Chapter 10

57 7 1
                                    

Zarah's POV

"Huhuhuhu"

"Huhuhu"

"Huhuhu"

Nakatingin lang ako sa mga babaeng umiiyak. Sa totoo lang gusto ko din umiyak, pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil lechegas! Hindi ko alam kung nasaan ang mga kaibigan ko. Sana, walang mangyaring masama sa kanila. Kainis naman kasi eh! Bakit hindi ba nila ako ginising?!

Nagising na lang ako kanina ng maramdamang wala na akong katabi. Nagbibihis na ako nun ng makarinig ako ng sigawan sa labas. Binilisan ko talaga ang pagbibihis! Nagsasapatos na ako ng biglang dumating si Zach at hinahanap si bes Janea.

Sobrang nagulat talaga ako sa mga creatures na nasa labas na kumakalampag sa pintuan ngayon. Akalain mong merong zombie sa totoong buhay! Akala ko sa nilalaro ko lang yun na plants vs. zombies eh. Naalala ko talaga bigla ang mga kaibigan ko at gusto ko na silang makita. Bwisit! Sana, ligtas sila.

"Fuck! Quiet! They can hear you!"

Napatingin ako sa pesteng ex ni bes Janea. Kailangan talaga may mura? pwede namang 'Quiet! They can hear you!' Nakasasakit siya ng damdamin ng babae. Sabagay, sinaktan niya nga si bes eh.

Biglang tumahimik yung mga babae. Pwede naman kasing umiyak ng tahimik eh. Kaso ang hirap nun, pero masakit kapag pinipigilan ang pag-iyak. Masakit sa dibdib. Diba? Try niyo.

Inilibot ko ang tingin, sampu kaming narito sa loob ng suite. Ako na nakasandal sa wall ng kwarto namin, yung limang mga babae na umiiyak sa sulok, si Drizella na shota ng pesteng ex ni bes! Syempre si pesteng ex ni bes na laging walang reaksyon yung mukha! Si JC na lechegas na babaero. At si---

"Honey!"

Tumingin ako sa babaeng humawak sa braso ni JC. Kairita. Ano ba naman 'yang suot ng babae?! Dapat hindi na siya nagdamit at naghubad na lang para siya yung hinabol ng mga zombie sa labas! Napa-360 talaga dalawang mata ko.

Tumingin pa ako saglit sa kanila na nag-uusap bago pumasok sa loob ng kwarto. Kinuha ko yung damit ko na sa tingin ko eh kasya sa kanya. Pagkatapos ay lumabas na ako at dumeretso sa direksyon nila.

"Hoy!"

Tawag pansin ko sa babae ni JC. Lumingon siya sa'kin na nakakunot ang noo.

"Why?"

Hinagis ko sa kanya yung dala kong damit na sinalo niya.

"Oh ayan damit para sa kumakati mong singit!"

Tinaas niya yung damit na parang nandidiri pa, pagkatapos ay tumingin siya sa'kin ng masama.

"Anong gagawin ko dito?" Tanong nito habang nakataas ang damit at nakatingin sa'kin.

Wala ba 'tong common sense? Mukhang nonsense lang alam nito ah.

"Kakainin." Tinaasan niya ako ng kilay. "Malamang susuotin! Hiyang-hiya naman kasi kami sa suot mo eh."

Pagkasabi ko nun tumalikod na ako at bumalik na sa pagkakasandal sa wall. Grabe ha!

"Ayun yung banyo oh. Oh baka gusto mo dito sa kwarto?" Nakaturo kong sabi sa kanya.

Inirapan ako ng babae na dumaan sa gilid ko at dere-deretsong pumasok sa loob ng kwarto. Akala ko isasama pa niya si JC eh.

"Hahaha!"

Napatingin ako sa tumawa. Wala bang kasawaan sa katatawa tong si JC? Anong nakakatawa? Nakakahalata na ako eh. Lagi siyang nakatawa kapag kaharap ako. May nakakatawa ba sa'kin?

ZOMBIE SURVIVALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon