Chapter 8

68 18 1
                                    

AN: Sorry sa sound effects kung epic. XD Huwag niyo na lang pansinin kung ayaw niyong pakinggan. Salamats. ♡

Janea's POV

*Scccrreeccchhh*

"Help! Help! Help me! Help!!!!"

"Aaaaaaahhhhhh!!!"

"Call the 911 please! Call the 911!"

"Hindi! What's happening?!!!!"

"Saklolo!!!! Aaaaaaahhhhh!!!!"

Nagpalingon-lingon ako sa mga taong nagtatakbuhan, nagwawala, at sa mga taong kanya-kanyang humihingi ng saklolo. I don't know what's going on and all I can do is to run and run to escape to those people like crazy. She want to cry right now but she need to be brave.

Nagpatuloy ako sa pagtakbo at pilit umiiwas sa mga taong wala sa katinuan. Ayoko mang isipin na ganun sila pero ganun ang nakikita ng mga mata ko.

Ito lang ang masasabi ko, sila ay nakakatakot, nakakikilabot!

They are all ZOMBIES!

Nakita ko ng biglang tumayo ang lalaking nakahiga at tumakbo papunta sa'kin at sinunggaban ako. Hinawakan ko dalawang braso niya at pilit inilalayo sa pagsunggab sakin. Masyado siyang malakas! Kaya naman tinadyakan ko siya sa tiyan at kumuha ng malaking bato at ibinato sa kanya.

Pero hindi manlang natinag yung zombie sa harapan ko. Natatakot na ako!

Hindi! Kailangan kong maging matapang! Iniikot ko ang mata ko at marami na silang pasugod sa akin. Tumakbo ako at nakisabay sa mga taong nagtatakbuhan pabalik sa park.

Habang tumatakbo naghahanap ako ng matulis na bagay para pang proteksyon sa mga papasugod na mga zombies. Hindi naman ako tanga para hindi malaman kung paano sila mapapatay at kung saan sila pupuntiryahin. Salamat sa mga napanood kong movie about zombies.

Wala akong mahanap na matulis na bagay! Napatingin ako sa likod at sumusugod pa rin sila. Napapagod na ako. Inilibot ko ulit ang tingin ko sa park ng makakita ako ng isang eskinita. Lumihis ako ng takbo at pumunta sa eskinita. May mangilan-ngilang zombies na narito.

Nakita nila ako at biglang sumugod sakin. Tumakbo ako ng mabilis ngunit naabutan ako ng dalawang zombie! Sinipa ko ang isa sa tiyan at ang isa naman na muntik na akong makagat ay tinulak ko at sinipa sa mukha. Pero wala. Tumayo lang sila ulit. Kailangan ko ng makahanap ng kutsilyo o kaya baril.

Iniikot ko muling ang mga mata ko ng mapadako sa SUV na mukhang nabangga dahil umuusok pa ito. Tumakbo ako papunta doon at umakyat sa pinakamataas na hood at humarap sa limang zombies na! Nyemas!

Inilibot ko ang tingin ko habang ang mga zombies ay pilit akong inaabot. Napatingin ako sa matulis na nakausli malapit sa pinagbanggaan ng kotse. Pumunta ako dun at kinuha ang matulis na bagay ngunit nahawakan ako ng isang zombie sa isang paa. Sinipa ko siya ng libreng kong paa sa leeg at pilit inaabot ang matulis na bagay. Nang mahawakan ko ito agad akong umupo saka sinaksak siya sa ulo niya. Bagsak!

Apat na lang. Napatingin ako sa mga zombies na umaabot sakin. Magkasama ang dalawa na nasa likod ng kotse at ang dalawa naman ay nasa hood. Bobo rin tong mga zombies na to eh. Bakit hindi sila dito malapit sa passenger seat para madali nila akong mahila? Pero mas mabuti na to!

Pumunta ako sa likod ng kotse at tinapakan ang tig-isang kamay ng dalawang zombie na nakapatong sa kotse na pilit pa ring umaabot sakin, tapos hinawakan ko yung isang kamay ng isang zombie at sinaksak siya sa noo.

ZOMBIE SURVIVALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon