutan kung sabunutan! Lintik kasi na umawat 'yan! Napairap na lang ako. But I still felt his hands on my waist. 'Yung init ng mga kamay niya. Napailing-iling ako. Tama na ang kaiisip sa kanya. Hindi ka niya mahal. Rather, hindi ka niya minahal sa simula't sapul.

"Marquez, pinariringgan mo daw si Mahalande?" Tanong ni Mrs. Jacob kay Bessy.

Muntik na akong matawa sa apelyido ni chaka babe! Nasa apelyido na pala niya yung katauhan niya eh. Tsk. Napatingin ako sa dalawa. Si Zar tumatawa habang si Lyn, wala. Malamang di na naman niyan gets.

"Marquez! Why are you laughing?!"

Napatigil sa pagtawa si bessy at biglang umayos.

"Wala po Ma'am."

"Wala naman pala. Umayos ka dyan."

"Opo, Ma'am."

Tumingin sa'kin si bessy syaka bumulong.

"Bessy, hindi na ako nagtataka kung bakit siya ganyan. Apelyido pa lang wapak na! Haha!"

"Oo bessy. Umayos ka na dyan pagagalitan ka na naman dyan ni Ma'am." Nakaanas kong sabi sa kanya.

Ngumuso lang siya at tumingin na ulit kay Ma'am. Cute.

"Marquez, pinariringgan mo daw si Mahalande?" Tanong ulit ni Ma'am kay bessy.

"Ma'am hindi ko po siya pinariringgan, kumakanta lang po ako."

"Anong hindi pinariringgan! You're pinariringgan me!"

"Ikaw, ang kulit mo! Kanina ka pa ha! Kumakanta nga lang ako! Masama bang kumanta ng Huwag kang Pabebe?!"

"No! You're pina---."

ZOMBIE SURVIVALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon