Koji's POV
Pababa na kami ng bus habang naka-akbay sa akin si Kuya Ace at nasa tabi naman niya si Ate Lovely habang hawak ang kamay nito.
Naghintay muna kami saglit sa labas ng Castra hotel kung saan kami tutuloy bago sa camp site. Isang araw lang naman kami dito at magkakasama kaming anim sa iisang room.
Napalingon kami ng tinawag kami ng mga teachers para pumunta sa kanya-kanyang room. Binitbit ko ang sports bag ko at yung ibang mga weapons na pinadala ni bro.
Saan ba kasi 'to gagamitin ni bro! Ang bigat-bigat eh!
Pumasok na kami sa elevator at kaming walo lang talaga ang nasa loob nito. Hindi pa nasasara yung pinto ng elevator ng biglang may sumigaw.
"Waaiiitttt!!!! Stooooop!!"
Pfffft!! Hahaha! Ang epic ng kaibigan ni Ate Janea!! Narinig kong tumatawa si Kuya JC kaya napatingin ako sa kanya. Lahat sila tumatawa na, si Kuya Zach langyung walang reaction at nakatingin nanaman kay Ate Janea.
Pumasok na sila sa loob ng elevator at ngumiti sa amin. Nginitian ko din sila. Nagsimula ng umandar itong elevator na sinasakyan namin.
Pasimple akong tumingin sa kanilang lahat, maliban sa linta na laging nakakapit kay bro. Ang tahimik!! Yung totoo? Nagmimisa ba kami o nagsa-silent prayer? Kulang na lang ay yung tunog ng kuliglig o tunog ng owl. Nakita ko si Ate Janea na nakatingin sa akin kaya binati ko sya.
"He, Yow Ate Janea! Kamusta yow?!" Ngumiti sa akin si ate Janea.
Ganda talaga!! Hindi na ako magtataka na nagustuhan ito ni bro! Mas gusto ko si ate Janea sa lahat ng babae na nakakasalamuha ni bro.
Nakita kong tumingin din sila Ate Lyn at Ate Zarah.
"Yow! Eh ikaw yow Koji! Kamusta ka yeah?" Biglang tanong ng kaibigam ni Ate Janea.
Mahina akong napatawa. Nakakatuwa talaga itong si Ate Zarah! Marunong makisama kahit kanino.
"Hahahahaha" tawa ni Kuya JC. Tumingin kami lahat sa kanya.
"Yow JC! Kingina mo! Anong tinatawa-tawa mo dyan yow?" Hahaha!! Wala talagang inaatrasan 'tong si ate Zarah!
Lalo namang tumawa si kuya JC, "Hahahahahaha!!" Nakahawak na si kuya JC sa tiyan nya at nakayuko na.
Grabe tawa ha!
"Maubusan ka sana ng hininga! Yung deretso patay na para masaya yow! Sigee tawa pa more yow!" Nasiyahan si ate Zarah sa 'yow' ko!
"Hahahahahahahahahaha!!" Nagtawanan kaming lahat maliban kay bro na wala pa ring reaction. Hindi ata na-iistrech yung labi nito eh!
Tumatawa pa rin kami ng mapatingin ako sa taas, 26 na. 28 floor namin. Malapit na kami sa floor namin ng biglang magsalita si Ate Janea.
"Yung isa wala pa ring reaction dito yow!!"
"Ting!"
Saktong pagkasabi nun ni Ate Janea eh bumukas ang elevator at tumakbo siya habang hila-hila ang dalawa niyang kaibigan.
Nagtawanan kaming lahat sa sinabi niya. Napatingin naman ako kay bro.
"Woah yow!"
Napatakip ako ng bibig ko at napaturo kay bro. Ngumisi si bro!! Once in a blue moon lang yan!
Tumingin sila sakin ng nagtataka. Si bro naman ayun ang sama ng tingin sakin! Kaya naman nagsimula na lang akong lumakad palabas ng elevator ng tumunog na ito. Pero nakita ko talaga yun! Hahaha yow!
BINABASA MO ANG
ZOMBIE SURVIVAL
ActionHe comes from the grave, his flesh and muscles deteriorate, he has expressionless empty eyes, he has a pale skin no warmth, no beating of his breast. But brutally strong, aggressive, remorseless and relentless. He neither sleep nor take water. He re...