Noralyn's POV
I woke up when I felt thirsty. I sat down and turned around to looked bes Janea. Wah! Where is she?
Tumingin muna ako kay bes Zar na mahimbing pang natutulog. Pagkatapos, bumaba ako ng kama at lumabas ng kwarto at dumiretso sa kusina. Pagkatapos uminom pumunta ako sa sala at hinanap si bes Janea.
"Bes Janea?"
"Bes? Yoohoo!"
Tawag ko sa kanya pero walang sumasagot. Pumunta ako sa loob ng C.R at tinignan kung nandun siya, pero wala. Tinignan ko rin siya sa ibang kwarto pero wala talaga. Baka naman lumabas? Sundan ko nga.
Ipinasok ko muna ang mga bag namin sa loob ng kwarto pagkatapos ay naligo muna ako at nagbihis at lumabas na. Bibilhan ko na lang ng pagkain si bes Zar para hindi magalit na iniwan namin siya sa suite. Tama!
Tulog kasi siya kaya paano ko siya masasama? Kaya dadalhan ko na lang siya ng pagkain.
Napangiti ako sa naisip ko at sumakay na nang elevator at pumunta sa pinakababa. Hahanapin ko muna si bes Janea. Baka naghanap na naman yun ng puno.
Naiisip ko nga baka may lahing unggoy si bes Janea kasi love niya ang mga trees. Kalahi niya kaya si boots? Oh baka naman siya si dora? Matanong nga sa kanya yun minsan.
Lulukso-lukso pa akong naglakad palabas sa hotel ng nakatungo ng may mabangga ako. Sa lakas ng pagkakasagi sakin ay napasalampak ako sa sahig.
"Arawch!"
Napahawak ako sa pwet ko na bumagsak. Waah! Arawch ang sakit. Huhu.
"Hala miss sorry!"
Napatingin ako sa nakabangga sakin. Si ano to ah. Sino nga ba 'to?
Tinitigan niya ako saglit saka iniabot ang kamay niya. Shake hands?
Inabot ko kamay niya saka nakipag-shake hands pagkatapos ay binitiwan na agad. Bakit dito pa niya nakuhang makipag-shake hands? Hindi niya ba nakikita na nakasalampak pa'ko sa sahig?
"Hahahaha!"
Napakunot noo ko ng bigla siyang tumawa. Anong nakakatawa? Tinatawanan niya ba ako? Pangit ba ako?
"Take my hand."
Mas lalong napakunot noo ko. Kakanta ata? Dugtungan ko nga.
"Take a breath."
Napakunot noo siya saglit at tumawa na naman.
"Hahaha!" You're Noralyn right?"
Kilala ko talaga 'to. Nakalimutan ko lang name. Kasama namin to sa bus eh. Tumango ako.
"Kunin mo kamay ko, itatayo kita."
Aaah! 'Yun naman pala yun! Akala ko naman kasi makikipag-shake hands. Inabot ko kamay niya at ang lambot! Hala.
Tinayo niya ako ng nakatingin sa'kin. Bakit ba nakatingin siya sakin? May dumi ba ako sa mukha? Kaya naman napayuko ako.
"Kuya Clarence!"
Napatingin ako sa bagong dating. Diba si Koji to? Sabi na eh! Kilala ko talaga 'tong nasa harap ko. Si Clarence pala!
"Halika na! Akyat na tayo! Oh yow Hi Ate Lyn!" Nakangiti saking sabi ni Koji.
"Hi din Koji!"
Nakangiti ko rin sagot sa kanya habang kinakaway ang kamay.
"Aakyat ka na rin ba? Sabay-sabay na tayo yow!"
BINABASA MO ANG
ZOMBIE SURVIVAL
AçãoHe comes from the grave, his flesh and muscles deteriorate, he has expressionless empty eyes, he has a pale skin no warmth, no beating of his breast. But brutally strong, aggressive, remorseless and relentless. He neither sleep nor take water. He re...